SYETE

5.7K 77 3
                                    

A/N: Warning. This is Rated SPG. Not suitable for minors.



RAMEN RESTAURANT

Sa Ramen Restaurant sila pumasok at marami-rami ring tao doon at mapapansin rin ang mga iilang babaeng nakatingin sa kanila. Sino ba naman ang hindi titingin sa mala adonis na imahe nila Lucian at Clive. Pumili sila ng table na good for four person at gaya ng sabi ni Cyree, umorder sila ng apat na ramen. Nag hintay sila ng ilang minuto bago dumating ang order nila. Pagkalagay ng apat na ramen sa mesa nila ay nanunubig na agad ang bagang ni Lucia, amoy palang masarap na.

"Malinis ba 'to?" Biglang tanong ni Lucian habang nakatingin sa ramen.

"Oo naman! Nakita ko sila habang nag luluto noon!"

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ni Lucia sa binata.

"N-No! I mean kakain ako, para sa 'yo."

"Really bro? In front of my ramen?" Reklamo ni Clive.

Umasim naman ang mukha ni Lucian sa sinabi ni Clive. "Shut up."

Sabay nilang kinain ang ramen at hindi nga nagkamali si Cyree, masarap nga ito at busog na busog sila. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila sa Ramen restaurant, namasyal ulit sila sa amusement park. Nagtingin-tingin sila sa mga booth at nakita nila ang isang laro na may babarilin kang bagay at kapag natumba iyon ay may price kang stuff toy o kahit ano.

"Lucia?"

"Hmm?" She glanced at him.

"Mahilig ka ba sa stuff toy?" Tanong nito.

"Oo." Lucia nodded.

Ngumiti lang si Lucian saka nag bayad para makapag-laro siya. Pumwesto siya sa gitna at inasinta ang bolang patatamaan niya. Huminga muna siya ng malalim bago kinalabit ang gatilyo. Natumba ang bola at isa pang bola, pinatamaan pa niya ang tatlo pang bola para malaking stuff toy ang makuha niya. Pagkatapos niyang matamaan ang limang bola ay ibinigay na sa kanya ang isang malaking stuff panda, tas ibinigay niya naman iyon kay Lucia.

"Ang laki naman nito!" Natatawang sabi ni Lucia.

"It's baby Lucy." Lucian said.

"Baby Lucy? Eh ang laki-laki nito tapos baby Lucy."

He shrugged. "Kahit malaki baby parin."

Umiling-iling na lang si Lucia sa tinuran ng binata.

"Bro! May fireworks display daw sila mamaya. Baka gusto ninyong manuod?" Aya ni Clive.

"Gusto mo ba?" Tanong ni Lucian sa dalaga.

"Oo naman! Ang ganda kaya ng fireworks!"

"Sige. Manuod tayo mamaya."

"Teka," Nagpalinga-linga si Lucia. "Nasaan si Cyree?"

Tinuro ni Clive. "Andoon sa claw machine."

Tiningnan naman nila si Cyree at nakita nila itong madami ng nakukuha sa claw machine.

"Cy!" Tawag ni Lucia. "Halika na!"

"Teka! Uubosin ko pa ito eh!" Sagot nito sa kanya habang naka pukos parin sa nilalaro.

Nilapitan naman ni Lucia ang kaibigan saka binatokan ng mahina.

"Ano ka ba? Huwag mo namang ubosin yan. May mga bata pang maglalaro oh!"

"Tsk! Sige na nga! Sa susunod, babalikan ko kayo!" Sabi pa nito at dinuro pa ang claw machine. Umiling-iling na lang si Lucia sa kaibigan.

Nasa picnic area sila ng amusement park at naghihintay sila sa fireworks display. Lucian really enjoyed this night with Lucia, pakiramdam niya tuloy ay mas nakikilala na nila ang isa't isa, nag enjoy din sina Clive at Cyree kahit na palage silang nagbabangayan. Minsan naiisip niya parin iyong walang hiya niyang ina, sana hindi na ito mag pa kita sa kaniya dahil hinding-hindi talaga niya ito tatanggapin.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now