TRAYNTA

4.3K 44 2
                                    

A/N: Another mature scene. Please sorry in advance for my grammars. Enjoy. Thank you.



Nang makarating sa Montecarlo's Resort si Lucian ay halos madapa na siya sa kakatakbo. Paano naman kasi, sabihan ba siya ni Ryzen na may ibang lalaking katagpo si Lucia dito sa resort! That's insane! Ayaw niyang maniwala sa gagong kaibigan pero natatakot siya… natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Sa mga nakaraang araw kasi ay naging busy na siya sa kompanya at late narin siyang umuuwi. Hindi na niya nabibigyan ng oras ang nobya kaya kinakabahan siya na baka agawin ito ng iba.

Nagtungo siya sa reception at pasigaw siyang nagtanong. Natakot tuloy ang receptionist.

"S-Sir, close po kasi ang resort namin ngayon kaya wala pong naka-check in dito na Lucia Suarez…" Kinakabahang sagot ng receptionist sa kanya.

"Where's your fucking boss?! Masasakal ko talaga ang gagong 'yon!"

Bago pa makasagot ang receptionist ay may nagsalita na mula sa likod niya. "Hey man!" Ryzen greeted him while smiling.

Madilim ang mukhang hinarap niya ang kaibigan. "Where's the other man and where's Lucia?" Matigas niyang tanong.

Itinaas naman ni Ryzen ang dalawang kamay bilang pagsuko pero nakangiti parin. "You'll thank me later, man."

Lucian looked at him with his bored look. "Paano kita pasasalamatan? Tinawagan mo ba naman ako sa gitna ng meeting ko tapos ang sasabihin mo lang ay Lucia is seeing another man?!"

Humagalpak naman si Ryzen. "Naniwala ka naman? Talaga bang sineryuso mo iyong sinabi ko?"

"Fuck you, Montecarlo." Sambit niya sabay nag iwas ng tingin.

Ryzen stop laughing. "Anyway, nakita ko si Lucia kanina na lumabas mula sa room nila ni Cyree. Maya-maya lang ay nandito na iyon."

At hindi nga nagkamali si Ryzen. Dumating nga si Lucia at agad itong niyakap ni Lucian. "Baby, I'm so sorry if I'm always busy. Alam mo namang para iyon sa magiging future natin, I'm really sorry baby. Babawi ako promise… huwag ka lang mang ibang lalaki."

Madamdaming sabi ni Lucian sa kasintahan na nakatanga lang sa kanya at maya-maya lang ay biglang tumawa saka siya nito hinalikan sa labi. "Babe, it was just an excuse para pumunta ka dito sa Montecarlo's Resort. May surprise kasi ako sa iyo…"

"So, hindi… totoo iyong may katagpo kang lalaki?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa nobya.

Umiling si Lucia. "Hindi, bakit naman ako makikipag-kita sa ibang lalaki? Eh nandiyan ka naman." She sweetly smiled. "Ikaw lang sapat na,"

Ryzen rolled his eye balls at iniwan silang dalawa.

"Huwag ka ng magalit kay Ryzen. Tinulongan niya lang ako at si Cyree para maisagawa yung surprise ko." Patuloy ni Lucia.

Humalukipkip naman si Lucian. "Alam mo bang kinansel ko iyong importanteng meeting ko dahil tinawagan ako ni Ryzen?"

Lucia pouted. "Sorry na," Hinalikan niya ulit si Lucian sa labi. "May surprise naman ako eh…"

Lucian sighed and then he smiled. "Okay, ano ba iyang surprise mo?"

Medyo nakaramdam ng lungkot si Lucia dahil hindi maalala ng nobyo ang anniversary nila. Pero binaliwala nalang niya iyon at ini-angkla ang kanyang braso sa braso ng nobyo. "Come on, the sunset is coming kaya dapat nadoon na tayo."

Nagugulohan man ay umuo nalang si Lucian at nagpatianod sa nobya. Nagpunta sila sa isang bahagi ng isla ni Ryzen na wala masyadong tao. Pagdating nila doon ay halos malaglag ang panga ni Lucian sa nakita. It's a picnic date in the beach. Naramdaman niyang hinila siya ni Lucia patungo sa picnic area at naupo silang dalawa doon. Nakikita ni Lucian ang mga nakahandang pagkain sa gitna ng blanket at ang magandang tanawin sa dagat.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now