NOYBE

5.4K 77 2
                                    

Greene Empire. Bising-busy si Lucian sa pagtitipa sa kanyang laptop. Gusto na niya agad matapos ang araw na iyon at makauwi na para makasama si Lucia. Kapag naiisip niya ang nangyari sa kanila noong isang gabi ay napapangiti siya, alam niyang wala pang kasiguradohan ang relasiyon nila. Pero pasasaan ba't magiging sila rin, he's confident that Lucia will love him back, because he can see it---he can feel it.

"Sir?" Tawag ng sekretarya niya na nasa may pintoan. "Si ma'am Nicole po nasa labas. Papapasukin ko po ba?"

He sighed in frustration. Ayan na naman ang babaeng iyon, kahit anong pag dispatya niya ay nanggugulo parin ito sa kanya. Ito ang ayaw niya na malaman ni Lucia, baka kasi kung anong gawin ni Nicole sa dalaga.

"Sige. Let her in."

"Okay po, Sir."

Pinapasok ng sekretarya niya si Nicole at nakita niya agad ang mukha nitong may makapal na make up. He really hate to see her, pero wala naman siyang magawa, hindi siya ang may control dito. Umupo si Nicole sa visitors chair at nakangiti itong tumingin sa kanya.

"Hey handsome." Bati pa nito, sabay pinag cross ang mga hita.

"Why are you here and what do you want?" Walang ganang tanong ni Lucian sa babae.

"Oh!" She giggled. "Dalawang tanong agad. Well, nandito ako dahil nakita ko kanina ang babaeng kinababaliwan mo."

Nagulat si Lucian sa sinabi ni Nicole, hindi niya inaasahan na makikita nito si Lucia. Delikado ang dalaga pag nagkataon.

"What's her name again? Lucia Suarez?" She let out a creepy smile. "Nakita ko siya sa Café at maganda siya ha! Sa sobrang ganda niya parang gusto ko siyang mawala."

"You wouldn't dare." Nakatiim ang bagang na sabi ni Lucian.

Tumayo si Nicole at umikot ito papunta kay Lucian. Nasa likod siya ng binata at ang mga kamay niya ay nakatukod sa mga balikat ni Lucian.

"Akala mo siguro na titigil ako, ano? Well darling, I'm not that weak. You know me naman diba? I will do everything! Huwag ka lang mapunta sa iba. Now darling, how about you disposed that woman and come back to me. Isn't that great?"

Padabog na tumayo si Lucian mula sa kaniyang swivel chair at hinarap si Nicole. Masama niya itong tinitigan, hindi siya papayag na saktan ni Nicole si Lucia.

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Nicole. Hindi ako makakapayag na saktan mo si Lucia."

Tumawa naman ito. "Remember Lucian. Noong lumabas ka sa amponan ako ang babaeng una mong nakilala. I made you a man, I am the woman who took your virginity. Kaya huwag mo akong ini-itiyapuwera dahil hindi kita titigilan."

Dahil doon ay hinawakan ni Lucian si Nicole sa magkabila nitong balikat at pabalabag niya itong isinandal sa pader. Galit at pandidiri ang nakalarawan sa mga mata ng binata.

"Wala akong pakialam kung ikaw man ang nakauna sa akin. Matagal na tayong tapos, Nicole! Huwag mo na akong gulohin! Lalong-lalo na si Lucia!"

Kagat labi namang ngumiti si Nicole at pinaglakbay niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng dibdib ni Lucian.

"Oh darling, you're making my pussy wet." Malading sabi nito saka binasa ang pang-ibabang labi. "Ang hot mo talaga kapag nagagalit. Kaya nga gusto kita e."

Mas idiniin pa ni Lucian ang babae sa pader. "Stop playing around, Nicole! Wala na tayo! Tanggapin mo iyon!"

Maarte naman siyang itinulak ng babae hinawi pa nito ang sariling buhok.

"We'll see about that, Darling. Because what Nicole wants? Nicole gets. So bye for now darling! I'll come back soon."

Malademonyo itong ngumiti bago nilisan ang opisina ni Lucian. Frustrated naman na napahilamos sa sariling mukha si Lucian, hindi basta-basta si Nicole. Kaya nitong pumatay para sa kanya. Noong araw kasi na lumabas siya sa amponan ay nag rebelde siya dahil sa kanyang ina. Doon niya nakilala si Nicole, mas matanda ang edad nito ng limang taon sa kanya. She was his first. First kiss, first touch and yes! The woman who took his virginity. He was nineteen years old back then and Nicole is twenty-four years old, ito rin ang nag turo sa kanya na uminom at manigarelyo.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Where stories live. Discover now