DOSE

4.6K 82 3
                                    

Nakakuyom ang mga kamao ni Lucian habang naglalakad patungo sa cabin nila ni Lucia. He's fucking jealous with that Leimer Tuazon! Alam niyang magkaibigan lang ang dalawa pero kinakain parin siya ng selos. He's scared that he might lose Lucia at hindi dapat iyon mangyari, Lucia is his! His property.

"Lucian!" Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang boses ni Lucia. Ayaw niya itong lingonin, ayaw niya itong makita, naiinis siya.

"What?"

"Ahm, m-may nagawa ba akong mali?" Nahihimigan niya ang lungkot sa boses nito.

His heart softened. Gusto niya itong aloin at sabihin ditong huwag ng malungkot. Pero naiisip niya parin ang matalik nitong kaibigan.

"You and that Leimer. Bukod sa pagiging mag kaibigan, nagkagustohan din ba kayo?" Diretso niyang tanong sa dalaga.

"H-Huh? Hindi! Bakit mo naman naisip 'yon?"

He looked away. "I-I'm just asking. Anyway, bukas ay uuwi na tayo. Kaya sulitin mo na ang huling araw mo rito."

Tinalikuran niya si Lucia at akmang bubuksan na ang pinto nang maramdaman niya ang mga braso ni Lucia sa beywang niya. She's hugging him from behind and his heart is beating so fast.

"I-I'm sorry Lucian. Huwag ka ng magalit sa akin please," He heard her sniffs. "Malulungkot ako kapag galit ka.."

He sighed. Kahit naman naiinis siya ay ayaw niya namang nakikitang malungkot si Lucia. He turned to face her and hugged her back sabay hinalikan niya ito sa nuo. "Huwag ka ng malungkot. Hindi na ako galit."

"T-Talaga?"

"Hindi ko naman kayang magalit e. I love you. I was just... jealous. Ayaw kong lumalapit ka kay Leimer." Nakatiim bagang niyang sabi. "I told you, I'm possessive when it comes to you."

"Kaibigan ko lang naman si Leimer. Tsaka hindi naman puwedeng hindi ko siya kausapin. May pinagsamahan din kasi kami noon bilang mag kaibigan." Paliwanag nito sa kanya.

Bumuntong-hininga nalang ulit si Lucian. He wants Lucia for himself, kahit pa kaibigan lang nito si Leimer ay hindi siya papayag na malapit ang dalaga dito. Lucia is his. She's mine. He thought.

Lucian is looking for Lucia. Nawala kasi ito sa tabi niya kanina, nasa cottage lang sila kanina at nagkukwetohan ng bigla itong mawala. Naglalakad siya sa tabi ng dagat at nakikita niyang papalubog na ang araw, Ryzen's resort is so amazing. Hindi ka magsasawang titigan ang kulay asul na karagatan. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita ang bulto ng dalaga sa malayo, pero ang ngiting sumilay sa labi niya ay biglang nawala at nagdilim ang paningin niya.

Nakakuyom ang kaniyang kamao at nagtatagis ang kanyang bagang. He's seeing Lucia with Leimer again! And he's fucking jealous again! Lalo na ngayon dahil nakikita niyang masaya ang dalaga na nakikipag-usap sa binata.

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan lang ang mga ito hanggang sa makita niyang hinawakan ni Leimer ang mukha ni Lucia at inilapit nito ang sariling mukha sa dalaga. It's like Leimer is going to kiss his woman! Wala namang ginawa si Lucia, nakatayo lang ito na parang hinihintay ang paglapit ng mukha ni Leimer.

Maluha-luha ang mga mata ni Lucia dahil sa buhangi'ng pumasok sa mga mata niya. Hinawakan naman ni Leimer ang mukha niya at hinipan ang mga mata niya. Kung titingnan mo sila sa malayo ay para silang naghahalikan pero hindi. Nakipag-kita si Lucia kay Leimer para kausapin ito tungkol sa pagseselos ni Lucian. Naiintindihan naman iyon ni Leimer at nirerespeto niya ang desisyon ni Lucia.

"Wala na ba?" Tanong Leimer kay Lucia.

"Masakit pa!" Maluha-luhang sabi ni Lucia.

"Ibuka mo kasi iyang mga mata mo." Natatawang utos ni Leimer.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz