S2 Chapter 12

1.4K 90 21
                                    

Chapter 14 is now posted on Booklat. :)

***

"OH, YOU'RE back," kunwari ay nagulat na sabi ni Siha habang nakapalumbaba siya sa railing ng balcony ng kuwarto niya. Puwede na kong mag-artista.

Kausap niya si N na ginaya ang posisyon niya sa balcony naman ng condo ni Lagoon na katabi lang ng kanya. Halatang kababalik lang ng doppelgänger dahil ang jacket lang naman nito ang nawala sa outfit nito ngayon. He looked exhausted but still handsome.

Life must really be good to beautiful people.

Anyway, alam niyang nakauwi na si N dahil nagtext at nag-report sa kanya si Lagoon kanina. Nang sinabi ng Kataw na nakatambay sa balcony ang multo, nagmamadali niyang isinuot ang roba niya para takpan ang manipis niyang sleepwear, saka siya nagpunta sa balcony niya.

"How was your dinner with Tita Everly, N?" pagbasag ni Siha sa katahimikan sa pagitan nila ni N. "Smooth ba?"

"Nope, it was awkward," sagot ni N sa pagod na boses. Hindi rin siya nito nilingon at nanatili lang itong nakatitig sa madilim na kalangitan. "Wife, you shouldn't stay here for too long. Kahit protektado ng sage's tear ang condo mo, kailangan pa rin nating mag-doble ingat dahil hindi ordinaryong ghoul si Pandora."

"K," naiinis na sagot niya kasi hindi niya nakukuha ang atensiyon na binibigay sa kanya ni N noon. Alam niyang nagiging brat siya ngayon pero anong magagawa niya kung sinanay siya nito sa mala-reynang treatment? "Good night."

Nilingon siya ng multo at halata sa mukha nito ang pagkalito. "Wife, you're upset again?"

Hindi niya napigilang mag-pout kahit pinipilit niyang magpaka-mature sa sitwasyon na 'yon. "Sorry. Hindi lang ako sanay na ganyan ka sa'kin. You feel distant."

"Nag-iisip lang ako."

"Care to share your thoughts?" maingat na offer niya. "Puwede mong sabihin sa'kin kung may problema ka. Pero kung hindi mo puwedeng i-share, maiintindihan ko."

"Wife, my counterpart's mother is sick."

Napasinghap siya sa gulat. "Ano'ng klaseng sakit?"

"May breast cancer daw siya," paliwanag nito. "Hindi pa raw siya nagsisimulang magpa-chemo kasi natatakot daw siyang gawin 'yon nang nag-iisa. Gusto raw sana niyang makasama ang counterpart ko. To be honest, I found her request really selfish." Ipinatong nito ang kamay nito sa dibdib nito. "But Never Gray Fagestrom's feelings made it clear to me that despite everything, he still wants to become his mother's source of strength. He wants to be there for her even though she neglected him all his life." Nakita niya sa mukha nito ang paghihirap. "Wife, I don't understand how he could easily forget that his mother abandoned him."

"That's how love works among families, N," sympathetic na sabi niya sa multo na mukhang hindi pa rin naiintindihan ang mga sinabi niya. "There was also a time in my life that I hated my parents. Pero kahit nagkasakitan kami, nagkapatawaran pa rin kami sa huli. May mga sugat kasi na napapagaling ng pag-uusap, pag-unawa, at pagpapatawad. Siguro gano'n din ang sitwasyon nina Never at Tita Everly. Na enough na ang paghingi ng tawad para magkaayos sila."

"Is asking for forgiveness really enough to mend a broken relationship?"

"There are times that it works, there are times that it doesn't," matapat na sagot niya. "Depende 'yon sa sitwasyon, N. Kung naramdaman mo na gusto nang patawarin ni Never ang mommy niya, it only means na mas matimbang ang pagmamahal niya kay Tita Everly kesa sa galit niya. Kung ako ang tatanungin, in-expect ko na 'yon sa kanya."

"Really?" halatang nasorpresang tanong nito. "Pa'no mo nasabi 'yan? Ako kasi, naramdaman ko ang matinding galit ng counterpart ko kaya nagulat ako na bigla 'yong nawala nang narinig ko ang kondisyon ng kanyang ina."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon