ONSE

4.8K 70 2
                                    

Nakapalibot sila sa bonfire na sila mismo ang gumawa, nagkakatuwaan sila habang nagkukuwentohan. Magkatabi sina Lucian at Lucia, Cyree at Clive, Raiza at Ryzen saka sina Israel at Luther. Masaya ang kuwentohan nila hanggang sa umabot ang topic nila kay Ryzen.

"Wala na ba talagang pag-asa Ryzen?" Tanong ni Israel.

"Kung iiwan niya ang trabaho niya at piliin ako. Siguro meron pa." Sagot naman ni Ryzen.

"Hindi naman iyon gano'n kadali. Kasi meron talagang mga bagay na dapat mong isakrepesyo para lang matupad ang pangarap mo." Biglang sabi ni Raiza sabay tingin kay Ryzen.

Mapakla namang ngumiti si Ryzen. "Kaya pala hanggang ngayon iyon parin ang mas mahalaga sa 'yo." Sabay tumayo mula sa pagkakaupo. "Sige lang. Ipagpatuloy mo lang iyan." Sarcastic niyang sabi sabay alis.

"Teka!" Habol ni Raiza sa binata.

"Ikaw kasi Rael e! Napaka tsismoso mo kasi!" Umiling-iling si Clive.

"Let them talk about their relationshit." Bitter na pagkasabi ni Luther.

"Here comes the bitter man again." Natatawang sabi ni Lucian.

"Mag aaway ba sila?" Nag-aalalang tanong ni Lucia.

"Hindi. Mag uusap lang sila." Lucian replied. "Meron pa kasing mga bagay na hindi nila na aayos."

"Bagay pa naman sila! Sana maayos nila 'yon." Ani ni Cyree.

Luther shrugged. "Sana nga. Pero ewan ko kay Ryzen. Malalim ang galit no'n kay Raiza e."

"Huwag na lang natin silang pakialaman." Lucian. "Hindi ka pa ba inaantok Lucia?"

"Actually, inaantok na."

"Ako inaantok na kaya mauuna na ako sa room ko." Sabi ni Cyree sabay tumayo at naglakad paalis.

"Kami rin bro." Paalam ni Israel.

Sabay-sabay na nagtayuan ang tatlo at umalis. Tumayo rin si Lucian. "Come on. Let's sleep."

"Okay." Tumayo rin si Lucia at tinungo na nila ang kanilang kuwarto saka pumasok na doon. Pagpasok nila ay agad silang nagkatinginan na dalawa. Pinapakiramdaman nila ang kanilang mga sarili.

"Ahm, do you want us to sleep in the same bed?"

Napakunot naman ang nuo ni Lucia. "Bakit ka pa nagtatanong? E diba doon sa mansiyon mo, magkatabi tayong matulog."

"Oo nga pala." Then he chuckled. "So, matulog na tayo?"

"Sigurado ka bang pagtulog ang gusto mo?" Nanunuri niyang tiningnan ang binata.

He grabbed her waist and look at her intently. "Well, do you want me to pleasure you? Before we sleep?" He said in a seductive voice.

Lucia gulped. Her cheeks blushed. Parang gusto niya tuloy bawiin ang mga sinabi niya kanina. "P-Puwede rin naman tayong matulog na lang..."

Lucian laughed silently. "Okay. We'll just do cuddle."

Tumango naman siya. Pumasok siya sa banyo para makapagbihis ng pantulog. Pag labas niya at nakahiga na si Lucian sa kama, he's just wearing his boxer short. Hawak nito ang remote at pinipindot iyon para mailipat ang channel, inunan nito ang sariling braso. Tumabi siya sa binata saka pinanuod ang pinapanuod nito, it's an animal channel.

"Mahilig ka ba sa mga hayop Lucian?" Aniya.

"Yeah. But I can't have one. Wala kasi akong oras para alagaan sila." Sagot naman nito sa kanya.

Humiga siya at nagkumot. "Mahilig ako sa pusa." She smiled. "Naku-kyutan kasi ako sa kanila."

Pinatay ni Lucian ang TV saka humiga na rin at nagkumot, niyakap niya si Lucia and he kissed her temple. "Well then, I'll buy you a beautiful cat."

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora