DOS

9K 124 6
                                    

Pagkatapos ng trabaho ni Lucia ay diretso na siya sa ST. Raiza Hospital. May dala siyang pagkain at papapunta na siya sa ICU nang may mapansin siyang doctor at mga nurse na nagmamadali sa paglalakad, sinundan niya ang mga ito at nanlaki ang mga mata niya nang makitang papunta ang mga ito sa kuwarto ng lola niya. Kaya dali-dali niya ring tinakbo ang ICU kung saan nandoon ang Lola niya. Nasa loob ang doctor at ang mga kasama nitong nurse, nire-revive ng mga ito ang Lola niya, ang nagawa lang niya ay ang umiyak habang nakatingin sa Lola niya.

Pinagdadarasal niya na sana maging okay ang Lola niya. Ito na lang kasi ang natitirang kapamilya niya, ito rin ang nagpalaki sa kanya dahil siya ay maagang naulila.

"L-Lola… please naman huwag mo muna akong iwan…" Nag-uunahan ng umalpas ang mga luha niya mula sa mga mata niya. "H-Hindi ko kaya, lola… lumaban ka please…"

Umiiyak lang si Lucia at walang magawa, hanggang sa lumabas ang doctor mula sa ICU.

"Lucia Suarez?" Tanong ng doctor sa kanya.

"O-Opo! Ako po si Lucia Suarez. Okay lang po ba ang Lola ko? Ano po ang dapat gawin?"

"Kailangan na niyang ma-operahan. Dahil lumalala na ang tumor ng Lola mo." Paliwanag ng doctor sa kanya.

Tumango-tango naman si Lucia. "Mga mag kano po ba ang babayaran sa pag papa-opera kay lola ko, Doc?"

"Sasabihin ko sayo miss, malaki ang gagastusin mo sa operasiyon na ito."

"O-Okay po, naiintindihan ko…"

"One hundred twenty thousand ang mababayaran mo, miss. At madadagdagan pa iyan dahil mananatili pa ang Lola mo dito pagkatapos ng operasiyon." Sagot ng doctor.

Halos lumuwa ang mga mata ni Lucia sa nalaman, saan naman kaya siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? E kulang pa nga ang sahod niya para sa pang araw-araw niya. Kulang pa nga iyong mga ipon niya. Umalis na ang doctor ng Lola niya at napaupo nalang siya sa bench. Naiinis siya dahil wala siyang magawa para kumita ng ganoon kalaking halaga, naitakip nalang niya ang kanyang mga palad sa sariling mukha saka tahimik na umiyak.

One hundred twenty thousand ang babayaran niya. Diyos ko! Kapag hindi siya naka pag bayad, hindi mao-operahan ang mahal niyang Lola. Mawawala ang nag iisang taong tangi'ng nag mahal sa kaniya at nag palaki. Hindi iyon pweding mangyari! Kailangan niyang gumawa ng paraan.

"Bumisita ka ata?" Nakangiting tanong ng kaibigan ni Lucian na si Dra. Raiza Villafuerte. Ito rin ang nag mamay-ari ng ST. Raiza Hospital.

"I feel like visiting. Kamusta? Okay na ba kayo ni Ryzen?" Sagot niya sa kaibigan.

"Let's not talk about him, please." Raiza let out a deep sigh. "Matagal na kaming tapos ng kaibigan mo. I said sorry to him so many times, pero ayaw niyang tanggapin."

"Alam mo naman siguro ang dahilan, diba? You choose your dream, not him."

"I didn't know that choosing your dream over marriage is bad. Anyway, diyan ka na muna. May pasiyente pa ako. See you around." Paalam nito na tila ba iniiwasang mapag-usapan ang dati nitong nobyo.

"Yeah. See you around."

Iniwan na siya ni Raiza at nilibot ng paningin niya ang buong hospital nang may masagip ang mga mata niya. Isang babaeng naka upo sa bench at umiiyak. Pamilyar sa kanya ang babaeng iyon kaya nilapitan niya ito.

Nang makalapit sa dalaga ay doon niya napagtantong si Lucia pala iyon. Umiiyak ito habang sakop ng sariling palad ang buong mukha. Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa niya saka inilahad iyon sa harapan ng dalaga. Napatigil naman ito sa pag iyak saka napatingala sa kanya. Hindi niya alam… pero nasasaktan siya na nakikita itong umiiyak.

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)On viuen les histories. Descobreix ara