eighteenth set- only for you

229 5 0
                                    

(Blake's PoV)

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni sir sa akin. Agad akong tumango sa tanong niyang iyon.
Totoo namang kinakabahan aio. Paano na lang kung mapahiya ako sa planong ito. Dapat kasi yung plan A na lang ang ginawa namin. Bakit ba kasi ang kulit nila?

"Don't be. Maayos kayo ni Antonette maniwala ka." Hinawakan niya ang balikat ko para mapalagay ako kaya tumango na lang ako.

Ilang sandali pa ay namatay na ang mga ilaw at tumahimik ang lahat. Takip ng ulap ang mga bituwin at buwan kaya naman natatakluban kami ng dilim nga gabi.

"Hope, sigurado ka bang dito gaganapin ang kasal nina Faith at Robi? Bakit parang walang tao? Ay. Naman oh. Huwag mo akong bibitawan ha. Wala akong makita e. At saka bakit hindi hills ang suot ko? Dahil ba sa buhangin?" Daming tanong ng ANT ko ah. Hahaha.. kung pwede lang na ako ang sumagot e.

"Move forward." Si Hope iyon at iyon ang hudyat para bitawan nya si ANT.

"Whhhaaa.. Hope naman e. Huwag mo akong iwan. /'(ToT)'\" hala, umiiyak na ata ang ANT ko. Lalapitan ko na sana pero pinigilan ako ni sir Navarro.

"Trust me." Huling rinig ko na sinabi ni Hope.

(Col's PoV)

"Trust me." Ang huling narinig ko kay Hope. Ang tapang niya ngayon. At tingin ko iyon ang naging dahilan ko para humakbang paunahan.

Humakbang ako ng humakbang. Mga limang hakbang siguro iyon ng biglang umilaw ang mga poste na parang galing sa greece na may asul na bulaklak. Naiilawan sila at lalong tumitingkad ang kulay nila kapag naiilawan.

Humakbang akong muli at sa bawat paghakbang ko ay ang pag-ilaw ng mga poste noong maka-labing walong poste na ako, may naaninag akong lamesa na may puting tela.

Lumapit ako doon at biglang nagliwanag ng sobra. Napapikit ako sa gulat at nagsimula akong i-adjust ang paningin ko sa liwanag.

"Sir, ano na naman ba ito? Nasan na sina Faith?" Tanong ko pero sa halip na sumagot sa tanong ko si sir Navarro na naroon, inabot niya ang kamay ko at ipinahawak sa lalaking katabi niya.

Si BOOK.

Tumingin ako sa nakangiti niyang sarili at nahiwagaan ako sa nangyayari.

Tumutunog ang mga kampana habang nagtititigan kami. Hinanap ko sa isip ko ang mga kampanang iyon pero alam kong wala talagang kampana sa lugar. Tanging sa isip ko lamang sila tumutugtog habang nakatingin ako sa aking bestfriend na ngayon ay nakasuot ng pulang coat na parang pang-school.

"ANT, kinausap ako ni Kyohei ng gabing nagkalabuan tayo. It seems ages when that happened but I know sariwa pa ito sa iyo. Nagsinungaling ako sa iyo at nararapat akong maparusahan dahil doon. Pero sana, Antonette Nicole Truffles, ANT ng buhay ko, Col na aking Boss.. sana, sa pagkakataong ito, hayaan mo na ang isang simpleng Blake Octavious Orlando Kingson ay magpahiwatig ng nararamdaman para sa iyo." Hawak namin ang kamay ng bawat isa, at kitang-kita ko na naiiyak siya. Hindi ako sigurado kung dahil iyon sa rejection o sa tuwa na nararamdaman niya dahil sinasabi niya ito.

"Sa harap nilang lahat," sabay naming nilingon ang paligid at naroon sila. Nakita ko ang lahat na nakangiti at may ilang nangingiak-ngiyak pa. Naroon din ang ilang staff at managers ng resort at ang Ezra band na kumakanta kanina ng walang iba. "Maari mo ba akong pakasalan? Kahit kunwari lang?" Lumuhod siya at dinukot ang sing-sing sa kanyang bulsa. Tiningnan ko iyon at parehas iyon ng sing-sing na naiwala ko ten years ago. Ang sing-sing nina mommy at daddy.

"Mahal na Mahal kita ANT." Hinalikan niya ang mga kamay ko habang hawak pa rin ang sing-sing.

Lahat sila naghihintay sa sagot ko pero ang nasabi ko lang...

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن