BAYNTE DOS

3.9K 51 1
                                    

Sinundo ni Lucian si Lucia sa Café. Napapansin niya ring balisa ito at parang may gustong sabihin pero hindi nito masabi. Papunta sila ngayon sa OB-Gyne para magpa-check up. Nang makarating sa OB-Gyne ay sabay silang pumasok sa loob. Pinuntahan nila ang doctor ni Lucia at agad naman nitong inasikaso ang nobya niya.

"Okay naman ang baby, Mr Greene. Basta huwag lang ma stress si Miss Suarez para walang problema." Anang Doctor.

Lumabas naman si Lucia mula sa isang kuwarto kung saan doon tsini-check up ang mga buntis na kagaya niya. Umupo siya sa visitors chair at magkaharap sila ni Lucian.

"And to you, Miss Suarez. Mag iingat ka always dahil alam mong mahina ang kapit ni baby sa iyo. Huwag ka ring masiyadong mag isip ng mga problema dahil nakaka apekto iyon sa bata."

"Okay po, doc. Thank you. We'll go now." Paalam ni Lucian sa Doktora.

"Sige. Take care."

Tumango lang silang dalawa ni Lucia saka lumabas na. Habang naglalakad sa hall way ay malalim parin ang iniisip ni Lucia. Ayaw niyang mawala si Lucian at mas lalong ayaw niyang mawala ang baby nila. Hindi na niya alam kung anong gagawin, nagdadalawang isip kasi siya na sabihin kay Lucian ang tungkol sa unknown message na natanggap niya.

"Baby," Tawag ng nobyo sa kanya. "What's bothering you? Kanina ka pa tahimik."

Malalim ang pagbuntong-hininga niya. "M-May natanggap kasi akong unknown message kanina habang nasa trabaho." Simula niya saka kinuha ang cellphone mula sa bag at ibinigay iyon sa kasintahan. "Nandiyan iyong mensahe. Basahin mo. Baka kasi kilala mo kung sino iyan.."

Nakakunot ang nuong tinanggap ni Lucian ang cellphone ni Lucia at tiningnan ang inbox saka binasa ang nag-iisang message doon.

"Sulitin mo na ang mga bilang na araw mo kay Lucian. Dahil hindi rin kayo magtatagal. You see, Lucian is just for me and not for you! Kung hindi man siya mapapa sa 'kin mabuti pang mamatay na lang kayong dalawa!"

Nanigas si Lucian at napatigil sa paglalakad. Kahit hindi niya iyon pa-imbestigahan alam niya kung kanino iyon nanggaling. It's from Nicole Ching. Nagsisimula na naman ang sakit nito noon. Isa sa dahilan kung bakit nakipagkalas siya sa dating nobya.

"Ito lang ba ang natanggap mo?"

Umiling si Lucia. "Tinawagan din niya ako. Sabi niya wala daw akong kasalanan pero ikaw meron. Kaya idadamay niya ako at ang…" Napahawak ito sa impis na tiyan. "Magiging baby natin…" Nanginig ang boses ni Lucia. "Lucian, hindi puwedeng mawala ang baby natin! Hindi…" She sniffles. "Pati daw si Cyree idadamay niya kapag nangialam ito…" Hinawakan niya ng mahigpit ang suot na suit ni Lucian. "Lucian… natatakot ako! Baka kung ano ang gawin niya sa atin!"

Niyakap naman niya ang takot na nobya. Baliw si Nicole at kaya nitong gawin ang lahat… kahit na ang pumatay. "I won't let Nicole hurt you, baby. Lalong-lalo na ang magiging baby natin. Hindi ko iyon hahayaan."

"So tama ang hinala ko? Si Nicole ang nag babanta sa atin? Bakit? Ano ba ang kasalanan mo sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Lucia.

"Hindi ko siya minahal gaya ng gusto niya. I treat her like a slut woman. Tinatawagan ko lang siya kapag may kailangan ako sa kanya. Like sex." He sighs deeply. "I treat her like a trash, because I was an asshole before and I admit that. I'm sorry… dahil sa akin nadadamay ka, kayo ng magiging baby natin."

"Lucian. Kung problema mo, problema ko na rin. Haharapin natin siya nang magkasama. Kahit anong pagbabanta ang gawin niya, hindi kita ibibigay sa kanya."

Lumamlam ang mga mata ni Lucian. Bumilis ang tibok ng puso niya. This amazing woman in front of him. Ang babaeng mahal niya at gusto niyang makasama habang buhay. Tama ito, kung ano man ang problema na darating, haharapin nila iyon ng magkasama. Ngayon pa ba siya matatakot kay Nicole? Ngayon pa na nakataya na ang buhay ng mag-ina niya.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now