Pabalik sa Aming mundo

241 6 2
                                    

Blake's PoV

Matapos naming manatili sa nasasakupan ng Seito napili naming magpunta sa unang nakuha ang aming mafia Name ang Syudad ng Veco.

Nakarating kami doon matapos ng ilang araw na paglalakbay nakilala namin si  Topp. Isang Earth bender ng ika apat sa malalaking syudad sa Thear. Narito raw sya para kitain ang haring si TK. Si TK ang nagiisang walang asawa sa limang malalaking bansa. Masaya si TK sa pagiging single at ginagawa nya ang lahat para maging masaya ang Veco. At Sa pag dating nga namin doon sobrang saya ng Veco at nagkakaroon pa sila ng masiglang sayawan. May Hip Hop Free style, Jazz tapos folk dance ang galing talaga.

Matapos naming makarating sa palasyo agad kaming pinagpahinga ng hari sa mga komportableng silid pero hindi kami nagtagal doon at naisipan naming lahat na mamansyal. Nilibot namin ang buong bayan Veco. Sobrang laki pala nito at halos lahat ng lugar na pupntahan mo may tubig. Tuwang-tuwa tuloy ang kapatid ko at masaya nyang pinaglaruan ang tubig na parang isang water bender sa Avatar. Hindi lang pala ito ang sakop ng Veco dahil tulad ng Camino at Seito ay malaki rin ang nasasakupan nito. May dalawa pa raw malalakas na bansa dito sa mundong ito pero nagkakaisa naman sila sa pamamagitan ng pamumuno ng hari at Reyna ng Camino. Matagal na daw na nangyari ang pagkakaisa sa mundong ito simula noong namuno si Haring Luffi kasama ang anak nyang babae na si Ran Camino o mas madalas tawaging Rune Saito.

"Tara doon dali!" agad kaming tumakbo kay Kyohei at nakipagsayawan ng Jazz sa mga tao doon.

Lumalalim na ang gabi at akala namin hindi kami dadalawin ng antok. Bukas kasi aalis na kami at lalaban na sa Mafia Wars. Kami na mismo ang lalaban. Kakayanin namin ito ng sama-sama katulad na lang ng pagkakaisa ng mga nagtanggol noon sa Thear at kahit hindi kaming lahat ang mga bagong tagapagmana nila, alam ko na kakayanin namin na maipagtaggol din ang aming sariling mahal sa buhay. Sana lang hindi na nya kami iwan. Tumingin ako sa bintana at inisip ko ang mukha ni ANT. Mahal ko talaga sya at hindi ko magawang isipin na mapupunta sya sa Keh sa panahong ito.

Ilang sandali pa ay nakatulog na ako subalit noon ang isang panaginip na parang pangitain sa akin. Isa ito sa kakayahan ko bilang isang dating tagapagligtas ng Thear at ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ni ANT na makarating kami dito. Hindi man nya sabihin alam kong ayaw nya na narito kaming lahat ng guardian nya.

Nasa isang malaking silid kaming lahat. Maliwanag at alam kong may makikita kami sa isang salamin na nasa aming harapan. Tiningnan ako ng kapatid ko tapos ngumiti sya.

"Blake, tingin mo, malalampasan ba natin ang pagsubok na ito? Paano kung mangyari ang nakatakda at mamatay ako dahil sa taong mahalaga sa akin? Please lang huwag kang iiyak ha." malambing ang pagkakasabi nya noon. Sasagot na sana ako ng biglang magliwanag ang salamin at hinigop kami papasok doon.

Nakarating kami sa labas ng eskwelaahn namin may mga babaeng nakaharap sa amin na parang nagulat sa nakita nila. Ang dalawa sa kanila ay iisipin mong lalaki dahil sa tangkad at pangangatawan nila pero yung dalawang babae mahahalata mong may kaya sa buhay o kung sa mga napapanuod namin ni ANT sila ang mga boss, bida o mga may mataas na tungkulin katulad ni ANT.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now