sevent set- You'll be Safe Here

481 6 2
                                    

BAKE's POV

Ang tanga ko sobra! Hindi ko man lang nailigtas ang taong mahalaga sa'kin. Matapos ko silang tingnan binigyan lang nila ako ng "what the hell" look. Ano ba yan? Bakit ba parang ang slow nila pag ako ang kausap. Ganoon ba ako ka weird?

O____O ok wait, tama ba ang sinabi ko? inadmit ko na na weird ako?

"Hayate, guys, anong nangyayari dito? Nasaan na si Boss?" tanong ni Mr. Suria Navarro ang sun Veco Balleno. Dumating doon sina sir Reyes at ang iba pang vecoballenos.

"Uhmm nag cr lang po sya." palusot ko, nand'on kasi si sir Reyes.

"'Di mo kailangang maglihim sakin Hayate, ako ang Rain vecoballeno Lucario Luke Reyes." paliwanag n'ya sa'kin at hindi ko iyon mapaniwalaan.

Paanong mangyayaring siya 'yon? Kung maka-asta siya nitong nakaraan parang ang inportante lang sa kanya ay si ANT bilang estudyanteng mananayaw hindi isang Boss ng kahit anong Mafia Family.

"Ipinadala na namin s'ya sa Yokai world para makalaban ang mga malalakas na yokai doon." sabat ni Takumi.

Napahakbang ako palapit sa kanya ng sabihin n'ya iyon. Kumulo talaga ang dugo ko sa mga sinabi nya. Parang wala lang sa kanya ang pagkawala ng boss n'ya ah. Parang napakasimpleng bagay lang nitong nangyayari.

Teka, s'ya nga pala ang nagplano nitong lahat bakit pa ba ako nagtataka?

"Tae ka! Ang sama mo bakit mo y'on ginawa kay ANT ko. Ibalik mo sya!" susuntukin ko na s'ya ng bigla akong pinigilan nina sir Reyes.

"Kumalma ka lang Storm, makakaligtas s'ya manalig ka." sabi ni Ville Worthwill ang Faith and the same time Cloud vecoballeno.

"KALMA! SINASABI MONG KUMALMA AKO! NASA PANGANIB ANG BUHAY NI ANT MAY MAGAGAWA BA AKO? WALA 'DI BA? Napaka walang kwenta kong guardian... hindi lang 'yon... napaka walang kwenta kong kaibigan sa kanya." tumulo na lang yung luha ko tapos napaluhod na ako sa lupa. ASAR!

Ayokong aminin ang katangahan ko pero mas ayaw kong wala si ANT rito.

"Napaka O.A. mo." napatunghay ako sa nagsalita noon. Si Minuru.

"Ang kapal ng mukha mo! Sabi mo sa'kin mahal mo si ANT pero kinunsinti mo pa itong si Takumi sa pagpapatapon sa kanya sa Yokai world! A workd that I didn't know excist!" galit na sabi ko. Alam kong wala akong laban sa kanila pero kung maiibalik ng pakikipaglaban ko sa kanila si ANT gagawin ko kahit ikamatay ko pa.

"PUTEK! Tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito? Pinsan ko si Antonett... ako si Jayson pero wala akong magawa kundi ang ipatapon s'ya sa Yokai world para hindi na s'ya masaktan pa ni tito!" sigaw sakin ni Kyohei.

Siya ba talaga si Jayson na matagal ng pinanabikan ni ANT?

"Ikaw sya? A-anong balak ni Tito Dan?" gulat at nanlulumo kong nasambit at pinunasan ang aking luha. Nanghihina ang mga tuhod ko sa mga nalaman ko ngayon.

"Dahil sa nagbabalak siyang magpunta muli sa Alabat napagpasyahan ni tiyo na kumpletuhin ang gems sa belt ng Deltora."

"Belt ng Deltora? Nage-excist pa ba y'on?" tanong ni sir Reyes.

"Yes sir, nito ko lang nalaman ang lahat gamit ang kakayahan ni Luluri," ipinakita n'ya si Luluri at gumawa ito ng Bubble na nagpapakita ng ginagawa ni Tito Dan. Sa Video nakita namin na nakuha na tito Dan ang Ametis gem. Tatlo na lang at makukumpleto na niya ang gems sa belt. "Sa oras na makumpleto n'ya ito, isusuot n'ya ito kay Col at mawawala sa kanya ang mga kakayahan n'ya. Magiging ordinaryo s'yang tao. Hindi na siya ang dating Antonette na minamahal natin."

"Ang Belt mismo ang nagbigay ng espesyal nakakayahan kay Col at ito rin ang makakabawi nito." Pagsabat nung pinsan ni ANT.

"Oras na para ipaliwanag ko kung bakit kami naririto." Saad naman ni Tenshi ng pumunta s'ya sa gitna namin.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora