DISE OTSO

3.9K 60 6
                                    

Balik ulit sa trabaho sina Lucian at Lucia. Hindi pa naman lumalaki ang tiyan ni Lucia kaya okay lang sa kanya na mag trabaho. Kasalukoyan siyang naglilinis nang mesa at habang naglilinis ay paminsan-minsan siyang napapatingin sa labas. Maganda ang panahon ngayon at hindi maulan, she was smiling while looking outside when a person caught her attention.

It's Lucian's mother. Anong ginagawa niya? Kumunot ang nuo niya sa nakikita. She just saw Lucian's mother begging to other people to give her some money. Parang piniga ang puso niya sa nakikita at walang pasabi na lumabas siya nang Café. Nilapitan niya ang ginang at nagulat ito nang makita siya.

"Hija?! Anong-- Bakit ka nandito?"

"Ako po dapat ang magtanong niyan sa inyo. Bakit po kayo namamalimos?"

Hindi sumagot si Cecile at yumuko ito. "Ma'am Cecile--"

"Ang totoo niyan." Putol nito sa sasabihin niya. "Namamalimos ako para pambili ng gamot ko at pagkain na rin."

Agad na hinawakan ni Lucia ang ginang sa mga kamay. "Sumama kayo sa akin. Malapit lang dito ang Café kung saan doon ako nagtatrabaho."

"Naku! Huwag na hija! Baka nakaka-abala ako..."

"Hindi ho kayo abala sa 'kin. Tara na po."

Walang magawa ang ginang kaya sumama na ito kay Lucia. Pumasok sila sa Café at agad siyang inasikaso ni Lucia. Binigyan siya nito ng isang slice ng cake at kape saka umupo ito sa silya paharap sa kaniya.

"Salamat dito sa pagkain, hija. Pero baka makahawa ako…"

"Huwag ho kayong mag alala, ako na pong bahala diyan." Nakangiting sabi ni Lucia. "Kain na po kayo. Pagkatapos niyo pong kumain, sasamahan ko kayong bumili ng gamot."

"Hija..."

"Huwag na po kayong tumanggi. Sabi ko diba? Tutulongan ko kayo."

Alam ni Lucia na may kamahalan ang gamot ng ginang kaya gagamitin niya ang credit card na bigay sa kanya ni Lucian. Hindi naman kasi niya iyon ginagamit. Nakangiti lang si Lucia habang nakatingin sa ginang na kumakain. Pag nauubos nito ang isang slice ng cake ay ikukuha niya ito ulit. Pero gaya kanina ay panay ang tanggi nito ngunit pinipilit niya.

"Hija, busog na ako. Tama na iyan…" Natatawang awat ni Cecile sa dalaga.

"Naku ma'am. Pag hindi niyo iyan inubos hindi ko kayo bibilhan ng gamot." Biro ni Lucia.

Kumislap ang mga mata ni Cecile habang nakatitig sa dalagang kinukulit siyang kumain pa. Nahahawa siya sa mga ngiti nito at masayang-masaya siya dahil may isang katulad pa nito ang natitira sa mundo.

"Hija?" Tawag niya sa dalaga.

"Ano po 'yon ma'am?"

"Wag mo na akong tawaging ma'am, hija. Mama na lang. Tutal nobya ka naman ng anak ko."

Namula naman ang mga pisngi ni Lucia sa narinig. Puwede namang tawagin niya itong 'Mama' kaso lang ay hindi pa sila mag asawa ni Lucian. "Eh… hindi pa naman po kami mag asawa ni Lucian…"

"Hindi naman iyon ang basihan." Cecile smiled. "Mahalaga ka sa anak ko. Mahal ka niya. Kaya sapat na iyon para tawagin mo akong Mama."

That made Lucia smiled sweetly. "Okay po… Mama."

"Masarap pakinggan kapag tinatawag mo akong Mama."

Kapwa sila nakangiti sa isa't-isa saka ipinagpatuloy ni Cecile ang kumain ng cake. Maya-maya lang ay nagpa-alam si Lucia sa kanyang boss na sasamahan niya si Cecile na bumili ng gamot at pinayagan naman siya nito. Nang makarating sila sa pharmacy ay agad na binili ni Lucia ang gamot ni Cecile at binayaran iyon sa pagmamagitan ng credit card. Papalabas na sila ng pharmacy nang biglang huminto si Cecile at napahawak sa ulo nito.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz