S2 Chapter 22

1K 146 50
                                    

Note: The lack of reaction (and even votes) is seriously starting to make me really, really, really sad. I don't need you to tell me that the story is good. Gusto ko lang sanang marinig ang opinion niyo sa mga chapter na nababasa niyo. Kung na-e-enjoy niyo pa ba or what. Hindi ko kasi alam kung tinitingnan niyo lang kasi may reads pero ang comment, 1-3. Madalas, 0. Gano'n ba kapangit?

Still, thank you for reading. Kung meron man. :))

***

"WHERE are we going, N?" curious na tanong ni Siha habang karga siya ni N na mabilis ang takbo. Nakayakap siya sa leeg nito at nakapikit gaya ng bilin nito sa kanya kanina. "Sandali lang tayo, ha? Sine-set up na nila Kuya ang tent natin. Sleeping time na, eh."

Nag-ihaw ng barbecue sina Sian, Light, at N kanina habang nagsi-swimming sila ni Twila (parehong oversized T-shirt at cycling shorts ang ginamit nila dahil hindi sila nagdala ng swimsuit). Pagkatapos, nag-dinner sila. Kahit madilim na dahil gabi na, hindi sila nahirapang kumain dahil bukod sa baon nilang malalaking rechargable lantern, naging ilaw nila ang kumikislap na falls sa paligid.

Pagkatapos nilang magbihis ni Twila ng pantulog (long-sleeved shirt at jogging pants para hindi sila makagat ng mga lamok at insekto), inaya siya ni N na magpunta sa kung saan. Halata sa mukha ni Sian ang pag-aalala pero sa huli, pumayag pa rin ito na magsolo uli sila ng multo.

"We're here, bebe," sabi ni N nang huminto ito sa pagtakbo. "Open your eyes."

Nagmulat si Siha ng mga mata at nag-angat ng tingin para malaman kung nasa'n sila.

The sight before her took her breath away: the beautiful, starry night sky. They were at the top of the mountain so the sky looked closer and the stars shined like millions of little diamonds.

"Wow," namamanghang sabi niya. "I'm stunned, N."

Maingat siyang binaba ni N bago ito sumagot. "That's how I feel everytime I look at you."

Dinaan niya sa tawa ang kilig na nararamdaman niya. At dahil romantic ang view ngayon, naisip niyang maglambing. Yumakap siya sa baywang ng multo na napapadalas na yata. "Thank you for bringing me here, bebe."

Ipinalupot naman ng doppelgänger ang braso nito sa mga balikat niya, saka siya kinabig palapit dito. "I like it when you call me by our endearment."

"But I'm still embarrassed," pag-amin niya habang nag-iinit ang mga pisngi. "Kailangan ko munang mag-practice ng mag-practice hanggang sa maging comfortable na ko." Tumingala siya rito at nang maramdaman nitong tumingin siya rito, tumingin ito pababa sa kanya. "Bebe?"

"Yep?"

"Bebe. Bebe. Bebe."

Medyo napangiti ang multo pero mabils ding naging seryoso. "Cute."

The silence was peaceful as usual but this time, she felt the need to discuss their real score. She knew that they were both aware that their romantic relationship was serious, but they haven't properly talked about it yet. Ghost or not, she wanted a clear label with the person she was dating. He often called her his girlfriend but he never said that he liked her.

"N, how much do you like me?" deretsang tanong ni Siha kahit nag-iinit ang mga pisngi niya. "You like me, don't you?"

"You'll probably get scared if you learn how much I like you."

Kumunot ang noo niya sa curiosity. "Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

Marahan nitong pinisil ang baba niya, saka ito marahang umiling. "I won't tell you."

"Then, you must be lying," naka-pout na reklamo niya, "You probably don't like me that much. Baka pinagbibigyan mo lang ang pagiging clingy ko sa'yo dahil "asawa" mo ko."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon