twentieth set- your love

225 6 0
                                    

CoL's PoV

 Nakarating ako sa Theater Park kung saan sila magpeperfrom. Ito lang namang park namin ang may theater center. At dito ginaganap ang mga kantahan na live kahit walang permit pwede dito. Ang bait ng mayor namin ano. Hehehehe...

 Masyado ng maraming tao at halos hindi ko na makita ang unahan. Tanging tugtugan at hiyawan na lamang ang naririnig ko.

"UI, Majinbu!!" napalingon ako sa nagsalita. "Nandito ka rin pala?!" ganoon pa rin sya, parang walang inaalala. Buti pa sya.

"Bato! este, Korou." nahalata nya agad ang joke ko at agad syang tumawa. "Manunuod lang ng concert." ngiti ko rin sa kanya.

"Sama ka sa akin. Mukha namang wala yung lalaking nanuntok sa akin noon." Kinuha nya ang kamay ko at inaantay ang magiging sagot ko.

"Sila ang tutugtug ngayon. ^___^" good mood ako hindi ko kailangang mainis sa mga sinasabi nya.

"Hindi na nakakapagtaka yun. Battle of the amature bands ngayon. Maganda ang premyo kaya ilan sa barkada ko sumali din." Kinuha ko ang kamay niya at pumunta na kami sa bandang kanan ng lugar.

May mataas na parte doon at VIP lang ang may access. At dahil nga po ako founder ng txtclan sa buong Quezon pinayagan nila akong magpunta dito basta dala ko ang anime I.D. ko.

Hindi ko naman akalain na meron din siyang koneksyon sa may-ari ng lupang ito. At lanya, iba ang pag-approach sa kanya.

"Good evening Captain." sabi yan nung isang lalaki na nasa entrance ng VIP room.

Pinabayaan ko na lang. Baka naman trip lang nila na gawin yun. Hindi siya nagpaliwanag kung bakit siya tinawag na captain nung lalaki. Basta-basta na lang kaming umupo doon. Pumunta ako sa madalas kong pwestuhan at pinakiramdaman ko siya. Isa pa rin naman siya sa mga kaaway namin kaya naman, kailangan kong magingat.

"Alam mo bang sa kinauupuan mong yan palagi daw umuupo ang Txtline Clan Boss ng Quezon." anong gusto nyang palabasin sa sinabi nya? Na alam niyang ako ang boss ng txt clan?

"Ganoon ba." kaswal(casual) kong sabi. Para naman hindi niya mahalata ang nalalaman ko. Pinanatili ko na rin ang lakas na pinapalabas kong aura. Nandito sa lugar si BOOK at kapag nahalata niya na nagbago ang lakas ng aking aura hahanapin niya ako. At sa paraang alam kong magkaka-gulo.

Dumating na ang Host ng contest at ipinakilala na ang kasunod. "Magandang gabi muli sa inyo. Nageenjoy pa ba kayo?!" naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. "Okay. Sila na ang huling magpeperform ngayong araw. Ang YL Band!" Hala, huling magpeperform? e di ibig-sabihin, hindi ko na sila naabutan?

Tumayo ako sa pagkagulat at napatingin sa akin si Korou na kanina'y nagka-cross legs at nakapatong ang mukha sa kanang kamao. Nasa bandang kaliwa niya ako at nakikita ko siya rear side ko.

"May problema ba?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Tatayo na sana siya buti na lang at nakilala ko agad ang may hawak ng mekropono na nasa stage ngayon.

"MAGANDANG GABI ******" Isinigaw niya ang pangalan ng bayan na ito at nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Wala." naupo na ulit ako at nag-simulang mag-enjoy.

"Dedicated ang kantang ito sa aming minamahal na kaibigan at itinuturing naming boss." tumingin sa akin si Kyohei at kumindat. Gusto kong tumawa noong sandaling iyon pero pinigilan ko dahil kay Korou. "Para sa kanya ito at para sa inyo na rin. Pero wag n'yong aagawin ang vocalist namin ha, baka mapatay n'ya kayo. hahaha.. eto na siya." ibinigay niya ang mekropono kay BOOK. Grabe. Ibang-iba ang itsura niya. Nakasuot sya ng damit ni Suzaku Kururugi at pati na rin ang tres marias naka pang anime costume. Si Hope naka Hinata. Daring na Hinata. Si Faith naka Ten Ten at may sultra pang malaki sa likod. Grabe ha. At si Phobie naman ay naka Sakura at this time, mahaba ang buhok niya na kulay pink tapos yung latest sa Shippuden ang damit. Grabe na talaga sila. Daanin ba naman sa patalbugan ang contest. Doon ko lang na pansin na ang pinsan ko palang si Jayson a.k.a. Kyohei ay nakasuot ng Uniform ni Tomoya ng Clannad.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now