thirteenth set- Friend or Enemy

295 7 0
                                    

CoL's PoV

"Ewan ko lang. Sige boss hahanapin ko lang si Kyohei" sabi ni Ryuu habang nagsisimula ng maglakad.

"A, Ryuu, pwede ba akong sumama. Nagaalala din ako sa kanila e." sabi ko habang sumasabay na sa kanya sa paglalakad.

"Pwede namang matulog ka na boss e. Mapupuyat ka lang." sabi nya ng nakatingin sa akin. Sinimangutan ko nga sya. Sa gusto kong sumama e. HMMMMFFFF... "Ok, sige na. Nagaalala ka rin. Pero kaya naman nila ang sarili nila e." OO. Kaya nga nila ang sarili nila pero hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ni Kyohei lalo pa't alam niyang nalulungkot ako dahil kay BOOK. At tulad nga ng sinabi ni BOOK noon, kikilos ang mga guardians ko ayon sa nararamdaman ko.

O____O

"RYUUU!!!!!!! si- si Kyohei, papatayin niya si BOOK."

"ANO? PANO----" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi agad ko na siyang hinikit papunta sa labas ng Inn.

"COL, anong ginagawaql mo dito at bakit kinakaladkad mo si Ryuu?" whooo... napagod ako sa kakatakbo. Pero mabuti na lang at walang pasa si BOOK at eto ngayon ang mabait kong pinsan kinukuha si Ryuu sa akin. "Ano bang kabaliwan ang ginawa mo para kaladkarin ka ni Col?" tanong pa nya habang lumuhod para tingnan kung may sugat si Ryuu. Habang ako nakatingin lang kay BOOK.

"Si-- Col..... Sob.....rang.... Bilis... Whoooo. ang bilis tatakbo. Baka daw..... BUGBUGIN mo si Hayate." paliwanag ni Ryuu sa pagitan ng paghingal niya. Ako naman nakatingin pa rin kay BOOK .... hindi alam kung anong sasabihin.

Tumingin sa akin si Kyohei tapos tumingin kay BOOK.

"Mabuti pa bumalik na tayo para makatulog na rin. Anttonett Nicole Truffles, sa silid mo ngayon na." wow... Seryoso ang mukha ngayon ni Jayson. Ibig sabihin ang laki ng kasalanan ko. "Now!" he repeated. At ayun na nga. Dumeretsyo na ako sa silid ko. Pero dahil nga nakatungo ako hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako. Hindi naman sya natumba pero medyo malakas yung pagkakabangga ko.

"Anak ng... tumingin ka nga sa dinadaanan mo." sabi nung lalaking nabangga ko.

"SORRY! Sorry tala--IKAW!" anak ng pating sana hindi na ako nagsorry.

"Oh, Majinbu, ikaw pala yan. Destiny nga naman. Hahahaha... di ka lang pala maingay tatanga-tanga kapa!hahahaha" bwisit na to pagtawanana ba naman ako nakakainis lang. GRRRRRRR

"Desti-destiny ka dyan kapal mo. BATO!" nakakainis, bakit ba ako nakikipagusap sa lalaking 'to. Makaalis na nga lang. Hahakbang na ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Majinbu, aalis ka na agad? magusap muna tayo. Isa pa pangalwa ay hindi pangatlo mo na 'tong kasalanan sa akin." hinarap ko sya at syemas, nakangisi ang loko.

"HOY BATO! Dalawa lang ang kasalanan ko sa'yo! teka ito nga  lang e." maktol ko. kinukuha ko sa kanya braso ko pero hindi nya binibitawan. Kainis.

"'Yung pagsigaw mo po sa beach kanina na halos ikasira ng hearing aid ko. Kasalanan pa rin yun panu na ba Majinbu. Tsk hindi ka pala marunong magbilang e. Tanga na BOBO pa" sabi nya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakangisi. Totoo kaya ung tungkol dun sa hearing aid? psshhh... nakakawa naman pala sya e. hahahaha..

"Hoy bato.... sorry na oh. pwede mo na bang bitawan braso ko. Tutulog na ako e at isa pa... masakit na." naguluhan sya sa sinabi ko. Hindi nya yata naalala na hawak nya ang braso ko. Kainis talaga. =_=

"HOY BITAWAN MO SYA!!!" huh? Boses yun ni BOOK ah. Bakit sya sumisigaw? Titingnan ko na sana pero agad syan nakalapit kay Bato tapos sinuntok nya ito. At sapul.

Sa kasamaang palad nahikit nya ako at natumba ako sa kanya. "Aray ko." ang sakit ng braso ko sobra."Ahhh... ang braso ko." binitawan na niya ang braso kong hawak nya at hinawakan ko ito ng kanan kong kamay. napagulong ako sa tabi nya. hindi ko na kaya sobrang sakit talaga. Naluluha na ako pero kailangnan kong maging matatag.

"COL/ANT" sabay-sabay nilang sabi. agad akong nilapitan ni BOOK.

"BOOK ang sakit. huhuhu..." hindi ko na napigilan umiyak na ako sa harapan nya.

"Kyohei bilis!" Agad na inilabas ni Jayon ang isang pang medical na kutsilyo. Hindi ko alam ang tawag doon e. Nagliwanag ito at itinapat nya sa braso ko. Habang ginagamot ako ni Kyohey, lumapit si BOOK kay Bato. "Bwisit ka. Hindi pa nagsisimula ang laban sa pagitan ng mga pamilya sinasaktan mo na agad ang myembro namin." pasinghal na sabi nito at kitang kita ko ang galit nya.

"B-BOOK" tawag ko. Natatakot ako sa kanya pero sya pa rin si BOOK. Hindi sya umimik.

"Bakit ganyan ka na lang magalala sa kanya? Siguro dahil sya ang boss nya tama ba?" naroon muli ang ngisi sa mukha ni Bato. "Kilala ko ang ganyang sandata" pagtukoy nya sa gamit ni Kyohei. "Kung gayon, Veco family kayo. Mukhang magiging patas din naman pala ang kumpitisyong magaganap. Hoy Majinbu, Pwede bang magpagaling ka. Gusto kitang makalaban sa Mafia Wars. Ako nga pala si Korou. Korou Matsuzawa." ngumiti sya at tumalikod.

Akala ko tuluyan na syang aalis pero huminto sya. "Majinbu, ang utang mo nga pala sa susunod mo na lang bayaran." hindi man sya nakatingin sa amin alam kong nakangisi nanaman sya.

Bakit ganoon? habang humahakbang sya palayo may kung ano akong nararamdaman s loob ko?

*GGRRRUUUUUU*(tunog ng tyan)

(~>.<~) gutom lang pala ako. Hahahaha

____________

Rune saito:

Uhmm. medyo matatpos na siguro 'to pero iho-HOLD  ko muna yung nasa pambabae akong eskwelahan para matapos ko na to.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz