S2 Chapter 26

1K 71 13
                                    

TWILA, please be safe.

Wala nang ibang magawa si Siha ngayon kundi ang magdasal para sa kaligtasan ni Twila habang nakapikit siya at karga-karga ni Lagoon na mabilis na tumatakbo ngayon papunta sa mini-forest. Mas lalo siyang nag-aalala dahil malakas ang pakiramdam niya na kasama ng kaibigan niya si Light dahil kapag gano'ng araw, sinusundo ito ng boyfriend nito sa classroom. Nakabawas sa pag-aalala niya na walang pasok si Nightmare ngayon. Kung nasa bahay lang ito ni Dr. Guerrero, magiging ligtas ito dahil sa sage's tear.

"The whole place has been cleared," mayamaya ay sabi ni Lagoon. "Mukhang ginamitan ng hypnosis ang mga mortal dito para umalis sila ng university."

"T-That's a good thing, isn't it?" paniniguro ni Siha. "Kasi kung walang ibang tao rito ngayon, wala na ring ibang madadamay sa pag-atake ng mga humanoid ghoul."

"No, that's wrong," kontra naman ng Kataw. "Bukod kay N, isang nilalang lang ang kilala kong kayang maghipnotismo ng napakaraming mortal ng sabay-sabay. And she's bad news, child. You know who I'm talking about, don't you?"

Napalunok siya, saka siya tumango habang sumasagot. "The Queen."

Biglang huminto si Lagoon sa pagtakbo. Pagkatapos, maingat siya nitong binaba at tahimik na itinago siya sa likuran nito. "'Wag kang lalayo sa'kin, Siha."

Napalunok si Siha dahil nakikita niya ngayon ang dahilan ng paghinto ni Lagoon– si Pandora na nakatayo ngayon sa gitna ng kalsada. Gaya no'ng unang beses niya itong nakita, burgundy ang kulay ng mahaba nitong buhok at nakasuot uli ito ng little red dress. Pero sa pagkakataong ito, wala na itong suot na mga sapatos. She's back...

"Nakakapanibagong makakita ng Laman Dagat sa lupa," halatang naaaliw at nang-iinis na pagbati ni Pandora kay Lagoon. "Since when did the Prince of Kataw become friendly with the mountain ghost? I thought your kind hated mountain dwellers?"

"My father and I owe the mountain ghost," magalang na sagot ni Lagoon. "I'm simply paying him back, Queen Pandora."

"Ah, is that so?" halatang walang interes na comment ng reyna, saka ito ngumiti para silipin siya. "Hello there, little girl. How's your wound?"

"The bite mark is slowly disappearing," sagot ni Siha, saka siya kumapit kay Lagoon dahil natatakot siya sa reyna. Saka ngayon pa lang, nakokonsensiya na siya dahil kailangan siyang protektahan ng Kataw mula sa Queen of Ghouls. "Lagoon, you can outrun her, can't you?"

"I'm sorry but I can't," sagot ng Kataw sa seryosong boses. "She's different from the other ghouls since she's the queen. But I can hold her back while you run, child."

"By myself?" gulat na tanong niya. "Pero pa'no ka, Lagoon?"

"I can manage," pag-a-assure nito sa kanya. "You have to run to the forest as fast as you can, Siha. Mas ligtas ka kung doon mo hihintayin si N."

"Pero–"

"Go, Siha," mariing utos sa kanya ni Lagoon. Napansin niya na nagkaro'n ito ng parang mga fish gills sa likod ng tainga nito. 'Yong naka-expose nitong mga braso naman ay tinubuan ng mga kaliskis na kulay ginto. Mukhang nilalabas nito ang tunay na anyo bilang paghahanda sa pakikipaglaban. "We'll both die here if we waste another second talking."

Siha needed not to be told twice.

Labag man sa kalooban niya, iniwan niya si Lagoon para tumakbo. Nakaharang si Pandora sa shortcut sana papuntang mini-forest kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakbo papunta sa mas mahabang route papunta sa Evangeline Avenue.

Habang tumatakbo siya, nararamdaman niya ang paggalaw ng kalsada at naririnig ang mga ingay na para bang may mababangis na hayop na nag-aangilan.

Gusto niyang lumingon para siguraduhing ligtas ang Kataw pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi niya sasayangin ang sakripisyo nito kaya mas binilisan niya ang pagtakbo.

Hang in there, Lagoon. Sigurado akong maililigtas agad ni N sina Twila. Then, he'll come and save us–

"Stop, Siha Serranilla."

Narinig ni Siha ang malakas na pagpigil sa kanya ni Pandora pero hindi siya huminto sa pagtakbo.

"Kapag hindi ka huminto, tutuluyan ko ang prinsipe ng mga Kataw!"

Bigla siyang nanghina sa narinig niya kaya bumagal ang takbo niya hanggang sa huminto na siya. Habang hinahabol ang hininga, pumihit siya paharap sa reyna. Nanlaki ang mga mata niya sa takot nang makitang nakaluhod na ang duguang si Lagoon sa lupa pero hawak ni Pandora ang buhok ng lalaki kaya hindi pa ito tuluyang bumabagsak.

Sa dami ng dugo ng Kataw sa mukha at katawan, hindi na niya alam kung ano ang mismong pinagmumulan ng sugat nito.

Lagoon...

"Marunong ka naman palang makinig," nakangiting sabi ni Pandora, saka nito binitawan si Lagoon.

Padapang bumagsak sa kalsada ang Kataw pero hindi na niya nakita ang kalagayan nito dahil sa isang kurap lang, nasa harapan na niya ang reyna. Sa sobrang takot niya sa presensiya nito, hindi agad siya nakakilos mula sa kinatatayuan niya.

"I never thought that this is going to be easy," natatawang sabi ng Queen of Ghouls habang hinahaplos ang pisngi niya. "You are the key to the success of my revenge, child."

At napasinghap na lang si Siha sa sunod na nangyari sa kanya kasabay ng pag-angil ni Pandora.

At napasinghap na lang si Siha sa sunod na nangyari sa kanya kasabay ng pag-angil ni Pandora

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon