BAYNTE KWATRO

3.6K 54 5
                                    

Lumabas si Lucia mula sa sinakyang taxi. Nakatingin siya sa isang Abandoned Mental Hospital. Nanikip ang dibdib niya ng makita ang lumang building. Naglakad na siya papalapit doon. Nagdadasal siya na sana okay lang si Lucian. Na sana hindi ito nasaktan. Nag-aalala siya sa kung anong kayang gawin ni Nicole sa nobyo niya. Nang makapasok siya sa building ay agad na may sumalubong sa kanyang dalawang lalaki. Armado ang mga ito at sa mukha palang ay hindi na mapagkakatiwalaan!

"N-Nandito ako para kay Lucian." Kinakabahan niyang sabi.

Tiningnan naman siya ng mga ito, saka may kinuha ang isang lalaki mula sa ilalim ng jacket nito. Litrato niya iyon. Nang makompermang siya nga iyon ay agad siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso niya. Iginiya siya ng mga ito papunta sa pinakahuling floor ng building. Patulak siyang ipinasok sa isang kuwarto at doon niya nakita ang kalagayan ni Lucian.

Nakatali pataas ang dalawa nitong kamay habang nakatayo. Naka topless din ito at may mga pasa na sa guwapo nitong mukha. Napatakip siya sa kanyang bigbig at napaluha. Her man is suffering! At wala siyang magawa! Marahas siyang pinaupo sa silya at itinali ang dalawa niyang kamay. Wala siyang pakialam sa kanyang paligid. Nakatingin lang siya kay Lucian.

"Aww!" Maarteng nagsalita si Nicole. "Don't cry, darling! Buhay pa naman siya eh!" Sinabayan pa nito ng tawa.

"Hayop ka!" Galit niyang sigaw kay Nicole. "Wala kang awa!"

"Yeah, yeah! I know that! Ikaw naman kasi, sinabi ko naman sa'yo na akin lang si Lucian! Eh hindi ka nakinig! Kaya magdusa kayong dalawa!" Sigaw din nito sa kanya. Lumapit si Nicole sa kanya at mahigpit na hinawakan nito ang kanyang panga. It's like she's gripping her jaw. "Hindi ko hahayaan na lalabas kayong dalawa sa building na ito ng buhay!"

"W-Wag mo siyang sasaktan Nicole…!" Nanghihinang sigaw ni Lucian.

Napalingon naman silang dalawa sa binata at marahas na binitawan ni Nicole ang panga niya. Lumapit ito kay Lucian at hinaplos nito ang dibdib ng binata sabay dinilaan ang leeg. Nakikita niyang umiiwas ang binata pero hindi nito magawa dahil nanghihina ito.

"Nakikita mo ba Lucia? He's suffering because of you. Hindi mo man lang ba siya papalitan sa puwesto niya dito?" She giggles. "Baka gusto mong maging katulad niya! Nakatali ang mga kamay at paa habang nilalaspag ka ng mga taohan ko!"

"Yan ang wag na wag mong gagawin, Nicole! Ako mismo ang papatay sa'yo!" Galit na sigaw ni Lucian.

Maarte namang napalapat ang palad ni Nicole sa sariling dibdib. "Really? Pa'no mo naman iyon gagawin?" Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Lucian. Saka tumawa. "Sa itsura mong yan? Mapapatay mo ako? Nagpapatawa ka ba?" Kumuha ito ng latigo at tumingin kay Lucia. "Now, gusto mo ba siyang makita habang nahihirapan? Sumagot ka!"

"Demonyo ka! Ngayon palang ay nasusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!" Naluluhang sigaw ni Lucia.

Nicole rolled her eyes. "Duh! Close kaya kami ni satanas! Kaya ko nga nagagawa ang lahat! Gaya nito!"

Malakas na pinalo ni Nicole si Lucian ng latigo sa likod. Sumigaw ang binata sa sakit. Nilatigo pa siya ulit ni Nicole at sumigaw ulit siya sa sakit.

"Tama na!" Sigaw ni Lucia habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya. "Parang awa mo na…" She pleaded while sobbing. "Tama na…!"

Pumalpak naman si Nicole na parang nasisiyahan sa nakikita. Tumatalon-talon pa ito habang pumapalakpak. "Oh my gosh! Para akong nanunuod ng pelikula! This is so exciting!"

Nilatigo ni Nicole si Lucian ng maraming beses at dumudugo na ang likod niya. Walang magawa si Lucia dahil gaya ng kasintahan ay nakatali din siya. Nakakaramdam na rin siya ng sakit mula sa puson niya. Nagdadasal siya na sana may magligtas sa kanila mula sa babaeng baliw na si Nicole!

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora