S3 Chapter Eleven

736 59 7
                                    

N IS really gone, huh? malungkot na sabi ni Siha sa sarili habang nakaupo sa kama niya at nakatingala sa mga makukulay na paper planes na nakasabit ngayon sa kisame ng kuwarto niya gamit ang mga sinulid.

Nakikita rin niya na may nakasulat na N sa mga "pakpak" ng mga "eroplano." Those paper planes were probably his apology for making her sleep by force last night. "You didn't even let me send you off properly, you selfish ghost."

But she was grateful for his little surprise. Kahit ngayon pa lang ay nasasaktan na siya at parang dinudurog ang puso dahil sa paglalaho ni N, nagawa pa rin siya nitong mapangiti.

Bukod kasi sa mga makukulay na paper planes, nakasabit din sa dingding ang ilan sa mga polaroid pictures na kinunan nila kagabi. Karamihan sa mga iniwan ni N sa kanya ay ang solo shots nito. Kakaunti lang ang iniwan nitong pictures na magkasama sila. Dinala ng multo ang lahat ng solo shots niya at karamihan sa mga pictures nilang dalawa.

May kutob na siya na aalis si N nang hindi nagsasabi sa kanya no'ng napansin niyang matamlay ito habang nagpa-plano siya ng date nila. Kaya nga pinuntahan niya si Lagoon at hiningi ang tulong nito sa paghahanda ng isa pang regalo para sa doppelganger.

Napanood na kaya niya ang video message ko sa kanya?

Bago pa siya maging emosyonal, tumayo na siya at dumeretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos, lumabas siya ng kuwarto niya. Lagpas alas-siete na ng umaga pero mukhang tulog pa rin ang mga magulang niya kaya tahimik siyang naglakad papunta sana sa kusina. Pero natigilan siya nang marinig niyang nagsalita ang kuya niya.

"You're up, baby sis?"

"Yes, Kuya," sagot ni Siha habang nakatingin kay Sian na bumangon mula sa pagkakahiga sa malaking sofa. Nalaglag sa baywang nito ang comforter na nakabalot sa katawan nito dahil sa pagkilos nito. "Good morning."

"Good morning," bati rin sa kanya ni Sian habang nag-iinat ito. Pagkatapos, tumingin ito ng deretso sa kanya. "He's gone."

"He is."

Gumuhit ang awa at simpatya sa mukha ng kuya niya. "Bumalik siya dito ng 5AM. Nagluto siya ng breakfast para sa'yo."

"Nagluto si N?" gulat na tanong niya. "He knows how to cook?"

"Yeah. I was surprised, too."

"May sinabi ba sa'yo si N no'ng nagluluto siya?"

Umiling ang kapatid niya. "Nah. Halatang wala siyang plano na makipag-usap kaya hindi ko na siya inistorbo. I didn't want him to feel awkward so I just went back to sleep." May kinuha sa center table ang kuya niya, saka nito inangat ang hawak na blue paper plane. "When I woke up, I found this." Tinuro nito ang isa sa mga "pakpak" ng "eroplano." "May pangalan niya 'to pero wala nang ibang nakasulat dito."

Gaya ng mga paper planes sa kuwarto niya, may letrang N din na nakasulat sa eroplanong papel na hawak ni Sian. Sigurado siyang sulat iyon ni N dahil hindi niya makakalimutan ang mala-calligraphy nitong penmanship.

"It's a farewell paper plane from N," sabi ni Siha sa kuya niya. "A ghost like him isn't good at saying goodbye. They're just good at disappearing quietly, after all."

Malungkot na ngumiti si Sian. "It seems that way."

Tumango lang siya, saka siya nagpaalam sa kuya niya na pupunta lang ng dining area. Pagdating niya sa long table ay nakita agad niya ang mga nakahaing pagkain na natatakpan ng mesh food covers. Siyempre, ang paborito nitong carbonara ang main dish.

Pero bukod sa pasta, gumawa rin ito ng mga sandwich, sliders, at fries. Bukod sa picnic basket, napansin din niya ang bote ng mamahaling wine sa mesa. Masyadong mahal ang brand na iyon kaya sigurado siyang hindi iyon nagmula sa cupboard niya na naglalaman ng mga wine.

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon