TRES

7.8K 96 4
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on si Lucia sa sinabi ni Lucian kanina, umalis na kasi ito nang hindi siya makasagot. Nasa private room siya ng kanyang Lola at hindi pa ito nagigising pero sabi ng Doctor ay normal lang iyon. Nakaupo siya sa isang malambot na silya at nakatingala sa kisame. Iniisip niya pa rin 'yong sinabi ni Lucian.

Kung papayag ako… may matitirhan na kami at magiging maayos ang kalagayan ng Lola ko doon. She thought. Pero bakit naman sila papatirahin sa bahay nito? Sobra-sobra naman ata na tulong iyon, 'tsaka bakit siya nito gustong makilala ng lubusan.

Nilapitan niya ang kanyang Lola saka hinaplos niya ang nuo nito at hinalikan. She loved her grandmother very much, kaya naman papayag na siya sa gusto ni Lucian. Para sa ikabubuti rin naman ng Lola niya iyon. Maya-maya lang ay lumabas na siya sa private room, nag lalakad na siya sa hallway nang maka salubong niya ang isang Doctor. Napaka ganda nitong Doctor at mas mataas ito ng kaunti sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya.

"Hello." Bati nito sa kaniya na ikinagulat niya.

"A-Ako?" Turo niya sa kanyang sarili.

"Yeah. I'm Dra. Raiza Villafuerte. Ako muna ang papalit sa doctor ng lola mo, naka on leave kasi siya. Actually, I'm Lucian's friend."

"O-Okay po doc, salamat." Kaibigan

Maganda ang doktorang nasa harapan niya kaya imposible na kaibigan lang ito ni Lucian.

Nginitian siya ni Dra. Raiza "You must be special to Lucian."

"S-Special po?"

"Yeah. Hindi siya mag babayad ng one twenty thousand para lang sa wala." Makahulogang ngumiti sa kanya si Dra. Raiza "Baka nga higit pa doon ang kaya niyang bayaran para sa'yo."

Umalis ang doktora sa harapan niya na may ngiti sa mga labi. Siya naman ay naiwang nagugulohan. Ang mga sinabi ng doktora kanina ay hindi maalis sa kanyang isipan. She's special to Lucian? Paanong naging special? Gusto ba siya ng binata? Marahas siyang umiling at nag patuloy sa pag lalakad.

Lucian is smiling while Luther is talking about his business proposal. Para siyang na sa ibang mundo. His mind is occupied by Lucia, the way she smile and the way she blush kapag nagugulat ito. He wants to know her better. Wala naman siyang intensiyong masama dito, siguro ito na ang time para pagkatiwalaan niya ang mga babae. Simula kasi no'ng malaman niyang prostitute ang kanyang ina at basta nalang siya nitong iniwan sa amponan ay nawala na ang tiwala niya sa mga babae.

Parang ang turing niya sa mga ito ay pare-pareho lang na walang kuwenta.

Ni hindi niya naranasang mahalin ng isang ina. Ang na-aalala niya kasi noon ay palage siya nitong sinasaktan at pinapalo ng walang dahilan. Minsan nga ay inutosan siya ng ina niya na mag dala ng droga sa kapitbahay pero hindi siya sumunod dahil alam niyang bawal iyon, kaya pinalo na naman siya nito. Na para bang hindi siya nito anak.

"Wala ka talagang kuwentang bata ka! Bakit pa ba kita binuhay sa sinapuponan ko! Malas ka sa buhay ko! Nang dahil sa'yo natanggal ako sa trabaho! Buwesit ka!"

Galit na galit na sigaw ng ina ni Lucian habang walang humpay siyang pinapalo gamit ang sinturon.

"Mama! Tama na! Masakit Mama!" Humahagulhol na pag mamakaawa ng batang Lucian sa kanyang ina.

"Buwesit na buwesit talaga ako sa 'yo! Kamukhang-kamukha mo talaga ang ama mong walang hiya! Sana pinatay nalang kita habang nasa sinapuponan pa lang kita!"

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ