TRAYNTA'Y DOS

4.5K 52 2
                                    

Sa buhay mag asawa ay may dadating at dadating talagang problema, kahit gaano pa kayo kasaya. Katatapos lang magpa-breastfeed ni Lucia sa anak na si Victoria saka niya ito ipinasok sa malaking crib. Tiningnan niya ang oras sa relo-- it's 11:30 PM. Tinawagan niya ang asawa pero hindi ito sumasagot. Hanggang sa makarinig siya nang tunog ng kotseng dumating, kaya bumaba siya para salubongin ito.

Nakita niya ang asawa na pasuray-suray na ang lakad. Na-aamoy niya rin ang alak mula rito.

"Lucian? Naglasing ka?" Nakakunot ang nuong tanong niya.

Ngumiti lang si Lucian at niyakap siya saka hinalikan sa labi. "Nagkasiyahan lang kami kanina, baby."

"Nagkasiyahan? Pero pasuray-suray ka na?" Medyo naiinis na sagot ni Lucia. "Alam mo bang nag-alala ako sayo kung na pa'no ka na?"

Lumabi naman si Lucian saka niyakap ulit siya. "Baby naman... ngayon lang naman ako uminom e..."

"Ewan ko sayo, Lucian!" Iniwan niya ang asawa sa sala at umakyat patungo sa kuwarto nila. Naiinis siya, ang ayaw niya sa lahat e 'yong naglalasing. Ayaw na ayaw niya sa baho non. Dahil nakasandal sa hamba ng pinto si Lucian ay muntik na siyang mabuwal nang biglang buksan iyon ni Lucia.

"Lucian!"

Tumawa lang ang asawa niya. "Matutulog na ako, baby."

Nameywang naman siya. "Anong matutulog? Magbihis ka muna oy!"

Hindi nakinig si Lucian at diretso lang ito sa kama at doon humiga. Lucia sighs deeply, nilapitan niya ang asawa at hinubad niya ang business suit nito. Pagkatapos niyang hubarin ang mga damit nito ay kumuha siya ng maligamgam na tubig at bimpo. Pinunasan niya ang katawan ng asawa. Matapos niya itong punasan ay hinaplos niya ang mukha nito saka niya ito hinalikan sa nuo.

"Ngayon ka lang naman naglasing e. Kaya palalagpasin ko muna ito." Then she kissed him on the lips.

Kinumotan niya ang asawa at niligpit ang mga gamit nito. Lalabas na sana siya ng kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ni Lucian. Kinuha niya naman ang cellphone ni Lucian at tiningnan kung sino ang tumatawag. Tumaas ang isang kilay niya ng mabasa ang pangalan ng caller.

"Rachel?" Sinagot niya ang tumatawag. "Hello?"

"Oh Lucian!" Eksahiradang sigaw ng nasa kabilang linya. "Ang saya-saya pa namin dito! Bakit ka umalis agad?!"

Kumulo naman ang dugo ni Lucia sa ka-artehan ng babae. "Oh tapos? Mag pakasaya ka diyan ng mag-isa mo! Asawa niya ito!" Sigaw niya sa kabilang linya saka binabaan niya ito. "Hmp! Kaya pala nag lasing kasi may nag imbitang babae! Humanda ka sa akin bukas, Lucian." Matalim ang tingin ni Lucia sa asawang mahimbing ng natutulog.

When morning came, hindi maipinta ang mukha ni Lucia habang nagluluto ng almusal. Iniisip niya parin ang babaeng tumawag kagabi kay Lucian. Bumaba naman si Lucian mula sa hagdan at bigla nalang umupo sa hapagkainan. Hindi man lang ito bumati sa asawa na karaniwan nitong ginagawa. Padabog namang inilapag ni Lucia ang kape ng asawa at ang agahan nito. Napalingon naman si Lucian sa kanya na nagtataka.

"Babe? May problema ba?"

"Wala! Ang ganda nga ng gising ko e!" She replied with sarcasm.

Lucian blinked, pasigaw kasi ang pagsagot ng asawa niya sa kanya. Masakit din ang ulo niya dahil sa hangover. Rachel is his friend in college, hindi niya alam na reunion pala nilang magka-klasi ang araw na iyon. Tuloy, ay napa-inom siya at nakalimutan niyang mag paalam sa asawa.

"Babe, kung tungkol ito sa hindi ko pag uwi ng maaga kagabi... I'm sorry. Hindi ko kasi alam na reunion pala namin ng mga ka-klasi ko sa college ng araw na iyon." Paliwanag niya sa asawa sa malumanay na boses.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now