six set- THE DANCE FLOOR

523 9 0
                                    

Blake's POV

Narito kami ni ANT ngayon sa cafeteria. Natapos na ang pakikipagdakdakan nya kay Rita. Parang ang laki ng galit nya rito. Ewan ko ba? Ang alam ko kasi ayaw talaga nyang minamaliit sya ng kahit na sino. Gumagawa tuloy sya ng mga desisyon ng pabigla- bigla. Dapat matutunan nyang kontrolin ang emosyon nya. Pero hindi pa rin niya iyon nagagawa.

Nawala na lang bigla sa paningin ko si ANT. Nasan na sya?

"ANT! Nasan ka na?" Sigaw ko

"Nandun si Boss kasama nya yung lalaki na may hawak kay Luluri." sabi ni Tenshi na nasa ulo ngayun sabay turo dun sa isang table.

"Luluri?" tanong ko pa. 

Pag tingin ko dun nga sa table, nakita kong nakayakap si ANT mula sa likod nung lalaki. WFTSHDGD bakit nya niyayakap yun?

"Takumi..." narinig kong sabi ni ANT ng makalapit kami sa kanila.

"Sya si Takumi?" gulat kong tanong.

Kahapon kasi Brown ang buhok nya tapos wala namang salamin sa mata at braces sa ngipin tapos matcho yung katawan nun mas matcho pa sakin tapos fit ang damit di tulad ngayon na kabaliktaran ang lahat. Mas mukha pa siyang ako kesa sa sarili ko. Naka Uniform kami pero napaka dugyot ng hitsura nya iyon lang ang pinagkaiba.

"Oo s'ya 'yon. Nahuli ko s'ya sa ganitong itsura nung nakaraang meeting. Nung meeting na wala ka? Ang pangalan nya ay Jordan Leonard Escobar. Senior natin s'ya. Marunong din s'yang mag japanese 'di ba Takumi?" masigla na naman itong langgam na ito with wide smile.

"Hajimemashite, Watashiwanonamaeha Takumi- desu" (nice to meet you, my name is Takumi.)

"Chotto, Anata wa, Takumi-kun desu?" (Wait, you are Takumi-kun?)

"Hai" aba tingnan mo nga naman magaling pa 'to sa'kin ah. E di ikaw na.

"Ne, BOOK-kun, tumira s'ya sa Japan ng 5 years. Ang  galing nho." tuwang-tuwang sabi ni ANT at parang kinikilig pa ito. Asar naman. Ok na sanang may pinagseselosan akong Yokai alam ko kasing mas pipiliin nya ako pero ngayon may lalaki nanamang eepal. T____T puso ko, mawawasak na ng tuluyan. "Alam mo, magling din s'yang Magmaneho ng kotse para talaga syang si Takumi ng Initial D." ^_____^

"Paki ko." inis na sabi ko. Kaasar.

"Ano ba yang inaasal mo BOOK ang Bitter mo ngayon!"

Ako bitter? hindi kaya! SELOS NA SELOS PA OO!

"hmmfff." sabi ko tapos tumalikod.

"Pabayaan mo na lang JL, may menstration ata yan e." abat.. ako pa ang ginawang babae.

"Teka, bakit nga pala may Yokai ka sa tabi mo?" iniba ko yung usapan. "Luluri daw pangalan nya sabi nitong si Tenshi." sabi ko sabay turo sa ulo kung nasaan si Tenshi.

"Ah oo, Luluri nga pangalan nya. Nakita ko na lang s'ya sa Fishbowl namin kanina paggising ko. sabi nya makakatulong daw s'ya sa'kin sa oras ng laban. At lima silang pinapunta dito nung Shinigami na nagbabantay sa mundo nila." paliwanag nito.

"Hello Luluri."sabi ni ANT sabay kaway dun sa Fish Yokai.

"Hindi s'ya magrereply sa'yo ng ganyan." natatawang sabi ni Takumi.

"Bakit naman JL? sina Fuwa at Tenshi nga nakakapagsalita e. Di pati si Luluri dapat nakakapagsalita rin." demand nya with pout pa.

"Isa itong yokai na isda. 'Di tulad nina Tenshi at Fuwa na land animals hindi nakakapagsalita si Luluri, nakikipag komunikasyon sya sa akin gamit ang mga Bubbles na nagsisilbing screne na nagpapakita sa akin ng maga nais n'yang ipahiwatig." sagot nito tapos tumayo at nagpaalam sa amin. May next class pa daw sya kaya aalis na din sya. Kami naman ni ANT kumain na lang.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now