21: Little Fight

1.7K 139 12
                                    

"N, MAY price tag pa 'yong damit mo," horrified na sabi ni Siha nang makita niya ang nakalawit na tag mula sa suot nitong dark demin jacket. Nauunang maglakad sa kanya si N ngayon kasi hinahabol nito ang pinalipad nitong paper plane kanina. Maaga ang klase nila ng araw na 'yon at kakaunti pa lang naman ang tao sa university kaya hinayaan niya muna itong "maglaro" habang nasa covered walk sila. "N, sandali nga muna."

Huminto naman si N sa paglalakad at nilingon siya. Nang senyasan niya itong lumapit sa kanya, naglakad ito ng paatras hanggang sa nasa harapan na niya ito.

Pagkatapos niyang hilahin ang price tag, sinilip naman niya ang collar ng white V-necked shirt nito at gaya ng inaasahan niya, meron ding price tag iyon na hinila rin niya agad. "Bakit hindi mo inaalis ang mga 'to, ha? Baka 'yang jeans mo, may price tag pa?"

"Hmm?"

Napapalataktak na lang siya kasi halatang wala itong alam sa sinasabi niya. Inangat niya ang polo shirt nito. Naka-tuck in naman sa black fit chinos nito ang suot nitong V-necked shirt kaya nasilip agad niya ang tag sa suot nitong pantalon. "I-che-check ko ang mga damit mo mamaya," sabi niya rito habang inaalis ang tag ng jeans nito. "Baka may tag pa ang mga 'yon."

Tumango ang multo. "Sige."

"Humarap ka sa'kin."

Sumunod naman ito at humarap sa kanya.

Inayos niya ang kuwelyo ng nakabukas nitong dark denim jacket na medyo nagulo dahil sa paghila niya ng tag price niyon kanina. "N, bakit magaling kang mag-mix and match ng mga damit?" curious na tanong niya nang napansin niyang bumagay sa outfit nito ang suot all-black sneakers. "Ganito ka rin ba magdamit no'ng nasa bundok ka pa?"

"May ginawang guide para sa'kin ang matandang babae sa bundok na pinagbilhan ng sage ng mga damit ko," paliwanag nito. "Tinatawag ng matandang 'yon na "fashionista" ang sarili niya."

Napangiti siya sa sinabi ng multo. "Mukhang magkakasundo kami. Mahilig din ako sa mga damit, eh."

"Halata nga," sabi ng doppelgänger. "Bagay sa'yo ang lahat ng sinusuot mo, asawa ko." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Gaya ngayon."

Nag-init ang mga pisngi niya pero natuwa siya sa narinig. Araw-araw siyang nag-e-effort na magpaganda kaya nakakatuwang may nakakapansin niyon.

To be honest, she wasn't confident with her outfit today: a plain light blue V-necked long-sleeved top, white long skirt with black belt, and a pair of white sneakers. She thought she looked too bland. Lalo na't nakalugay lang ang buhok niya at light lang din ang makeup.

Pero ngayong narinig niya ang sinabi ni N, hindi na siya naiilang.

"Are you shooting a romantic scene for a teen drama or what?"

Biglang binitawan ni Siha si N, saka siya umikot paharap kay Lami. Halata sa mukha ng pinsan niya ang pagtataka habang nakatingin sa multo kaya binati niya ito para kunin ang atensiyon nito. "Hi, Lami. You're early."

Simula nang tumira sa condo niya ang doppelgänger, sinabi niya kay Lami na hindi na niya ito mahahatid-sundo. Wala siyang ibang naisip na excuse kundi ang sabihing sabay na silang papasok at uuwi ni N. Buti na lang at pumayag ang pinsan niya at hindi na nagtanong.

Nakokonsensiya siya sa ginawa niya pero ayaw naman niyang i-hypnotize uli ni N si Lami kasi nag-aalala siya na baka masama ang epekto ng hypnosis sa mga tao.

"Walking distance lang naman ang dorm namin from here," sagot ni Lami na napansin niyang masyadong seryoso. "Siha, can we talk in private?"

"Sure," mabilis na sagot niya, saka niya nilingon si N. "Mauna ka na sa classroom."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon