S3 Chapter 1

1K 75 20
                                    

Season 3 is already complete on Booklat. Sana may mag-comment. Salamat.

***

NEVER is finally awake, paalala ni Siha sa sarili pagkatapos ng tawag ni Nightmare. Bigla siyang nakaramdam ng takot kaya mabilis siyang yumakap sa braso ng doppelganger. Pakiramdam niya kasi, bigla itong maglalaho ngayong gising na ang counterpart nito. Please don't disappear on me, N.

"I won't vanish like a ghost even if I'm one," pag-a-assure sa kanya ni N nang maramdaman siguro nito ang takot niya. Pagkatapos, marahan nitong tinapik-tapik ang kamay niya na nasa braso nito. "Bebe, take a dip in the water. You'll be rejuvenated."

"Yeah, that's true. Aayain na sana kitang samahan ako dito kanina pero sigurado akong hindi 'yon magugustuhan ng asawa mo kaya hinintay ko na lang siya," sabi naman ni Lagoon na nakapikit habang nakalutang pa rin sa pool. Ngayon niya lang napansin na wala na pala itong suot na pang-itaas. His bare broad chest and six-pack abs were now free to be ogled at. Gaya ng mga braso nito, may mga ginto at pilak na kaliskis din ito sa dibdib at abs nito. "Hindi nagiging perlas ang luha ko kagaya ng mga Sirena, pero nagiging healing teardrops ang mga iyon na kapag humalo sa tubig, nakakapagpagaling ng mga sugat ko. Para sa mga kagaya mong mortal, ma-e-energize ng tubig na may luha ko ang katawan mo. You need to be recharged, Siha."

"Okay, thank you," sabi ni Siha, saka siya humarap kay N. "Join us, too, N. Wala ka namang visible wounds pero sigurado akong napagod ka rin sa pakikipaglaban mo. I want you to be rejuvenated as well."

"I don't need the fish's healing power to be recharged."

Pumalataktak ng malakas si Lagoon. "Ang yabang niyo talagang mga Tagabundok. Pagkatapos, nagtataka pa kayo kung bakit ayaw naming mga Laman Dagat sa inyo."

"Hindi rin namin gusto ang mga Laman Dagat," sabi naman ng multo sa flat na boses. "Kung hindi dahil sa namuong pagkakaibigan sa pagitan ni Anita at ng ama mong hari, hindi mahihinto ang alitan sa pagitan ng mga lahi natin."

Tinawanan lang 'yon ng Kataw.

Napangiti siya dahil kahit madalas "mag-away" sina N at Lagoon, ramdam naman niyang magkaibigan na ang turingan ng mga ito.

"Bebe, go," sabi sa kanya ni N nang harapin uli siya nito. "You need to be in your best condition before I bring you back to your brother or else, he'll kill me."

Nag-pout siya. "But the pool is too deep for me. 6 feet 'yan, eh. Lulubog lang ako. I don't know how to swim, you know."

"I doubt it if the mountain ghost knows how to swim, too," natatawa at halatang nang-aasar na sabi ni Lagoon habang nakatingin na kay N.

The "fish" looked smug.

Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Osette (na muntik na niyang makalimutang nakatayo pala sa likuran niya) kasi umangil ito kay Lagoon. "Wala kang karapatang insultuhin ang Tagapagbantay kahit pa ikaw ang prinsipe ng mga Kataw!"

"Woah, relax, sweetheart," natatawang sabi ni Lagoon na nakataas pa ang mga kamay. "I was just fooling around."

"Osette, that's enough," saway naman ni N dito dahilan para humarap at lumuhod sa harapan nito ang Lambana. "Bumalik ka na sa gubat at tulungan si Cosette sa pagbabantay sa mga kaibigan ng asawa ko."

Yumuko si Osette habang nakapatong ang isang kamay sa dibdib nito. "Masusunod, Tagapagbantay."

At nabalot na ng gintong liwanag ang Lambana hanggang sa tuluyan na itong naglaho.

Then, N took off his shirt without warning.

OMG!

Nag-freeze si Siha sa kinatatayuan at napatitig sa nakabalandra nang katawan ni N ngayon.

She knew that he was lean but she didn't realize that he had a gorgeous body under his clothes. N had broad shoulders, wide expanse of chest, strong-looking arms, taut hips, and six-pack abs. Aside from his forearms, his collar bones were also sexy.

She tried not to look at everything from the neck down but it was hard to resist his well-toned torso. Especially when she realized that his long-slung jeans exposed his sexy pelvis.

That's the men's "V-line" that I often read in contemporary books.

Napalunok siya kasi ngayon niya lang naintindihan kung bakit "sexy" ang mga V-line ng mga lalaki. Pero mabilis ding naputol ang pag-fa-fantasize niya nang makita niyang tinatanggal na ni N ang butones ng jeans nito!

"Stop, stop, stop!" saway ni Siha dito. "Bakit mo huhubarin ang jeans mo?"

"Kasi ang sabi mo, samahan kitang lumubog sa tubig," katwiran ni N. "Hindi ako komportable kapag dumidikit ang basang damit ko sa katawan ko."

Natawa si Lagoon sa sinabing iyon ng multo pero hindi niya pinansin ang Kataw.

"Tiisin mo. Just take off your socks and shoes, not your jeans," nanlalaki ang mga matang sabi niya rito. "Hindi ka puwedeng maghubad sa harapan ko. Gusto mo bang maghubad ako sa harapan niyo ni Lagoon?"

Mabilis itong umiling. "Dudukutin ko ang mga mata ng isda kapag nakita niya ang hubad mong katawan."

"Hey," reklamo naman ni Lagoon. "I'm not interested to see your wife's body."

Kunot-noong nilingon ng doppelganger ang Kataw. "What's wrong with my wife's body? Every inch of her is gorgeous."

The ghost's claim was so ridiculous that even Lagoon ignored him.

Napabuga na lang ng hangin si Siha, saka niya iniwan si N. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ng pool at hinubad ang mga medyas at sneakers niya. Saka niya lang inilubog ang mga paa niya sa lukewarm na tubig. "N, bilisan mo d'yan. Kapag lumubog ka na sa tubig, tumayo ka sa harapan ko."

"K," sagot ni N habang hinuhubad nito ang mga medyas at sapatos nito.

"Ohh, naughty Siha," panunukso ni Lagoon sa kanya. "I know what you're trying to do." Tumigil na ito sa pag-floating, saka ito lumangoy hanggang sa makarating ito sa dulo ng pool na malayo sa kanila ni N. Pagkatapos, ipinatong nito ang mga braso sa tiled floor habang nakatalikod sa direksyon nila ng multo. "Don't worry about me, love birds. Just pretend I'm not here. Maglalagay ako ng barrier para hindi ko kayo makita o marinig. Kung hindi ko lang kailangang magpagaling pa, iiwanan ko na sana kayo. But right now, this is the only thing I can do to give you privacy."

"Thank you, Lagoon," sincere at nahihiyang sabi naman niya. "Hindi mo naman 'to kailangang gawin kasi kami naman itong nang-i-istorbo sa pagpapagaling mo. Sorry, ha?"

Tinawanan lang ng Kataw ang sinabi niya, saka nito tinaas ang kamay habang kumakaway. Pagkatapos, nagkaro'n na ng makapal na fog sa paligid nito hanggang sa hindi na niya ito nakita.

Seryoso talaga siya sa pagbibigay sa'min ni N ng privacy.

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon