15: Request Granted

1.7K 106 6
                                    

"ARE YOU crazy?" sumbat ni Siha kay N nang ibaba siya nito sa lupa. Mukhang nasa malalim na parte sila ng mini-forest dahil hindi na niya natatanaw mula ro'n ang kalsada. Puro matataas at matatabang puno na lang ang nakikita niya sa paligid. "Bakit ako lang ang niligtas mo? You should have saved Twila first!"

"You're my only priority," cold na sagot ni N. "Stay here. Every forest and mountain, no matter how small, recognizes me as its master. The entities here will protect you so stay here."

"No," mariing sagot niya, saka niya ito nilagpasan. "I will save Twila myself."

"How?"

Inangat niya ang braso niya. "This amulet can drive away evil spirits– ah!" Nabigla siya kasi bigla na lang sumulpot sa harapan niya si N. Ni hindi man lang ito gumawa ng ingay eh siya nga, ang daming mga dahon at sanga na naapakan. "Multo ka ba..." Tinapik-tapik niya ang bibig niya kasi ang ridiculous ng itatanong niya sana rito. "Get out of my way."

"That ghoul is Mori– the Queen's servant," sabi ni N. "He was the one who stole my counterpart's spiritual power."

"The more I need to save Twila then," giit niya. "I don't want to have another friend in coma because of some ghoul."

"Mori is here for you."

"That's a relief," sabi niya. Totoong nakahinga siya ng maluwag dahil kung siya ang kailangan ng ghoul, hindi naman siguro nito sasaktan o papatayin si Twila. "If he needs me, I'd trade my life for my friend's and you can't stop me."

"Human–"

"N, if you won't help me, then get out of my way."

"Stay," mariing sabi ng multo. "I'll bring your friend here."

"Really?"

"Yep."

"Please don't be too violent," pakiusap niya rito nang maalala niya kung pa'no ito pumatay ng mga ghoul. "Ayokong aksidente mong masaktan si Twila kapag inatake mo 'yong ghoul. 'Wag mo siyang basta lang iligtas, N. Make sure that she won't be harmed. Please."

"K," sagot ng doppelgänger, saka ito biglang naglaho.

"He's really a ghost," bulong niya. And speaking of ghosts, the mini-forest really gave her goosebumps. Napayakap siya sa sarili niya kasi kakaiba ang lamig do'n. I bet there are ghosts here. Hindi ko lang sila nakikita dahil sa amulet.

"Every forest and mountain, no matter how small, recognizes me as its master."

Kumunot ang noo niya nang maalala ang sinabing iyon ni N kanina. How can a doppelgänger be a master of every forest and mountain?

Nawala ro'n ang iniisip niya nang may marinig siyang malakas na pagsabog kasabay ng pag-alog ng lupa. Mabilis siyang nawalan ng balanse at muntik nang matumba kung hindi lang siya sinalo ng isang mahaba at matabang sanga...

... na nakalutang ngayon sa ere.

"Oh, my..." hindi makapaniwalang bulong ni Siha sa sarili. Sa takot niya, mabilis siyang lumayo sa sanga sa likuran niya. Pero may hindi nakikitang puwersa ang marahang tumulak sa kanya hanggang sa mapaupo siya sa sanga. Dahil nakalutang iyon, umangat din ang mga paa niya mula sa lupa. Pero stable naman ang posisyon niya dahil may mga payat at malalambot na sanga ang pumalupot sa baywang niya na parang seatbelt. Kasunod niyon, may narinig siyang mga bungisngis na parang nagmula sa mga bata. Pero dahil wala naman siyang nakikitang ibang tao sa paligid, sigurado siyang mga multo ang naririnig niya. They must be N's "underlings."

Nawala na ang takot niya sa kakaibang nangyayari dahil wala naman siyang nararamdamang panganib. Mukhang pinoprotektahan nga siya ng mga hindi nakikitang nilalang sa paligid. Tumatayo pa rin ang mga balahibo niya pero siguro, normal na reaksyon lang 'yon ng mga tao sa presensiya ng mga multo.

He was telling the truth when he said that the every forest and mountain recognizes him as its master.

"Human, here."

Nalingunan ni Siha si N habang nakasampay lang sa balikat nito si Twila. "Anong tingin mo kay Twila, sako ng bigas?" reklamo niya. "Ingatan mo naman siya."

"She's not my human," katwiran ni N, saka nito walang kaingat-ingat na inihiga ang walang malay na si Twila sa damuhan.

And then, he was gone, just like a ghost that he was.

"Please put me down," pakiusap ni Siha sa puno na nagmamay-ari ng mga sangang kinakaupuan niya, gano'n din sa nakapalupot sa baywang niya. Nakinig naman iyon sa kanya dahil mayamaya lang, nawala na ang "seatbelt" niya at ibinaba na rin siya ng sanga. Nang nakatapak na uli ang mga paa niya sa lupa, mabilis siyang lumapit kay Twila. Pagkatapos, lumuhod siya sa tabi nito at marahang niyugyog ang mga balikat nito. "Hey, Twila."

In-inspect agad niya ang kaibigan. Muntik na siyang maiyak nang makita niyang namumula ang leeg nito dahil siguro sa pagsakal dito ng ghoul. Siguradong magpapasa iyon.

"I'm so sorry, Twila..."

"Siha...?" nanghihinang tanong ni Twila. Mayamaya lang, nagmulat ito ng mga mata at nang makita siya, dumaan ang relief sa mukha nito. "I'm glad you're safe."

"Ako dapat ang magsabi niyan," emosyonal na sabi niya dahil mabigat ang dibdib niya dala ng guilt. "Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to sa'yo."

"Of course not," tanggi naman nito. "You're just a victim like me so don't blame yourself."

Naiyak na siya dahil na-overwhelm siya sa pagiging mabait at considerate nito. "Twila..."

"I won't die, Siha," natatawang biro ng babae na lalo niya lang ikinaiyak. "When the demon was choking me, sinusubukan niyang higupin ang kaluluwa ko from my mouth."

She gasped in shocked. "That was horrible..."

"The doppelgänger came to save me," pagpapatuloy ni Twila. "He traded his human body in exchange of my life."

"What?"

"The ghoul asked him to destroy his body in exchange of my life," paglilinaw nito. "And he really did destroy his human body."

Nanlaki ang mga mata niya nang may ma-realize siya. "May narinig akong sumabog kanina..."

"That was him destroying his human body," pagkumpirma nito. "But the ghoul is a big jerk. He still tried to kill me." Inangat nito ang isang kamay. "He tried to stab me with his hand with sharp nails." Binaba na uli nito ang kamay nito sa ibabaw ng tiyan nito. "Luckily, the doppelgänger is faster than him. He snatched me away from the ghoul, then he brought me here."

"N did that?" hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili. "Is it because of my request?"

Natawa ng mahina si Twila. "N, right? N listens to you well."

Napangiti siya dahil sa pagtawag ni Twila sa pangalan ni N, mukhang hindi na lang simpleng multo ang tingin nito sa lalaki. "Twila, puwede bang maiwan muna kita rito? I'll check on N. Baka kasi nasa disadvantage na siya dahil nasira ang human body niya."

"It's fine with me," sagot nito. "Pero Siha, hindi ka ba makakaistorbo lang sa kanya? Baka kasi gawin kang hostage no'ng ghoul."

"I can help N," pag-a-assure niya sa kaibigan. "I know a way to bring back his human body if he needs it."

Tumango si Twila na parang napansin na hindi na magbabago ang isip niya. "Alright. Be careful, Siha."

"We'll be back ASAP," pangako ni Siha sa kaibigan, saka niya hinubad ang amulet niya at isinuot iyon dito na halatang ikinagulat nito. Pero bago pa makapareklamo si Twila, tumayo na siya at tumingin sa paligid niya. "Please protect my friend for me."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon