S3 Chapter Sixteen

751 75 11
                                    

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Monday-Wednesday-Friday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


NOT ENOUGH.

Napailing na lang si N habang pinapanood ang umuusok na bahagi ng bundok na pinasabog niya. Nagtumbahan ang naglalakihang mga puno at nasunog din ang maliit na parte ng gubat. Gayunman, hindi pa rin nasira o nagasgas man lang ang mala-salaming barrier na nakapalibot ngayon sa buong kabundukan.

"Tagapagbantay, plano mo bang wasakin ang bundok?"

"Siniguro ko namang nakalikas na ang mga nilalang sa lugar na pinasabog ko," katwiran ni N sa tanong ni Anita nang hindi ito nililingon. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nawawasak ang harang na nagkukulong sa'tin dito."

Simula nang nakabalik siya sa bundok niya, nagkaro'n ng napakalakas na harang na sapilitang nagsara sa lahat ng mga lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Kahit anong gamit niya ng kapangyarihan niya ay hindi niya maalis ang harang. Dahil do'n, hindi siya makalabas. Gano'n din ang iba pang mga nilalang sa nasasakupan niya.

Mahirap din ang komunikasyon kaya wala siyang balita sa mundong ibabaw. Sinubukan na niyang kausapin si Lagoon sa pamamagitan ng mga Naga sa lawa pero wala ring nangyari.

Napakalakas ng nilalang na 'to para gawin ang lahat ng iyon.

"Naiintindihan ko ang desperasyon mong makabalik sa piling ng mortal na si Siha pero paglabag sa batas ng mundo natin ang ginagawa mong 'to," paalala sa kanya ni Anita sa istriktong boses. Ganito ang tonong ginagamit nito sa kanya kapag sinasanay siya nito noong bata pa siya. "Gising na si Never Gray Fagestrom kaya kahit mawasak mo pa ang harang sa bundok at mabuksang muli ang mga lagusan papunta sa mundo ng mga tao, hindi mo pa rin siya makikita. Bilang Tagapagbantay at doppelganger, alam mo 'yan."

"Nakabalik na ba siya?" tanong niya nang hindi pinapansin ang mahabang litanya ng Anggitay. Pagkatapos, humarap siya rito para bantayan ang magiging reaksyon nito. "Nakabalik na ba si Lem– ang asawa ni Ana?"

Dumaan ang pagkataranta sa mga mata nito pero mabilis din iyong nawala. "Dalawampung taon na pagkakakulong ang parusa sa kanya. Maaaring nakabalik na siya pero dahil wala tayong komunikasyon sa labas, hindi ako nakakasiguro. Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Naalala ko lang na kung merong nilalang na mas malakas kesa sa'kin dito sa sarili kong bundok, si Lem lang 'yon," sagot niya. "Noong Encanto pa ko, siya ang pinagsisilbihan ko. Humalili lang naman ako sa posisyon niya kaya ako naging Tagapagbantay. Pero kung hindi sila umalis ni Ana noon dito sa bundok, hindi ako ang magiging pinuno." Tumingin siya sa paligid at dahil nasa tuktok sila ng bundok, puro mga berde lang ang nakikita niya. Wala ring nakakalat sa mga nasasakupan niya dahil binilinan niya ang mga ito na huwag munang lalabas sa kanya-kanyang tahanan habang sinusubukan niyang wasakin ang mga harang. "Pinahina ng harang ang pandamdam ko pero merong bumubulong sa'kin na nandito na si Lem. Posibleng siya ang nagkulong sa'kin dito. He's the only one capable of doing this to me."

"But why do you think he'd do this to you?"

He turned to Anita to give her a dire stare. "Hindi ba't kasalanan ko noong Encanto pa ko kung bakit siya naparusahan? Maiksi lang ang dalawampung taon para sa mga gaya natin kaya nangangahulugan iyon na mababaw lang ang nagawa niyang kasalanan. Pero dalawampung taon pa rin ang nawala sa kanila ng asawa niya. Hindi na ko magtataka kung gusto niya kong paghigantihan dahil sa nangyari. Nakulong siya kaya posibleng kinulong niya ko rito ngayon para iparanas sa'kin ang mga naranasan niya." Napahawak siya sa sentido niya nang bigla iyong kumirot. "Hindi ko naaalala kung bakit pero alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya naparusahan at nakulong."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon