BAYNTE SYETE

4K 58 2
                                    

Mental Hospital. Ang lugar kung saan nandoon si Nicole. Magkahawak kamay na pumasok sila Lucia at Lucian sa loob ng isang kuwarto kung saan doon nila kakausapin si Nicole. Magkatabi silang naupo habang kaharap naman nila si Nicole na wala sa sarili. Nakagapos ang dalawa nitong kamay ng pa-ikis at makikita mong walang nag-aalaga dito. Huminga muna ng malalim si Lucia bago kinausap ang kaharap.

"Nicole." Tawag niya sa babaeng baliw. Lumingon lang ito sa kanya at dahan-dahang napangiti. Tinititigan lang niya ang babaeng baliw na nakangiti sa kanya.

Hindi na siya nito masasaktan gaya ng dati, kaya tumayo siya at nilapitan ito. Inipon niya ang lakas niya para masampal ng malakas si Nicole sa mukha. Hindi lang isang beses o pangalawang beses kundi maraming beses niya itong sinampal. Halos mamula na ang mukha ni Nicole sa kakasampal niya. Nanlilisik ang mga mata niya at walang pasabing hinila niya ang buhok nito.

Saka malakas na iniumod niya ang mukha nito sa mesa. Ginawa niya iyon sa harapan ni Lucian. Wala namang reaksiyon doon si Lucian, hinayaan lang niya ang nobya.

"Sinira mo ang buhay ko! Ang buhay ng magiging anak sana namin! Ikaw ang dahilan kung bakit… kung bakit nawala ang anak ko! Ang anak namin ni Lucian! Hindi ka na naawa sa isang batang kahit hindi pa lumalabas ay pinatay mo na!"

Nagpumiglas naman si Nicole pero hindi nito makayang makawala sa pagkakahawak ni Lucia. "Bitawan mo ako! Nurse! Nurse! Someone help me!" Malakas nitong sigaw.

"Tumahimik ka! Tumahimik ka!" Sigaw din ni Lucia habang paulit-ulit na iniu-umod ang mukha ni Nicole sa mesa. "Halika! Ipapatikim ko sa'yo ang paghihirap ko no'ng mawala ang anak ko!"

Hinila niya ang buhok ni Nicole at kinaladkad niya ito patungo sa cr. Nakasunod naman sina Lucian at ang dalawang nurse na lalaki. Sinubukan pa nilang pigilan si Lucia pero pinigilan din sila ni Lucian.

"Let her." Matigas na sabi ni Lucian.

"P-Pero sir…"

"She deserves it. Kulang pa iyan." Nakatiim bagang sabi ni Lucian.

Parang kiti-kiti si Nicole na nagpupumiglas at kinakaladkad ni Lucia. Pumasok sila sa isang cr na marumi at iniharap niya si Nicole sa isang cubicle na marumi ang tubig. Saka nanggigigil niya itong iniumod doon ng paulit-ulit.

"Para iyan sa anak namin! Sa amin ni Lucian! Sa lahat ng kasamaan mo!"

Hindi niya tinigilan si Nicole hanggang sa mawalan ito ng malay at kinuha ng dalawang lalaking nurse. Nilapitan naman siya ni Lucian at niyakap. Nagawa niya. Nagawa niyang saktan si Nicole ng hindi natatakot. Para siyang nabunotan ng tinik sa puso. Mabibigyan na niya ng hustisya ang anak nila.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango si Lucia. "Para akong nabunotan ng tinik.. noon ko pa gustong gawin iyon sa kanya. Ngayon nagawa ko na at masarap sa pakiramdam." Saka siya ngumiti sa nobyo.

Ginantihan din niya ito ng ngiti. "I'm glad. Gusto mong kumain?"

"Sige…" Umalis na sila sa Mental Hospital at nagtungo sa isang restaurant.

Nakatitig lang si Lucian sa kasintahan habang magana silang kumakain. This woman had been experiencing a lot of stress because of what happen to them and he felt guilty about it. Wala siyang nagawa noon para makaligtas silang dalawa. Isa siyang walang kuwentang nobyo dito. Pero gaya nga ng sabi ng Papa niya, No one is perfect. Lahat ng tao ay may pagkukulang at isa siya sa mga iyon. He hoped that Nicole will suffered enough for everything that she did. Nawala ang magiging anak sana nila at na-trauma ang babaeng mahal niya.

"Lucian?" Tinatanong niya tuloy ang kanyang sarili kung karapatdapat pa ba siya kay Lucia. He can't even protect her! "Hoy Lucian!"

Napamulagat siya sa pagtawag sa kanya ni Lucia. "May problema ba?"

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now