DISE SAIS

4.1K 62 5
                                    

Hindi malaman ni Lucia kung bakit nagpapa make over silang tatlo. Si Raiza ang gumagastos sa lahat at nahihiya na siya. Si Cyree naman ay walang pakialam at nakikita niyang masaya ito sa pag mi-make over dito. Nilingon naman niya si Raiza na nasa gilid niya, nag titipa ito sa cellphone habang mini make up-an ito. Kanina pa siya nangangating mag tanong kaya iyon ang ginawa niya.

"Uhm, Dra. Raiza? Ano po bang meron? Bakit tayo nag papaganda?"

Tiningnan naman siya ng dalagang doktor at nginitian. "It's Lucian's birthday, Lucia."

She gasped. "B-Birthday? birthday ni Lucian ngayon? My god! bakit hindi ko alam!"

"Relax honey." Natatawang sabi ni Raiza sa kaniya. "Hindi niya sinabi sa iyo dahil ayaw niya sa birthday niya. It's like a very sad day for him."

"Bakit?" Nalulungkot siya sa nalaman. Ang kaarawan ang pinakamasayang araw sa isang tao. Pero malungkot iyon para kay Lucian.

"Iyon din kasi 'yong araw na iniwan siya ng kanyang ina sa orphanage. And when his birthday comes, he's in the bad mood. Parang may galit siya sa mundo kapag sumasapit ang kaarawan niya. But today, that will change." Tinitigan siya ng doktora. "Because of you."

"D-Dahil sa akin?"

"Hindi," Sabat ni Cyree. "Dahil sa akin, ano ba best? ang bungol mo naman."

Tumango si Raiza sabay tumawa. "Yap. We'll surprise him, honey"

Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi ni Raiza. Siya ang magiging dahilan para mag bago ang malungkot na kaarawan ng nobyo.

"Sige! gusto ko 'yan!" Excited niyang sabi.

"Best!" Tawag ni Cyree sa kanya. "Ang ganda ko na! grabe... mukha na akong tao!"

Napatawa naman sila ni Raiza sa sinabi ni Cyree. Pagkatapos ng make over nila ay nag punta sila sa isang shop na may mamahaling damit. Pumasok sila doon at pinapili sila ni Raiza ng susuotin nila.

"Mamili lang kayo diyan, ako ang bahala."

Tumango naman sila ni Cyree saka nag simula ng mamili nang susuotin nila. Nagtingin-tingin si Lucia sa mga magagandang damit at ni isa ay wala pa siyang magustohan. Naglakad siya at nagtingin-tingin ulit hanggang sa may nakita siyang isang dress. The dress is simple but elegant, bagay iyon sa kulay ng balat niya. Velvet red ang kulay ng dress, sleeveless iyon at nakabuhol ang strap into ribbon. Kinuha niya iyon at nakangiting hinagod ng palad niya ang damit.

"What a beautiful dress."

Napalingon siya kay Raiza na nasa likod na pala niya, ganon din si Cyree.

"Ang ganda niyan best!" Komento ni Cyree.

"Tara na sa fitting room." Aya ni Raiza.

Pumasok silang tatlo sa fitting room. Nagbihis sila sa loob at maya maya lang ay sabay na lumabas. Nang na sa labas na silang tatlo ay napatanga siya sa suot ni Raiza. She's wearing a black fitted dress. Gaya ng suot nito kanina, it has a long V-line in her breast that shows her cleavage. May deep slit ito sa kanan na kitang kita ang makinis at maputi nitong legs. Manipis lang din ang strap nito at pababa iyon haggang beywang, it's a backless dress.

"Ang sexy mo naman, Doc." She complemented, and Raiza smiled.

"Thanks. You're sexy too kahit hindi revealing ang damit mo."

"S-Salamat.." Nilingon niya naman si Cyree.

Naka suot din ito ng backless dress. Pero iba ang style non sa likod, pa ekis ang strap sa likod nito na hanggang beywang din. Kahit hindi V-line ang sa bandang dibdib ay kita parin ang cleavage nito and it's also a fitted dress. The dress color is velvet emerald green.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now