fourteenth set- The Flame

494 7 0
                                    

CoL's PoV

"BOOK, para saan 'yon? Bakit mo ba sinuntok yung si Bato, este Korou pala." sabi ko habang iniinda pa rin ang sakit ng braso ko. pininigilan naman ako ni Jayson sa paggalaw kasi nahihirapan siya sa pagpapagaling sa akin.

Yes, this isn't just a world with mortals. This world has magic and healing powers.

Kaya naman itong si Kyohei, kaya akong pagalingin.

"Hoy ANT, alam mo ba na kalaban siya?" Ang sama ng tingin niya sa'kin parang nangingilatis pero ramdam kong galit siya.

Anu ba yan. =___= Ang drama.

"Hoy BOOK, alam mo rin ba na malaki ang kasalanan ko d'on sa tao kasi nasira ko 'yung hearing aid n'ya noong sumigaw ako kanina. Teka nga wala naman akong dapat ipagpaliwanag sa'yo e. Dyan na kayo." Tumayo ako at tumakbo papunta sa silid ko.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko sina Hope, Faith at Phobie. Sila ang tres marias ng Veco Ballenos. Nakaupo sina Hope at Faith sa kama ni Faith, si Phobie naman nasa isang silya. 'Yon yata ang silya ng computer dito sa kwarto. YUP, may computer dito sa silid namin. Hahaha sosyal no. ^____^

"Uy, anong ginagawa n"yo dito?" tanong ko sa kanila.

Ngumiti silang lahat sa akin. Tapos nagtinginan sila at ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti din naman ako. Hindi agad sila nagsalita kaya tumahimik muna ako.

"Col, pwede bang..." si Hope. Nagdadalawang isip s'ya kung sasabihin niya iyon o hindi. Mukhang importante ah. Hindi na ako nagsalita at pinatuloy ko na lang sa kanya ang sasabihin niya. "Pwede bang dito kami matulog? a-ano kasi..."

"Gusto ka naming maka-bonding. Ano ba Hope napakahirap bang sabihin noon?" sabi ni Phobie. Ang astig niya. Medyo malalim ang boses nya parang hindi bagay sa features niya pero ang ganda pa rin niya.

"Ah, oo naman. Pwedeng-pwede." sagot ko at ganito pa ang ngiti ko oh----> ^______^

"Col, kumain ka muna oh." sabi ni Faith. Iniabot niya sa akin ang isang lunch box.

Kahit gabi na may Lunch Box pa. OK. Midnight Box to. hahaha.

"Hindi ka kasi kumain kanina sa Function Hall kaya naisip kong magdala nito." mahaba na Blond ang buhok ni Faith tapos may blush-on siya at lipstick.

"Natutuwa talaga ako at pumayag ka na dito kami matulog." sabi ni Hope na pumapalakpak pa. NakaTwin-tail ang buhok niya at kulay Blak-green parang kay lenalee ng D.Gyay man. Ang kyut nuya pero wag ka. Malakas talaga siya.

"Salamat dito ha." sabi ko na lang at nginasab-ngasab ang pagkain na bigay nila.

"Eto, tubig oh." Inabot ni Phobie sa akin ang isang bote ng tubig."Dahan-dahan lang sa pagkain." Blond ang buhok niya tapos curly. Hehehe. Ang ganda niya talaga. Kung nasa akin lang ang ganyang kagandahan at kaseksihan ng katawan e naku, baka marami ng nainlove sa akin hahaha..

Ilang sandali pa ay naubos ko na ang pagkain ko. Umayos silang lahat ng pagkakaupo at tumingin sacl akin. "M-May dumi ba ako sa mukha?" tanong habang pinupunasan ang buong mukha ko.

"Wala naman."-Phobie

"Ngayong tapos ka ng kumain, Pwede na nating simulan."-Faith

Hala, Simulan ang ano? Ano bang meron? Ipapadala nanaman ba nila ako sa ibang mundo para makipaglaban? Mahina pa ba ako sa tingin nila?

Ilang sandali pa ay nasagot na ang katanungan ko. Agad na pinahid ni Faith ang lipstick at Blush-on niya tapos tinanggal nya ang kanyan wig.

O.O

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now