thirtieth set- Saito versus Saito?

226 6 0
                                    

Kyohei’s PoV

“Ilabas mo na ang pakpak mo Rune Saito!” rinig namin ang mga salitang binigkas ng lalaking kalewete at kulay dark blue ang buhok. Nakasuot sya ng kimono na kulay light blue. Mahaba ang buhok niya at natatakpan ang isa sa mga mata nya.

Clash, Slash. Yan ang mga naririnig namin at nakita ko kung paano depensahan ni ate ang mga atake ng kalaban nya gamit ang espadang hindi sa kanya, kundi kay Inuyasha.

Nagawa nyang palabasin ang isang dragonfly wings kulay blue ito pero unti-unting naging green. Mukha itong makapal at mahirap lumipad pero nagawa nyang lumipad ng maayos gamit iyon. Kasunod ay isang wand. Hindi kahabaan may mga dyamate ito na hindi ko pa nakita kahit saan. Sa itaas nito ay isang cresent moon sa gitna naman ng cesent moon ay isang star at sa gitna ng star ay may puso at sa gitna ng puso ay may kung anong nakaguhit. Binitawan ni boss ang espada ni Inuyasha at lumaban gamit ang wand. Iwinagay-way nya iyon at lumabas ang mga hayop na hindi basta-basta.

Isang tricerotophs, si WilldMutt, at ang lion King. Si Simba.

“Wow, Necromancer pala si Boss”- Ryuu.

“Mali ka, magician.” Si lan iyon na hindi naalis ang tingin kay Boss.

“Witch.” Sa pagkakataong ito si Minuru iyon nanakahawak sa baba nya.

“Tss, mga kupal kayo. Bumalik nga kayo sa elementary. Fairy yan. Kita nyong may wand oh!” napaiktad ako sa nagsalita. Si Takumi.

“Anong? Panong?” hindi ako makapaniwala, madali niyang nasira ang harang na ginawa ko.

“Mahina ang spell mo Kyohei, sana nagsanay ka muna. Mas mahaharang pa ako ng spell ni Minuru e.” Si Hayate iyon. Gising na sya at mukhang nagmomorph na sya sa katauhan ng mayabang na si Wendyl ah. O baka naman sa pinsan nyang si WOLF iyon nakuha. Ah, naku.Paki ko ba.

“Ui, tol thanks.” Tamo nga naman close na close walang akward ah. Nagfist bump pa. Bestfriends ah.

“Bestfreind ah. -__-“ sai ko with poker face. Iinisin ko sana yung dalawa pero alam nyo kung anong ginawa nila? Nag akbayan pa at sabay sinabing, “naman.” Tss. Mga baliw.

Bumalik na lang ako sa pagtingin kay boss at lumapit naman sa akin si Hayate.

“Tingin mo ba, sya yan?” tanong ko lang. Para naman may mapag-usapan.

“oo pre, malakas e.” Napatingin ako sa kanya. “oh bakit ganyan tingin mo?” sabi pa nya at nagcross arms. Anong nangyayari?

“bakit hindi pa natin sya tulungan kung alam mong sya pala yan?!” nagdidilim ang paningin ko. Akala ko sya yung prinsesa kanina kaya hindi ko sya tinulungan. I mean nakasuot sya ng uniform na suot din naman nung prinsesa ng makita ko sya sa balkonahe ng kwarto nya.

“Pabayaan nyo sya. Hindi nyo pa sya nakikitang lumaban. Rare site to kaya manuod na muna kayo.” Sabi pa nya at kumuha ng bangko at umupo dito.

“Hayate naman, si boss yan oh!” si Minuru iyon na nagawa pang ituro si Boss gamit ang kaliwa nyang kamay. Nasa kaliwa ko kasi sya at nasa kanan ko naman si Hayate.

“Tumingin kayo sa kanan.” Iyon nga ang ginawa naming lahat. “Ang mga nakikita nyong nakatayo na yan, bawat isa dyang Saito. Simula sa kaliwa papunta sa kanan ay sina Hiraga, Ryioko, Elfinia at si Akitchou. Ngayon sabihin nyo sa mga itsura nila, kung makiki-alam tayo ngayon may pag-asa tayo?” nanatili syang kalmado. Isang katangian nya na hindi ko talaga matanggap. His broke for Pete sake. But acting like this? Para syang walang pusong bastard.

Nagstep forward ako nakalima akong hakbang ng bigla akong lawitin sa leeg ni Hayate at ibinagsak ng malakas sa marmol na sahig. That time nakita ko ang isang lalaki na darkblue ang buhok, naka-muscle cut ang damit na leather at may mga itim na pakpak. Rakista kung sa atin. May mga black gloves din sya na walang mga dalirian. Kuha nyo naman ang sinasabi ko hindi ba? Sandali ko lang iyong nakita pero napansin kong napatingin sa ami ang mga Saito.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now