twenty nineth set- ibang boss?

245 4 0
                                    

(3rd person PoV)

Naglakad na palabas ng palasyo ang magkakaibigan. Habang ginagawa nila iyon, nakatingin sa kanila si Haring Goku kasama si Yuki Nagato.

“Ayos lang ba sa iyo na paalisin sila?” sabi ni Goku sa prinsesa.

“Hindi ako ang pakay nila. Isa pa, hindi ko gusto ang mga lalaking hambog at may ibang laman ang puso. Kamukha ko man ang prinsesa sa puso nya, hindi pa rin ako iyon.” Isinoot nya ang salamin nya matapos ay tumalikod. “Masaya ka na ba ngayon?” kinausap nya ang saktong replika nya. Mahaba lamang ang buhok nito at may mga maluha-luhang mata.

“Oo Yuki. Sapat lang na umalis na sina BOOK. Hindi sila dapat na naririto.” Si Antonett iyon. Nakasuot siya ng high school uniform. Katulad ng suot ni Yuki sa kanyang Anime family. “Salamat sa lahat.” Umalis na si Antonett doon pero nagsalitang muli si Goku.

“Hindi ko alam kung tama itong sasabihin ko kung makakatulong ba, pero subukan mong magpatawad. Hehehehe.. Walang mabuting maidudulot sa’yo ang selos.” Napakamot sya sa likuran ng ulo nya matapos nyang sabihin iyon.

“Alam ko. Salamat.” Muling sabi ni Antonett matapos ay umalis na.

(Col’s PoV)

Hindi ko nakikitang tama ang ginawa ko na kumbinsihin ang tinuturing kong kapatid na sabihing nasa Deltora nga ako. Sapat na ito ngayon. Ayaw ko ng madamay pa sila sa gaganaping laban.

(Flash Back)

“Paano na boss ng Veco? Nalalapit na ang Mafia Wars. Sigurado akong sasali ang lahat ng malalakas. Nabalitaan ko ring may bagong mafia sa Macau. Tingin ko sasali din ang Black Skull sa labanan.” Sabi sa akin ng isa sa totoong council. Kami lamang ang naririto sa office nya. Siya pa lang ang nakikilala ko sa totoong council.

“Kung ganoon, bakit hindi ang Varua ang isali natin sa pagkakataong ito.” Suhesyon ko pero nagsindi lang sya ng sigarilyo at nagpunta sa malawak nyang bintana.

“Kung ngayon natin ilalabas ang Varua, tingin mo kakayanin nung batang Assasin ang pagmamanage sa isang Mafia family?” napayuko ako sa sinabi niya. Napakabata pa nga ng susunod na boss.

Bagong mafia family ang Varua. Nagsisimula pa lamang ito. Pitong taon ang tanda ko sa nasabing assasin hindi ko pwedeng isabak sa kaguluhang ito ang batang iyon, kahit na may sapat na syang kakayahan para magmanage ng isang mafia family. Bata pa rin sya at isang assasin.

“Bakit hindi si Dos ang palabanin mo doon?” tanong ko muli pero nagbuntong hininga sya.

“Si Dos ba kamo? Ang lalaking walang ibang ginawa kungdi ang maghanap ng mapaglilibangang babae. Tingin mo ba magagawa nyang hindi kaawaan ang mga babaeng lalaban sa Mafia Wars. Dalawa sa makapangyarihang grupo sa mafia ay puro babae, ngayon anong masasabi mo?” tumataas na ang tono ng boses nya. Napupuno na nga sya sa akin.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now