Chapter 6 | Summoned

Beginne am Anfang
                                    

"Bakit mo 'yon ginawa, Nath?" kalmang tanong ni Musa, siya lang ata 'yung kalma sa kanilang lahat.

Si Nix naman ay walang pakialam, habang si Sky ay naglalaro lang kasama si Luna.

"Easy..." Umupo si Nath sa bakanteng couch saka sumandal roon. "Masyadong maraming tanong."

"Hindi naman ako nagtanong ah!" Kumunot ang nuo ni Trisha.

"Uhm..." Lumunok ako nang bigla silang tumingin sa akin ng sabay-sabay. "We went to town. We ate and played some games. Nath did that because he was bored, and he wanted to be out of class." Dire-diretsang saad ko na halos hindi na humihinga.

"At bakit kayo magkasama kung si Nath lang ang sumunog ng damit ng estudyanteng iyon?" Winter looks pissed; he's just trying his best to remain calm.

"Our professor did not let me explain, kaya pati ako nasama.” I looked at Nath, who was just busy playing with the papers on the mini table; he's making it a paper plane. Pinalabas niya ako kasama si Nath."

"Ugh! Sana pala tinulungan ko pa si Nath, sana nilibing ko na 'yung kaklase natin para pati bukas ay hindi na tayo papasok pa," reklamo ni Trisha habang ngumunguso. "Ang boring kaya sa loob ng klase! Diba, Sky?"

"Uh..." Napatingin lang sa amin si Sky at mukhang hindi alam ang isasagot.

"Nakarating kay Headmistress ang ginawa niyong dalawa—"

"—ginawa niya." I corrected.

Napabuntong-hininga si Angel saka umiling. "The headmistress summoned you. Kailangan niyong pumunta, baka mag-wala 'yon at may mawasak na namang gusali."

"Gusali?" Takhang tanong ko at tango lang ang isinagot nilang lahat.

"Tapos na ba?" asked Nath, with a bored look on his face. Tinignan niya ang dulo ng paper plane na ginawa niya saka iyon pinalipad. "Puwede na ba kaming umalis ni Rain?"

"Aba! Saan naman kayo pupunta?" Winter asked while glaring at Nath.

"Nakikinig ka ba o sadyang bingi ka lang? Siyempre sa office ni Headmistress, ipinapatawag nga kami, ‘di ba?" Nath said it with a sarcastic tone. Tumayo siya saka lumapit sa akin. "Let's go; I don't want to make the headmistress mad."

Tumango lang ako bago tumingin kila Angel. "Uh, we’ll get going then."

"Sasama ako." Tumayo si Winter at sinamaan muna ng tingin si Nath bago lumapit sa akin. "Baka kung saan-saan ka na naman dalhin ng kumag na 'to."

"Overprotective lang!" Tumayo rin si Trisha at nakangiting lumapit sa akin bago yumakap sa braso ko. "Ako rin!"

"Me too." Nakaramdam ako ng kaunting lamig nang mag-salita si Nix.

"Musa, hindi ka sasama?" Tumayo na rin si Angel habang nakatingin kay Musa na kasalukuyang isinusuot ang isang kulay gintong balabal.

"Hindi, may misyon pa 'ko." Humarap siya sa amin saka nginitian kami ng matamis. "Ingat kayo."

"You too, take care." I gave her a small smile before we followed Nath outside.

Sabay-sabay kaming lumabas ng dorm, and as usual, maraming nakatingin sa amin, lalo na sa apat na lalaking kasama namin. Well, hindi ko naman sila masisisi, ang guguwapo at ang gaganda ng mga kasama ko, kasali na rin ako.

Scales of ChaosWo Geschichten leben. Entdecke jetzt