twenty third set- Mirror (KAILAN)

229 6 0
                                    

Dinala kami ng mga magulang ni Col sa kanilang bahay at saka pinababa ng basement. Hindi ko alam ito. Nakita at nasuyod na ng buong Vecoballenos ang lugar pero bakit hindi namin nakita na may basement ito.

"Huwag na kayong magtaka. Alam kong alam nyo na walang ganito ang bahay namin. Simula't simula pa lamang alam na namin ang lahat nagkukunwari lang kaming walang alam dahil umasa kaming mapoprotektahan nyo sya." napaiktad si Hayate doon at alam kong sinisisi nya ang sarili nya dahil sya dapat ang unang promotekta sa minamahal nya. "Ang Magic ay totoo. Iilan na lamang ang nakakagamit nito. Mismong kayo ay may kapangyarihan may powers, may techniques, may magic." Patuloy kami sa pagbaba hanggang masilaw kami ng liwanag. Kanya-kanya kaming takipan ng mata hanggang sa ma-adjust namin iyon at nakita naming lahat ang isang salamin. Malaking salamin.

"Ito ang THEAR. At masyadong malayo dito ang Deltora." paliwanag ng mama ni Col. Tumingin sya sa aming lahat at makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "Pakiusap, iligtas nyo sya."

__________________

 (Minuru "MIST" PoV)

Lahat kami ay hindi makapagsalita habang tinitingnan ang mama ni boss. Nasasaktan sya. Ngayon ko lang nakita ang mama nya pero sigurado akong ngayon lamang din sya nagkaganito.

I was hit by that sentence. Iligtas si Col. Iligtas sya kahit na alam naming lahat na kagustuhan nya ang malayo kay De Vega. Yes, from now on, I will call him De Vega. That idiotic brat take my boss as her bestfriend and now that she want him to be something more he will do this kin of things. I was always with Col, where ever she is I'm with her because of my yokai guardians. At that moment at that same spot! I heard what they are saying.

*Flash Back*

Nasa loob ng VIP room ang isa kong Yokai. Maliit laman siya at hindi madaling madetect ng kahit na anong kapang yarihan. Ganoon pa man, nahihirapan syang manatili doon. Nakita ko kung paano nawala ang ngiti ng aking boss noong malaman nya na alam nitong lalaking ito na sya ang boss ng Veco. Umatras siya at nagkaroon ng glass window sa likod nya. Ang lalaki mula sa kaliwa nya ang gumawa noon. Pinanood ko lang sila kasi kapag gumawa ako ng aksyon ngayon, mawawala ng tuluyan ang yokai ko.

May ibinulong ang lalaki sa kanya ngmakalapit ito. "Bakit ka patuloy na umaasa sa pag-ibig ng iyong guardian." Lalapit na sana ako subalit itinulak agad ni Boss ang lalaki.

"Wala kang paki! Isa pa, mahal ko sya at hindi na magbabago iyon!" Malakas ang sigaw na iyon ni boss kaya naman agad na naglapitan ang apat na lalaki.

"Alam mong kaya kong lasunin ka sa kinatatayuan mo pa lamang boss ng Veco. Pang labing-isang boss ng Vonggola." Nanlaki ang mata ni boss at kahit na hindi ko nakikita ang mukha noong lalaki, alam kong nakangisi sya ngayon. FVK gusto ko ng sumugod. "Nabigla ka sa impormasyon ko ano. Kilala kita. Kilalang-Kilala. Hinawakan nya ang mukha ni Col at pinadaan ang mga daliri nito sa gulat na mukha ng aking boss.

"Sena" Sabi nya sabay ng paghinga.

"Musta na Rasetsu. Panglabing isang boss ng Vonggola."

Dahan-dahan syang kinuha ng gravity ng kinatatayuan nya at tuluyang bumagsak. "Pa-Papa'nong narito ka Sena." Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Nakatingala sya sa lalaki at nanginginig ang kanyang kamay.

"Hinanap kita boss. Hinanap kita ng mahabang panahon. Pero ngayon nakita na kita kaya hindi na kita  papakawalan pa. Ah, maalala ko, kasama ko nga pala si Xero, ayun sya at pinipigilan ang kapangyarihan ng storm guardian mo." Hindi na talaga makagalaw si Boss. Medyo natuwa sya ng malamang nandito yung Xero pero nabalik ang isip nya sa isang tao.

"Si Taichi? Kasama nyo ba sya? anong nangyari sa kanya?" bago pa man makaimik yung Sena ay may pumasok sa silid na madalang bote ng alak.

"Boss. Long time no look ah. Noong nasa resort ka hindi mo man lang ako pinansin." Sabi noong Taichi. "Naroon ako noong nagpunta ka sa kakahuyan para hanapin yung batang storm guardian, naroon in naman ako sa event center pati na rin noong tumatakbo ka pero kinalimutan mo na talaga ako." Halatang lasing na ang lalaki pero nakapamulsa pa rin ito at patuloy na umiinom ng alak.

"Taichi bakit ka patuloy na umiinom. Makaksama sa iyo yan."

"Bumalik ka na sa Deltora boss. Miss ka na namin. Ikaw ang pinakamasama noon tapos iniwan mo na lang kami dahil sa LINTIK na misyong yan!" kasabay ng pagmumura nya ay ang pagbasagnyasa bote. Napa-atras si Bossat halatang natatakot. "Ipapakita ko sa iyo ang nasa isip ng mahal mong storm guardian. Tingnan natin kung maiisip mo pang manatili dito." Kiniskis nya ang kanyang palad at ng dumipa na sya ay may mga alikabok na kumalat.

"Taichi, Hindi mo na kailangang gawin ito." Pagpigil ni Sena pero huli na sya.

Ipinakita nya sa amin ang bawat salita, bawat tinig, at bawat imahe ni Hayate na nakikipag-usap sa blond na batang babae habang sinasabi ang mga bagay-bagay. HIndi ko inintindi ang sinabi noong babae. Basta't ang alam ko lang, Maahal pa ni Hayate ang naturang babae.

Natapos ang panunuod ko at tumingin ako kay boss. Tumayo sya at lumapit dun sa Taichi.

"Akin na." malamig ang boses niya. "akin na ang portal." Hindi ako makapaniwala. Iiwan nya kami. Aalis sya dahil nanaman sa batang yun. Pinilit ko ng gumalaw pero dahil sa mahika ng lugaw natapon sa labas ang aking yokai at bago pa man mawala ng yokai ko. Nakita ko ang isang lalaki na pumasok sa VIP room. Siya siguro si Xero.

Ilang sandali lang ay tumatakbo na si Hayate mula sa stage at doon na tuluyang nawala ang yokai ko.

Agad akong pumunta sa lugar at kasabay noon ay ang pagtawag sa telepono ko ni Faith.

*end of Flashback*

That moment, I told myself I won't allow him to have my boss. Yes I am selfish but hurting her is like hurting me. And I Never let anyone hurt me.

Tiningnan ko si De Vega na nasadulong kaliwa namin. Nakayuko lang sya at nagsisisi sa ginawa nya. Takte, kanina pa sya walang salita. Ano ba kasing nasa isipan nya ngayon. Kung kaya ko lang ding maisip ang iniisip nya katulad noong lalai kanina malalaman ko kung anong nasa kokote ng batang yan para mapaghandaan ko na ang pagpatay sa kanya.

"Let's call this a night. Masyado na tayong nasaktan ngayong gabi at kailangan nating magpahinga. Tayong lahat." Kinuha ni Mr. Magallianes ang kamay ng asawa nya and he pulled her to a hug. Tss.. parang nakikita ko sa mama nya si Boss pero iba pa rin ang commanding voice ng papa nya kung saan talaga sya nagmana.

Umakyat na kaming lahat at nahabol pa rin ng tingin ko si De Vega. Naroon pa rin sya sa pwesto nya at ilang sandali lang nakita ko syang tumakbo papunta sa malaking salamin at tumalon mula doon.

*BLAG*

"Hindi yan eepekto Blake Octavious, may ritwal muna bago makapasok dyan." hindi nakatingin na sabi ng papa ni boss.

"Kuya." agad na lumapit si Takumi sa kapatid at tinulungan itong tumayo.

Kahit na kambal sila, hindi maikaka-ila na mas matured tingnan si Takumi sa kanya. Mas maayos mag-isip at mas hindi padalos dalos.

"ANT! ANT! ANNNNNNTTTTTTTT!!!!" muli syang nagsisigaw sa harap ng salamin. pilit na inaabot ang salamin na sya namang pinipigilang mangyari ni Takumi. Dumudugo na ang ulo ni De Vega dahil sa pagsugod nya kanina. "AAANNNNNNTTTTTTTT" umiiyak na sya at narinig ko na rin ang hikbi ng aking mga kasama.

(JL Takumi "RAIN" MARK De Vega's   PoV"

Yakap ko sya at patuloy syang umiiyak habang inaabot ang salamin sa likuran ko. Pilit syang kumakawala subalit malakas pari na ko sa kanya.

"AAAANNNNNNNTTTTTTTTTT" habang sumisigaw sya ay patuloy nadudurog ang puso ko.

"Tama na Kuya BOOK. tama na." sabi ko habang umiiyak na rin. Kumakanta sa akin isipan si Brayan Termulo ng Kailan sa aking isipan habang patuloy ang pagtangis ng  aking mga kasama.

Lahat kami nasasaktan. Lahat sila galit sa kapatid ko dahil hindi nya nagawang pigilan ang pag-alis ng aming boss. Pero ano nga ba talaga ang nangyari. Gusto kong malaman. Karapatan kong malaman.

Lumakad papanta sa amin ang lumuluhang si Ryuu. Kahit sya ay nasasktan sa nangyayari subalit ang mas apektado ay ang kapatid ko dahil sya ang nakasaksi sa pagkawala ng taong minamahal nya. Hindi man lang nya ito napigilan at iyon ang lalong nagpasakit doon.

Inilagay nya nag kamay nya sa ulo ng kapatid ko. "AAANNNNNNNTTTTTTT" muli syang sumigaw.

"Nawa'y pakalmahin ka ng mga lightning god huwag ka sanang masaktan pa ngayon." Matapos nyang bigkasin iyon ay pareho kaming nakuryente ni Kuya at nawalan ng malay.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon