twenty sixth set- maganda pero masama pa rin

236 5 0
                                    

Blake's PoV

Nakarating kami sa isang restaurant. Kasalukuyan ng kumakain si Lan. Gutum ata talaga ito. Naupo na kami ng kapatid ko, umalis naman si Minuru dahil hahanapin pa daw niya sina Kyohei at Ryuu. Ilang sandali lamang dumating na sila at umorder ng pagkain.

Para ring mundo namin ito. Maganda at makulay ang lahat. Lahat sibilisado pero may mga puno pa rin sa paligid. Sariwa ang hangin at bihira ang mga sasakyan. Teka, wala pa akong nakikitang sasakyan dito ah. Kalesa lamang o di kaya'y isang kariton na may lamang gulay,paso, sako at kung anu-ano pa. Wala man lang ibang transportasyon.

Matapos naming kumain nagmadali kaming umalis at hinikit pa nga ako ni Kyohei.Nalakad-lakad na lang kami. Medyo ang wierd nila pero inalis ko na lang yun sa isip ko. Teka, sinong nagbayad?

"HUY! Sinong nagbayad nung kinain natin kanina?" Hawak pa rin ako ni Kyohei. Parang nakakabakla itong ganito pero nakita ko namang hawak ni Minuru si Lan at si Ryuu din sa kapatid ko. Ano ba talagang nangyayari?

"Basta lumakad ka na lang ng mabilis." bulong ni Kyohei sa akin. Sandali lang ay nalaman ko na ang dahilan. "S**t nandito na sila." humigpit ang hawak niya sa kamay ko at lalong bumilis ang lakad.

"1-2-3! 1-2-3 kayo! bumalik kayo dito.!!" lumingon ako sa sumisigaw at nakita kong iyon ay yung manager sa restaurant na kinainan namin kanina.

"Takbo na!!" sigaw ni Lan mula sa malayo. Nakalayo na sila agad?

Kinaladkad ako ni  Kyohei at agad kaming tumakbo. Natakasan namin ang mga mamamayan doon at saka ko lang naisip ang ginawa namin. Hinihingal man ako, pinagsisigawan ko pa rin sila.

"Hindi tayo nagbayad??!!!" tiningnan ko sila isa-isa at at puro galit sa akin ang nakit kong expresyon nila. Dahan-dahan silang lumapit at pinalibutan ako. Ilang sandali lang ay pinagsusuntok nila ako sa ulo. Langya, bubukol 'to e. Kung cartoon lang ito nagkaroon na ako ng magkakapatong na bukol. Buti na lang anime ito. "Aray masakit iyon ha!" reklamo ko pero nagsalita na si Minuru. Bahagya nyang inayos ang salamin nya at nakahalukipkip ang kanan nyang kamay sa kaliwang bewang nya habang itinataas ng kaliwa nyang kamay ang salamin nya.

"Tanga ka talaga ano? Kung nagbayad tayo sana hindi tayo hahabulin ng mga taong bayan. At dahil hindi ka nga nagiisip, hindi mo nalaman na ibang mundo ito. At hindi gagana ang pera natin dito."

Anak ng. Tama nga sya. Lagi namang ganoon e. Ako ang mali sya ang tama. Kung siya na lang ang minahal ni ANT e di sana... sana nandito siya... sa piling namin.

Gumabi na. Nakakita kami ng isang maliit na kubo sa gitna ng gubat. Hindi namin alam kung kanino ito pero nakituloy na lang kami tutal naman walang tao at mukha namang hindi pa pupunta dito yung may-ari.

Kasya lang kaming anim sa buong bahay ganoon ito kaliit pero komportable naman kami sa paghiga namin sa simento na nilagyan na lang ng kumot para hindi masyadong malamig.

Nagising ako ng madaling araw kya lumabas muna ako at nagpahangin. Nakapansin ako ng isang figure sa may ilog. Malapit lang ang ilog sa kubo kaya sobrang lamig doon. Lumapit ako sa taong iyon. Si Kyohei pala. May hawak syang stick ng sigarilyo at hini-hits nya iyon.

"Hindi ka makatulog?" tanong nya na nakatingin sa unahan. Hindi na nya hinintay ang sagot ko at muli syang nagsalita. "Ako rin e. Bumabalik sa akin yung nangyari kay pinsan. Marami talaga syang pagsubok na nilampasan at nalampasan nya ang lahat ng iyon kahit na mahirap. Mga pagsubok na halos ikamatay nya. Pero, ang hindi ko matanggap ay ang umalis sya dahil nasaktan ang puso nya."

Napabuntong hininga pa sya matapos niyang sabihin iyon. Napayuko na lang ako at naupo at sumandal sa puno sa likod ko.

"Sorry. Kung hindi nya nya ako nakilala noon sana nakakasama mo pa sya ngayon. Hindi sana magiging ganito kakumplikado ang lahat kung hindi nya ako nakilala." Halos tumulo na ang luha ko sa mga sinabi ko. Ang sakit isipin na mali talaga ako. Parang may mga  palaso na tumarak sa dibdib ko ng sandaling iyon kaya naman nasasaktan ako ng husto.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now