DIYES

5.3K 57 3
                                    

FAST FORWARD



Busy sila sa pag-iimpake kasi pupunta sila sa isang resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Lucian. Ayaw naman sumama ang Lola ni Lucia kasi matanda na ito at madali ng mapagod. Isinama naman ni Lucia ang kaibigang si Cyree para may makausap siya sa mga kalokohan, sasama din ang kaibigan ni Lucian na babae. Iyong doktorang nag asikaso sa Lola ni Lucia noon.

"Are you ready?" Tanong ni Lucian kay Lucia. He's leaning on the door.

Napalingon naman si Lucia sa binata at ngumiti. "Oo! Ready na!"

"Best!" Tili naman ni Cyree na biglang sumulpot mula sa likod ni Lucian. "Full pack na ako! Halikana!"

Kung excited si Lucia, mas sobrang excited pa si Cyree kaysa dito. Lumapit naman si Lucian kay Lucia at kinuha ang malaki nitong bag. Sabay na silang lumabas mula sa kuwarto ni Lucia at paglabas nila ng mansiyon ay naghihintay na doon ang isang kulay itim na van.

"Nandoon na daw sila sa resort." Sabi ni Clive sa kanila.

"Okay. So let's go!" Sagot naman ni Lucian.

Tumango lang sila ni Cyree saka pumasok na sa kotse at sa back seat sina Clive at Cyree. Naka suot ng earphones si Clive, samantalang si Cyree naman ay nagsi-selfie.

"I'm sure na mag e-enjoy ka doon, Lucia." Sabi ni Lucian sabay hawak sa kamay ni Lucia.

"Oo naman." Lucia smiled sweetly.

Umalis na sila sa mansiyon at nag tungo na sa kanilang destinasiyon.

Matapos ang tatlong oras na biyahe ay nakarating na sila sa resort ni Ryzen Montecarlo. Lumabas na sila sa van at sinalubong sila nina Ryzen, Israel at Luther.

"Hey bro! Welcome to Montecarlo's Resort!" Naka-open arms na wika ni Ryzen.

"Yes. Thanks man." Nakangiting sagot ni Lucian sa kaibigan. Then they gave each other a man to man hug.

"Hello Lucia and Cyree." Bati naman ni Ryzen sa kanila.

Ngumiti naman sina Lucia at Cyree, binati din nila ito.

"Where's Raiza?" Tanong ni Clive.

"Andoon sa beach. Nag tampisaw na." Sabi naman ni Israel.

"Kanina pa nga nakabusangot itong si Ryzen e." Sumbong ni Luther. "Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang napaka-hot na doktora." Saka ito tumawa.

And speaking of which; papalapit na si Raiza sa kanila. Napanganga naman sina Lucia at Cyree ng makita ang kabuohan ng doktora, she's wearing a two piece bikini and she looks hot in it. Napansin naman ni Lucia ang pagdidilim ng expression ni Ryzen.

It's like, there's something between the two of them.

"Hey lover boy!" Bati ni Raiza kay Lucian sabay yumakap at humalik sa pisngi nito.

Hindi naman nagseselos si Lucia dahil kaibigan lang naman daw ang mga ito at naniniwala siya dun.

"Hey." Yumakap din pabalik si Lucian kay Raiza. "Nangunguha ka na naman daw ng atensiyon?" Pabiro nitong tanong kay Raiza.

Raiza smiled. "No. It's just that, I'm really gorgeous. That's why." She confidently said.

"So confident." Walang emosiyong sabi naman ni Ryzen.

"All right guys! Kain muna tayo! Nagugutom na ako e!" Singit naman ni Clive.

"Ako rin." Saad ni Cyree.

Ngumiti naman ulit si Ryzen at niyaya silang pumasok sa loob para makakain na. Nakasuot narin ng see-through dress si Raiza. Nakakatuwa ito dahil nakikisabay ito sa biroan nila Israel at Luther. She's like one of the boys, sabi ni Lucian kay Lucia na kababata daw nila si Raiza, hanggang sa ma in love ito kay Ryzen na kaibigan din nila. Masaya daw sila noon, hanggang sa humantong na mas pinili ni Raiza ang pag do-doctor dahil iyon ang pangarap ng dalaga.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now