twenty fifth set- going to Thear world

183 5 0
                                    

Blakes PoV

Ano ba namang kalokohan ang pinapagawa ng tito dan sa amin. Wala na nga kaming panahon para sa mga kalokohang ito. Pero, aminado ako. Aminado ako na dahil dito, gumaan ang loob naming lahat.

"Ngayon naman kailangan nyo itong mamemorize." ibinigay sa amin ni tito Dan ang folder at agad namin iyong binasa.

~Mirror Mirror hangging on the wall

you don't have to tell me whose the biggest fooll of all.

Mirror Mirror I wish you could lie to me

And bring my baby back. Bring my baby back to me~

~give me my chance, give my power, be my guide. Give me hope. I have these and I have those but all I want for christmas is her. Our Boss~

Agad ko iyong na memorya pero kabaliktaran para sa kapatid ko. "Whhhaaaa.. ayaw ko na. Ayo kong magmemorize.. huhuhu.. T^T" Para talaga syang bata.

"Ano ba naman Risetsu. Kaya mo yan." sabi ko at isinalampak sa mukha nya ang folder.

"Aray naman kuya Book." sabi nya habang hawak ang folder sa kaliwang kamay at hawak naman ang kanyang ilong sa kanan.

"Arte mo kasi. Sabi ng ayaw ko ng maarteng bakla." sabi ko na lang at saka umalis. Uminom muna ako ng juice.

"Pagsisisihan mo ang mga ginagawa mo ngayon." lumngon ako sa likod ko pero wala akong nakitang tao. Rinig na rinig ko iyon pero wala kahit isang tao na malapit sa akin.

"Hayate, saan ka ba nagpupunta. Tara na daw sa loob, aalis na tayo." nakita kong si Faith iyon na kinakawayan pa ako. Lumapit na lang ako sa kanya at pinabayaan na lamang ang narinig ko kanina.

Tumingin ako sa kapatid koat nakita kong hindi na talaga ako balak pansinin. Palapit na ako sa kanya pero lumayo naman siya sa akin. Tss.. ano nanaman bang problema nito.

"Ngayon, humarap kayo diyan sa salamin. Nasa harapan kaliwa dapat ninyo ang inyong mga vecoballeno. Tapos humarap kayo sa isa't isa. Sa oras na patugtugin na namin iyon sasayaw kayo at kapag natapos na ang tugtug saka ninyo biigkasin ang minimorya ninyo kanina." malapit si tito Dan sa may hagdan at may lamesa sa pagitan nila ni tita Rose.

Nagsimula na ang tugtug. May kung anong kapangyarihang bumabalot sa amin. Pakiramdam koy nawawala ang mabigat na pasanin at sakit na aking nararamdaman ngayon.

(3rd person PoV)

 Ang naramdaman ni Blake na kakaibang kapangyarihan ay nanggagaling sa core ng Thear, ibig sabihin lamang noon ay tinatanggap sila ng lubusan ng mga taga-Thear. Nagkaroon ng malaking liwanag sa paligid ng bawat guardian, matapos ay biglaan na lamang silang hinikit noon papunta sa salamin.

"Hindi na nila natapos sabihin ang ritwal." komento ni Mr. Navarro habang sinisindihan ang kanyang sigarilyo.

Lumapit na ang mag-asawa sa kanila na magka-akbay at naka-ngiti. "Ayos lamang iyon." si Mr. Magallianes iyon na nakatingin sa salamin.

"Hindi naman talaga iyon kasama sa mga dapat nilang iaksyon sa harap ng lagusan." sabi naman ng asawa nito.

"Anong ibig ninyong sabihin?" humakbang palapit si Sir Reyes sa mag-asawa. Halatang kabado siya kaya naman hinawakan ni Mr. Navarro ang balikat nito at dahi doo'y kumalma siya.

"Wala kayong dapat ipa-alala. Tamang biro lamang ang mga nakasulat doon. Simpleng biro para sa mga guardians na pinag-isipan ng mahal naming panganay na anak." Muling ngumiti ang babae at kasabay noon ay ang paglabas ng emahe ng napakandang dilag. Nakasuot siya ng berdenr damit, mahaba ang kanyang ginintuang buhok at ang kakaiba sa kanya ay ang mahaba niyang tainga. "Siya ang tunay naming anak. Si Divia. Kambal silang dalawa ni Antonett at ng mamatay ang aming Antonett ay doon namin napag-isipang gawin ang ritwal para mari-incarnate ang boss sa kabilang mundo. Masyadong kumplekado kung aming ipapaliwanag sa mahabang paraan pero mas mabuting sabihin namin na si Antonett ay aming anak na pinasukan ng katauhan ng boss ng kasamaan noon." paliwang ni Mrs. Magallianes.

"Ang kapatid ko na si Antonett ay namatay na noong isinilang kami. Ang babaeng  kilala ninyo bilang Col iyon ay itinuring ko na lamang na kapatid ng kami ay mabuhay. Kahit na hindi niya ako nakilala sa aming paglaki ay sinusubaybayan ko siyang mabuti. Ako ang kanyang alab. Ako ang nagbibigay ng buhay sa kanya ako ang nararapat sa katawang iyon at hindi siya." Paliwanag ni Divia sa kanila.

Lalong naguluhan ang mga vecoballenos sa mga nalaman. Pero naniwala naman sila sa sinabi ni Divia at ng pamilya nito.

"Kung ganoon bakit mo pa kami pinamemorya ng ganoong tula?"tanong ni Tetsu na may pangungutya sa tono.

"Kung talagang isinapuso mo ang ginawa kong tula, malalaman mo ang meaning noon. Meaning na nagsasabi na kahit na masaktan ako siya pa rin ang boss ko at mamahalin ko pa rin siya."Bahagya pang tumawa si Divia at saka nagsalita noongmakita niya na nahihiwagaan ang mga vecoballeno sa ikinikilos niya. "Isa pa, Hindi ninyo man lang ba nahalata na kanta iyon? Hahahahha..."      hindi na nga niya napigilan ang pagtawa at ikina-inis naman iyon ng mga Vecoballeno.

*Thear World*

Blake's PoV

Iminulat ko ang paningin ko ng maramdaman ko na maraming presensya at aura sa paligid ko. Nagtaka ako sa dami ng tao na pumapalibot sa akin.

"Ayos lang ba siya?" sa bi noong isang lalaki sa kaliwa ko.

"Hala, baka hindi niya tayo naiintindihan. Mukha siyang maharlika oh." sabi naman ng isang babae na mahaba ang buhok.

"Huy, tulungan ninyo kami dito sa mga iba pang nakahandusay sa daan." May sumigaw sa di kalayuan kaya naman napabangon ako at agad na nagpunta sa pinanggagalingan ng tinig.

Inalalayan naman ako ng mga lalaki doon kahit na alam na nilang ayos lang ang pakiramdam ko.

"Risitsu!" Halos pabulong na lamg iyon at hinawakan ko na ang katawan ng kapatid ko. Inilapit ko ang tainga ko sa dibdib niya. Umaasa sa mabuting balita.

"Ahk. Naman Kuya BOOK, ang bigat mo, umalis ka nga." Itinutulak na niya ako pero niyakap ko na lamang siya.

"Risitsu. Ayos kalang naman hindi ba? Kapatid ko, akala ko namatay ka na. T^T" 

*PLOK*

"Aray naman." reklamo ko at hinawakan ang ulo kong kinotongan nya.

"E, parang hinihiling mong mamatay na ako e." galit na sabi niya. Pero kilala nyo naman ako. Kapag sa kapatid ko, mangungulit at mangungulit ako. At isa na doon ay ang pagpapainit pa ng ulo niya.

"hehehe.. Bakit mo alam?" kumamot ako sa ulo ko at medyo natatawa ng nakapikit. Lalo tuloy syang nainis at sasapukin nanaman ako.

Pero magaling yata 'to. Nakailag ako sa sapok niya at agad na tumakbo. Lumingon pa ako sa kinaroroonan niya at natawa dahil sa malahalimaw niyang hitsura. Ang galing nga e. Ang bilis nyang tumakbo pero mas magaling ako dahil mabilis na, nakakaiwas pa ako sa mga tao. Soccer player ako e. Mwahaha.. hidden talent ko 'to. Kahit si ANT hindi ito alam. Nyahaha.. hindi nya ako mahabol.

Napatigil na lang ako ng mabangga ko si Minuru. Sa dinami-dami ng pwedeng mabangga ito pangtaong ito.

"Oh, Minuru. Nandito ka rin pala." bati ni Risitsu at umapir pa dito. At sa sobrang galing ng kapatid ko. Matapos  lumapat ng kamay nya sa kamay ni Minuru, sumangga naman ang mukha ko rito. Ay langya, ang sama nya talagang kapatid. Sinisaktan ako e ako yung kuya.

"Tara na. Tigilan nyo na ang kulitan nyo." sayaw niya. Galit pa rin sia sa akin at pakiramdam ko talaga ngayon wala na akong kakampi sa mundo.

Pinagmasdan ko na lamang silang lumayo sa akin bago pa ako tuluyang maglakad at sumunod sa dereksyon nila.

Mananatili na lang bang galit sa akin ang lahat? Tsk. Kasalanan ko naman talaga kung bakit nawala si ANT. Kung hindi lang dahil sa ala-ala ni Nikki mananatili pa siya sa amin.

Isa na lang talaga ang dinadalangin ko.

Ang huwag maempluwensyahan ng kasamaan si ANT.

_________________________________________________

Okay, medyo napatagal ang update na ito. Masyadong pahamak ang movie maker sa akin. Dami projects for graduation e.. haitz..

Sana makapag-update pa ako ng marami

Salamat sa tumatangkilik,(kung meron man)

Ruu-chan

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon