BAYNTE UNO

4K 48 3
                                    

Nasa mansiyon ng ama niya si Lucian. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa kanyang ina. Malungkot ito ng malamang patay na si Cecile. Ikinuwento naman ni Lucian ang tungkol sa pagmamaltrato sa kanya ng ina noon at mas nalungkot pa ang ama niya dahil doon.

"Patawad, anak.  I'm a useless father. Kung alam ko lang na buntis si Cecile noon, di sana magkasama tayong tatlo ngayon." Nanghihinayang na sabi ni William.

"Papa. Nakaraan na iyon. Isa pa masaya na si Mama ngayon sa itaas." He smiled softly. "Tsaka, pinapatawad ko na kayong dalawa. May isang tao kasing nag sabi sa 'kin na mas masarap kapag nagpatawad ka."

Ngumiti rin ang ama niya. "Is it your girlfriend, Lucia? I can see the love in your eyes, son."

"Mahal na mahal ko siya, Papa. Wala sigurong kuwenta ang buhay ko kung wala siya."

"Alam mo, ganiyan ko rin kamahal ang Mama mo. Kaso pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana. But I'm happy though." He sighed. "Anyway, gusto ko sana na dito na kayo tumira sa mansiyon ko. Mas masaya kasi kung sama-sama tayo."

He blinked twice. Kung titira man sila dito sa Papa niya, paano naman ang mansiyon niya?

"Pa, I have my own mansion. Pinaghirapan ko iyong itayo, ayaw ko namang basta-basta na lang iyong iwan."

The old man nodded. "I see. But, can you visit me here often? O kahit hindi palage basta makita kita. I just want us to have a good bonding as a father and son."

"Oo naman, Papa. Tsaka magkikita rin naman tayo sa kompanya. Remember? We're partners now."

Bahagyang natawa ang matanda. "Yes, I remember. So saan ang punta mo ngayon pagkatapos dito?"

"I'll fetch Lucia. Tsaka sasamahan ko rin siyang magpa-check up."

"Check up? Bakit, may sakit ba siya?" Nag aalalang tanong ng ama niya.

"Lucia is pregnant, Papa. Magiging Lolo na kayo soon." Nakangiting sabi ni Lucian.

Nagulat naman ang ama niya. "Talaga?! Wow! May apo na pala ako! Nakakatuwa!"

"Yes, Pa. Pero doble ingat kami kasi maselan ang pagbubuntis niya ngayon."

"Oh. Okay. Kung meron man akong maitutulong sabihin mo lang. I'm just here to help you, son."

"Salamat, Papa."

Kanina pa nakatitig sa kawalan si Lucia. Iniisip niya 'yong unknown message na natanggap niya. Bakit naman may magmi-message sa kanya ng ganun? Eh wala naman siyang kaaway. Kung sino man iyong nag mensahe sa kanya ng gano'n, malaki ang galit nito sa kanya.

"Hoy!" Tawag sa kanya ni Cyree kaya nagulat siya. "Tulala ka diyan?"

She sighed in frustration. "May natanggap kasi akong mensahe. Ito oh," Sabi niya sabay ipinakita sa kaibigan ang unknown message.

"Sulitin mo na ang mga bilang na araw mo kay Lucian. Dahil hindi rin kayo magtatagal. You see, Lucian is just for me and not for you! Kung hindi man siya mapapa sa 'kin mabuti pang mamatay na lang kayong dalawa!"

"Ay! Ano ba 'to?! Bakit ganito ang mga sinasabi niya?!"

"Hindi ko alam. Wala naman akong kaaway eh! Lalo na si Lucian! Ang inaalala ko lang best eh itong magiging baby namin, baka mapaano siya..."

Inilagay naman ni Cyree ang phone ni Lucia sa mesa saka niyakap ang kaibigan. "Ssh! Huwag kang magsalita ng ganyan, best. Ipakita mo kay Lucian ang unknown message para mapanatag ka. Hindi natin alam, baka may taong galit na galit sa iyo at gusto kayong patayin ni Lucian."

She's My One Night Stand (DESIRE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon