thirty first set- Si Lan ay si... oh hindi!

225 5 0
                                    

Blake’s PoV

Hindi ko alam kung paano pero heto na ulit ako nakatingin sa babaeng mahal ko habang nagluluto ng hapunan.

“Ryuu pwede bang paabot nung sauce?”

“Ito ba?”

“oo salamat.”

Hindi ko makita kung bakit ganito ang kalagayan ko sa buhay. Mali ba na patuloy ko pa rin syang minamahal kahit na pabigat lang ako sa kanya. Malakas sya, ako mahina. Malawak ang kaisipan nya, ako tanging sa kanya lang umiikot ang isip ko.

“Haaayyyy.” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip kong yun.

“Huy, Kuya, bat napapabuntong hininga ka dyan? Nalulurki na U?” anak ng—

“Naman Risetsu e, huwag ka ngang magpakabakla kapagkausap mo ako, hindi ko maintindihan e.” Napakamot muna ako sa kanang ulo ko tapos ngumiti at lumingon sa kaliwa ko kung nasaan sya.

“Oo na, Oo na.” Humilig sya sa balikat ko at parang napanatag ako sa ginawa nya.

Pakiramdam ko dinadalaw na ako ng antok kaya naman pumikit na ako habang nakahilig sa ulo nya ang ulo ko. Napagod nga siguro kaming lahat ngayon.

Col’s PoV

Nagluluto ako at ramdam ko ang  mga titig ni BOOK sa akin. Nagkakulitan pa sila sandali ni Takumi tapos nakatulog na kaagad. Lumapit ako kay Kyohei. Sya na ang nagda-drive ngayon nangawit na kasi si Takumi kanina.

“Jayson, itigil mo na muna. Kakain na tayo.” Hinawakan ko ang balikat nya at nginitian na lang nya ako.

“Sige boss.” Inihinto nya ang sasakyan at sinundan nya ako sa labas.

Ibinigay ko sa kanya ang ilan sa mga capsul at sabay namin iyong inihagis at nagkaroon ng mga bahay.

“Dito tayo pansamantalang matutulog. ^_^” inilagay ko na sa mga lamesa na galing din sa kapsul ang mga pinggan. “Ryuu, padala naman dito nung niluto ko oh.” Sabi ko kay Ryuu kaya naman pumunta muli sya sa loob para kunin ang mga niluto ko.

“Parang masaya ka boss.” Nagtatakang sabi ni Kyohei habang inaayos ang mga utensils sa lamesa. Baliw talaga, nahalata pala.

“Hehehe.. parang noon din kasi ginawa ko na ito. Iba lang ang mga kasama ko noon.”

“Ikaw si Rune, siguradong ang mga masters ang kasama mo ng gawin mo ito.” Napasimangot ako ng hindi sinasadya ng sabihin iyon ni Minuru.

“Hahaha.. siguro nga.” Sabi ko na lang at kinuha ang ilan sa dala ni Ryuu. “Mabuti pa gisingin na natin sila.”

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now