23: Big Fish

1.7K 132 20
                                    

OH!

As soon as N's fist seemed to connect at the stranger's body, the latter suddenly turned into...

.... Water?

"So, you're the ghost's wife, huh?"

Napasinghap si Siha nang sa isang kisap-mata lang ay nakaupo na sa mesa ang estranghero at nakaharap sa kanya. Hawak pa nga nito ang kaliwang kamay niya habang tinititigan nito ang wedding ring tattoo niya. "You smell like... the sea?"

Ngumiti ang lalaki, saka ito tumingin sa mga mata niya. "Since I'm a son of the sea, I'll take that as a compliment."

"You're just a fish," sabi naman ni N na nakatayo na sa gilid ng estranghero. Pero nakatingin ito sa kamay niya na hawak ng lalaki. "Let. Go."

Nakangisi itong nilingon ng lalaki na mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kanya. "Make me, mountain ghost."

Umangil si N at hinablot ang kamay ng lalaki. Pero gaya kanina, naging mala-tubig ang braso ng estranghero kaya hindi ito nahawakan ng multo.

Tumawa ang lalaki. "You can't even touch me in your human form."

Halatang napikon na si N. "Lagoon!"

Biglang yumanig ang lupa at nagsigalawan ang matatabang sanga ng mga puno dahil sa pagsigaw ni N. Kasunod niyon ay ang sabay-sabay at malalakas na pag-angil ng iba't ibang mga nilalang sa paligid. Para bang nagbibigay ng babala ang mga ito sa estranghero.

"The forest is angry," comment ni Nightmare sa amazed na boses.

"Yeah," pagsang-ayon naman ni Light na napalunok pa. "I can tell."

"Hey, Mister Sea," pagtawag ni Twila dito. "Are you a friend or a foe?"

"It depends in the situation," nakangiting sagot ng lalaki, saka siya nito binitawan. Pagkatapos, dumeretso ito ng tayo at humarap kay N habang nakataas ang mga kamay na parang sumusuko na. "I was just teasing you, dude. You don't have to transform into your true form in front of your wife." Hinawakan nito sa mga balikat ang multo. "I'm sorry, okay? Calm down."

Isang suntok sa mukha ang ibinigay ni N sa lalaki at sa pagkakataong iyon, tumama na ang kamao nito.

Mukhang malakas ang suntok na 'yon dahil humagis ang estranghero at tumama ang likod nito sa puno na nagkaro'n ng malaking biyak sa katawan. Sunod-sunod na nagmura naman ang lalaki habang nakahawak sa dumudugo nitong ilong at nakatingin ng masama kay N.

Pero hindi pa ro'n natatapos ang pag-atake sa "son of the sea" dahil mayamaya lang, "sinipa: ito ng gumagalaw na sanga ng punong kinasandalan nito kanina. Natumba tuloy ang lalaki at napaluhod sa lupa.

"Kalmado na ko," satisfied na sabi ni N. "Ano'ng ginagawa ng isdang gaya mo sa tuyong lugar tulad ng siyudad na 'to?"

"I'm not a freaking fish you impudent mountain ghost," reklamo ng lalaki, saka ito tumayo. Pero nang alisin nito ang kamay sa ilong nito, napansin niyang nawala na rin ang bakas ng dugo. Hindi rin makikita sa guwapo nitong mukha ang bakas ng pagsuntok dito ni N kanina. "You really don't know how to respect your elders."

"You're older but I'm stronger," katwiran ni N, saka ito muling umupo sa tabi ni Siha. "You are weak."

"Bastos ka talagang bata ka," iiling-iling na sabi ng lalaki, saka ito naglakad palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Nightmare– katapat si N. "Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa mga kaibigan mo, ha?"

Marahang siniko ni Siha si N na halatang walang planong sundin ang sinasabi ng lalaki. "Sino siya, N?"

"Lagoon Laiken," sagot ng multo, saka ito humarap sa lalaki. "Isa siyang isda."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon