BAYNTE SINGKO

3.8K 47 3
                                    

Pinagpapawisan na si Raiza sa kaka-revive kay Lucian, hindi siya sumusuko hangga't hindi nababalik ang buhay nito. Si Lucia naman ay nailipat na sa isang private room, pero hindi pa ito nagigising. Hindi rin niya alam kung paano maipapaliwanag dito ang nangyari sa magiging baby nila.

"Come on, Lucian! Come back!"

She used defibrillator machine to Lucian. She repeatedly used it to Lucian to bring him back. Ang balang tumama sa dibdib nito ay hindi umabot sa puso at nakuha nila iyon agad. Ang problema ay nauubosan ito ng dugo kaya bigla itong nag flat line. "Clear!" Inilapat niya ang defibrillator sa dibdib ni Lucian.

Pangatlong beses niya iyong ginagawa. Hanggang sa bumilis ang tunog ng monitor at nakita niya ang pag zigzag ng line's doon. She sighed in relief. May dumating naman sa emergency room at dala-dala ng mga ito ang maraming packs ng dugo para kay Lucian.

Ang mga kaibigan naman nila ay nasa waiting area. Nando'n narin ang ama ni Lucian. Nag-iwan lang ito ng mga taohan sa mansiyon ni Lucian para magbantay kina Cyree at sa Lola ni Lucia. Nicole is in the Mental Hospital. Hindi ito ipinakulong dahil nga sa kondisyon nito, pero sinigurado ng ama ni Lucian na maghihirap ito sa loob ng Mental. No special treatment. No comfy room. No food. Ipaparamdam niya sa babae ang hirap na dinanas ng anak niya mula dito.

Maya-maya lang ay natapos na ang operasiyon ni Lucian at lumabas na si Raiza mula sa emergency room. Napatayo naman ang nasa labas.

"How's my son's condition, hija?" Worried is visible in William's face.

"He's stable now, Tito. Although, maraming dugo ang nawala sa kanya and we almost lost him…" Then she smiled. "But he's a fighter, Tito. Hindi niya tayo iniwan."

Nakahinga naman ng maluwag ang matanda. "Thank god! What about Lucia? And their baby?"

Natigilan si Raiza at matagal na hindi nakasagot. "She lost the baby, Tito." Malungkot niyang sagot dito. "Doon palang sa building ay nakunan na siya, ang ginawa ko lang ay ang paglilinis."

William face palmed. "Oh god… hindi nila ito matatanggap. Lalong-lalo na si Lucia…"

"Lahat ng ina ay hindi tanggap ang pagkawala ng unang anak nila." Makahulogang sabi ni Raiza. "Pupunta muna akong office, Tito."

Tumango lang si William at umalis na si Raiza. Umupo siya sa bench, katabi ng mga kaibigan ni Lucian.

"Paano natin maipapaliwanag sa kanila ang pagkawala ng unang baby sana nila?" Clive asked worriedly.

"We need to tell them the truth. Hindi naman puwedeng magsinungaling." Buntong-hininga'ng sagot ni Luther.

"Mabuti nga't nadoon na sa Mental ang babaeng baliw na iyon." Nakatiim bagang sabi ni Ryzen.

"Muntik na tayong di nakaabot. Mabuti nalang ay mabilis si Raiza at nabaril niya agad ang baliw." Israel sounds relieved.

Habang nag uusap sila ay may lumapit na nurse sa kanila. "Mr Greene? Nailipat na po ang anak niyo sa private room. Puwede ninyo na po siyang puntahan. And, magkasama po sa iisang room ang anak niyo at si Lucia Suarez." Paliwanag ng nurse.

"Okay. Thank you." William replied.

Tumango naman ang nurse at umalis na. Nagsitayuan naman sila at naglakad papunta sa private room kung saan nandoon sina Lucian at Lucia.

Nakahiga ang magkasintahan sa magkahiwalay na hospital bed. Hindi pa nagigising si Lucia, ganoon din si Lucian. Pinauwi naman muna ni William ang apat matapos nitong makita ang kaibigan. Maya-maya lang ay gumalaw si Lucia, nilapitan naman agad ito ni William.

"Hija! Gising ka na! Sandali, tatawagin ko ang doktor!"

Nagmamadaling tinungo ni William ang pinto para tumawag ng doktor. Agad naman dumating si Raiza. Lumapit agad ito kay Lucia na kakagising lang.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα