24: The Truth

2K 150 17
                                    

"NASA hospital si Dr. Guerrero?" tanong ni Siha kay Nightmare nang ipinatong niya ang sling bag niya sa night table sa tabi ng kama kung saan wala pa ring malay si Never.

"Yeah, shift ni Dad ngayon at hindi pa siya umuuwi simula no'ng isang gabi," sagot ni Nightmare na nakaupo sa swivel chair paharap sa kama. "Kailangan siya ng ospital bilang surgeon kasi merong sinugod na mga pasiyente kahapon mula sa isang road accident. Kaya ako muna ang nagbabantay kay Never ngayon."

Tiningnan niya si Never at napansin niyang kahit halos isang linggo na itong comatose, malinis, mabango, at maayos pa rin ang kondisyon ng katawan nito. Halatang naaalagaan at nalilinisan ito sa regular na paraan.

Dr. Guerrero and his sons are really taking good care of Never.

"I'm sorry for the trouble," nahihiyang sabi niya. "Ako dapat ang nag-aalaga kay Never at hindi kayo ng pamilya mo."

"Don't worry about it, Siha. Saka kaibigan din naman ni Light si Never kaya hindi ito big deal para sa'min," saway nito sa kanya. "Mas mahirap nga ang sitwasyon mo kasi doppelgänger ang kasama mo sa condo mo. Nakikita ko na malaki ang tiwala mo kay "N" pero dahil isa akong exorcist, hindi ako masaya na makitang masyado ka nang attached sa kanya."

"H-Hindi naman ako gano'n ka-attach kay N," tanggi niya, saka siya umupo sa silya sa tabi ng kama. Hindi siya makatingin kay Nightmare na halatang jina-judge na siya. "Sinusunod ko lang ang nasa contract namin."

Tumaas ang kilay ng exorcist– halatang hindi naniniwala sa kanya. "Really, huh?"

Bigla tuloy niyang nahiling na sana, may iba siyang kasama sa guest room na iyon. Pero ng mga sandaling 'yon kasi, nasa kusina sina Light at Twila na naghahanda ng merienda habang kakuwentuhan si Lagoon na sumama sa kanila sa pagbisita kay Never.

Si N naman, nasa likod ng mansiyon. Nagpaalam ito sa kanya at sinabing kakausapin daw nito ang sage tungkol sa pagpapadala nito kay Lagoon. Mukhang mahaba-habang usapan 'yon dahil hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang multo.

"Siha, I don't think N is just an ordinary doppelgänger," pagputol ni Nightmare sa katahimikan. Pagkatapos, tumingin ito sa direksyon ng pinto. "Am I wrong, Lagoon?"

Lumingon si Siha sa pintuan at hindi na siya nagulat nang makitang nakasandal sa dingding si Lagoon habang nakahalukipkip– halatang kanina pa naro'n. Strong entities don't really make a sound when walking or entering a room, huh?

"Hindi ko alam na hindi niyo pa pala alam kung ano talaga si N," nakangiting sabi ni Lagoon. "Nang kausapin ako ng sage, sinabi niya sa'kin na may human wife na ang mountain ghost. At ang mga kaibigan ng babaeng ito, alam din ang sekreto nito."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Nag-re-report ba si N sa sage?"

"Siyempre naman," sagot ng Kataw. "Kaya nga kilala ko na kayo at ang koneksyon niyo kay N nang dumating ako. Pero hindi ko naisip na hindi pa sinasabi sa inyo ni N kung ano siya bago siya naging isang doppelgänger. Gusto niyo bang malaman ang nakaraan niya?"

"Hindi matutuwa si N kapag sinabi mo sa'min ang past niya," mariing kontra niya. "Isa pa, hindi mo naman 'yon sekreto para ipagkalat."

"I'm curious but I agree with Siha," sabi ni Nightmare. "Plus, N might kill you."

Ngumiti si Lagoon na mukhang hindi naman na-offend sa mga sinabi nila. "N found good friends, huh?" Tumingin ito sa kanya. "And he's lucky to have a wife like you, Siha Serranilla."

Nag-init ang mga pisngi niya pero bago pa siya makapag-react, nagsalita na uli ang Kataw.

"Malaki ang utang na loob ko sa sage dahil noong may nahuling mga Sirena ang mga mortal na mangingisda sa dagat na sakop ng Bantay Dagat, dumating sila ni N para tulungan akong iligtas ang mga Sirena namin nang humingi ako ng tulong sa kanila. Kilala kasi ang sage ng halos lahat ng entities sa Pilipinas," pagkukuwento nito. "Anyway, nang kausapin niya ko para makiusap na protektahan kayo, hindi ako nagdalawang-isip na tumulong. Pero bukod do'n, curious din akong makilala kung anong klase ng tao ang pinili niyang maging asawa." Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng approving look. "You're a very interesting human, Siha."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon