S3 Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

"Yeah," pagsang-ayon naman ng exorcist sa kanya. "May malakas na enerhiya akong nararamdaman sa loob ng store. It's more powerful than N." Ipinatong nito ang kamay nito sa ulo niya. "Buti na lang, ako ang sinama mo rito."

"Actually, it was Twila's suggestion," pag-amin niya. "Mas makakatulong ka raw kasi sa'kin. Saka mas mapoprotektahan mo raw ako kesa sa kanila ni Light."

"That's true."

Ngumiti lang siya dahil sanay na siya sa pagiging mayabang nito. May maipagmamalaki naman kasi talaga ito kaya hinahayaan na lang niya. Pagkatapos niyang mag-park, bumaba na sila ng kotse. Dumeretso siya sa blackboard dahil napansin niyang may nakasulat pa sa ilalim ng pangalan niya. "Pumasok daw tayo sa loob ng store."

"Alright," sagot ni Nightmare, saka ito nauna sa paglalakad. "Mauna na ko para ma-check ko muna kung safe ang store."

Tumango siya at sumunod dito. "Okay."

"Welcome to my store," masiglang sabi ni Daydream, saka nito ibinuka ang mga braso na parang ipinapakita sa kanila ang mga merchandises na tinitinda nito. "I sell all kinds of Kpop and Kdrama stuff here. Kulang na nga lang eh magtayo rin ako ng Korean barbeque restaurant dito."

"N would have loved it here," nakangiting sabi ni Siha habang nililibot ang tingin sa paligid ng malaking store. Mukha ngang nando'n ang lahat ng hahanapin ng isang Kpop o Kdrama fan. Punong-puno ng mga merchandises ang mga shelf at cabinet mula official light stick hanggang slogan. Meron pang mga stuffed toy, slippers, at kung ano-ano pang mga gamit na may mukha ng mga Korean stars. "Kdrama fan 'yon, eh."

"Oh, that's good news for me," masiglang sabi ni Daydream. "Alam ng lahat kung ga'no kayaman ang Tagapagbantay. Kung Kdrama fan siya, siguradong magiging VIP customer ko siya. Lalo tuloy akong na-motivate na tulungan kayong magkita uli."

Gulat na napatingin siya sa babae. "You can help me?"

"What are you?" seryosong tanong naman ni Nightmare na ngayon lang nagsalita simula nang lapitan sila ni Daydream. Nakakapagtaka iyon dahil kadalasan naman, walang kinikilala ang lalaking 'to. "You're... strong. Are you a spirit medium, too?"

"I am," pag-confirm ng babae, saka ito umupo sa counter. "But I don't talk to lowly ghosts. I only serve deities."

Napalunok si Nightmare– halatang na-intimidate sa babae na ngayon lang nangyari. Pero mabilis ding napalitan ng paghanga ang emosyon sa mga mata ng lalaki. Now, he looked at Daydream like she was some sort of a magical being herself.

Bigla niyang naalala ang kuwento ni Twila tungkol sa new classmate daw ni Light na spirit medium din at mga deities daw ang pinagsisilbihan.

Come to think of it, that girl's name is...

"Dream," bulong niya sa sarili. "Ikaw din ba 'yong 'Dream' na new friend ni Light?"

Ngumiti ang female spirit medium at tumango. "Yes, that's me. Simula nang nag-open ang second semester, ino-observe ko na kayo. I didn't expect that it would take you this long before you realize that what you need is available in Ana's Shop. I almost got impatient. Kung hindi lang ako takot sa parusa ng mga deity, baka matagal na kong nangialam."

"So, this is the "human branch" of Ana's Shop?" tanong niya. "Front lang ba ang pagiging Kpop merchandise store nito?"

"Of course not," tanggi naman nito. Saka nito itinuro ang pinto na may nakasulat na Staff Room. "She just came back."

Napalunok si Siha at kahit alam na niya ang sagot sa itatanong niya, nagtanong pa rin siya. "Who?"

Ngumiti si Daydream. "Miss Ana, of course."


Ghost HusbandWhere stories live. Discover now