S3 Chapter Ten

691 53 4
                                    

"So, what do you want with me?" tanong ni N sa "bisita" niya, saka siya humarap sa nilalang na naka-lotus position ngayon sa bubong habang "nakahiga" sa harapan nito ang malaki nitong scythe na may wooden hilt at malaking pakurbang talim. "Kamatayan?"

Yep, sitting oh-so casually before him was a death reaper known as 'Kamatayan' in most parts of this country.

Siha would probably cry in fear if she was here.

Natigilan si Kamatayan sa pagsubo sa hawak nitong hilaw na mangga na nakatusok sa stick. Meron pang bagoong sa ibabaw niyon. Nakasaklob ang ulo nito sa hood ng suot nitong itim na roba pero wala naman siyang nakikitang mukha nito kaya hindi siya sigurado kung pa'no ito kakain. "Nandito ako para sabihin sa'yo na nagdesisyon ang boss namin na hindi pa oras ng counterpart mong si Never Gray Fagestrom," sabi nito sa malalim na boses. Dahil wala itong mukha, wala siyang nakikitang bibig nito kaya hindi niya alam kung pa'no ito nakakapagsalita. "Kaya kung puwede lang, bumalik ka na sa bundok na pinanggalingan mo. Kung wala sa panganib ang buhay ng counterpart ng mga doppelganger na katulad mo, wala ring dahilan para tumapak ka sa mundo ng mga tao."

"K."

"Pero kahit sinabi ko 'yon, alam ko namang kaya mo pa ring baliin ang batas para bumalik dito kung gugustuhin mo," pagpapatuloy nito. "And the higher ups are lenient to you for some reason. Even if you were reborn as a doppelganger, it seems like your reputation as the strongest Guardian of the Mountain still strikes fear even in the hearts of those higher beings than you. I can't blame them, though. Even though you're just a ghost now, your power remains on a god-level. Napakalakas talaga siguro ng kapangyarihang nakuha mo sa Mutya na kinain mo noon."

"Hindi ako malakas," kontra niya. "Kung malakas ako, kaya ko sanang manatili sa tabi ni Siha kahit pa nagising na ang counterpart ko."

"Ah, you have a point. Pero mukha namang wala ka pang planong sumuko."

"Yep," pag-confirm naman niya. "Which reminds me, can you not just pretend that you forgot to kick me back to the mountain so I wouldn't have to leave? Kasi pagbalik ko ng bundok, babaliin ko lang ang lahat ng batas ng mundo natin para makabalik kay Siha. Mas mababawasan ang trabaho mo kung hahayaan mo na lang akong manatili dito kahit maiksing panahon lang. Maikli lang naman ang buhay ng mga tao kaya sapat na sa'kin ang eighty years para makasama ang babaeng mahal ko."

"Are you seriously asking me to lend you eighty years in the living world?"

"Yep."

"I'll kill you, you cocky ghost."

Napangisi siya sa tanong ni Kamatayan. "Who's going to kill whom?"

He felt the death reaper's deadly aura so he prepared himself to attack. Pero mabilis ding nawala ang mapanganib na aura kaya hindi rin niya itinuloy ang pag-atake dito. Kahit pa alam niyang malakas siya, hindi siya gano'n ka-reckless para maunang umatake kay Kamatayan.

I need to stay alive until I meet Siha again.

"You're really arrogant, Guardian," iiling-iling na sabi ni Kamatayan, saka ito tumayo bitbit ang scythe nito. Pagkatapos, "kinain" nito ang hilaw na mangga. Hindi rin niya alam kung pa'no kasi wala itong bibig pero mayamaya lang, hinagis na lang nito basta ang stick na hawak. "Anyway, I'll get punished if I fight you. Honestly, you're not worth it. Nabigyan na kita ng memo kaya aalis na ko. Kapag naramdaman kong hindi ka pa rin umalis dito, mapipilitan akong puwersahin kang pabalikin sa bundok na pinanggalingan mo. Kuha mo?"

"K."

"You're very much different when you were still an Encanto," komento ni Kamatayan, saka nito itinuro ng mabuto nitong daliri ang direksyon kung nasa'n dapat ang mukha nito. "Naaalala mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang mukha ko?"

Umiling siya. "Hindi lahat ng alaala ko sa dating buhay ko eh nasa isipan ko. Masyado 'yong marami para manatili sa memorya ko no'ng isinilang muli ako bilang multo."

"Hindi mo ba itatanong kung pa'no at bakit mo 'to ginawa sa'kin noon?"

"Wala na kong pakialam kung ano ang mga ginawa ko noon sa dati kong buhay," matapat na sagot niya. "Binalikan ako ni Pandora noon dahil sa kasalanan ko sa kanya no'ng Encanto pa ko. Ayoko nang maalala ang iba kong mga atraso no'ng Encanto pa ko." Natigilan siya nang may ma-realize siya. "Oh. Did you bring that up because you want to get back at me?"

"Nagawa na ni Pandora ang pinakamasakit na paghihiganti na puwede niyang maibigay sa'yo," halatang masayang sabi ni Kamatayan. "Nandito ako para panuorin ang pagiging miserable mo dahil sa tuwing nakikita kitang nahihirapan, nababawasan ang pisikal na sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin mula sa tangka mong pagpatay sa'kin noon."

"I must have been crazy to try to kill a death reaper when I was still an Encanto, huh?"

"You were."

"Alam mo ba kung ano ang paghihiganti ni Pandora sa'kin? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit tinapos niya lang ang sarili niyang buhay pagkatapos ng engrande niyang pagtakas sa bundok at pagsugod sa ex-wife ko. Isinakripisyo pa niya ang Queensguard niya."

"Do you honestly think that it was all for naught?"

Hindi siya nakasagot dahil bigla siyang nakaramdam ng panlalamig.

"If you think that way, then you have really lost to Pandora," natatawang sabi ni Kamatayan habang naglalakad ito paatras at nakapatong sa balikat ang wooden hilt ng hawak nitong sycthe. "This is going to be really fun." Sinadya nitong magpahulog at habang bumubulusok ito pababa, narinig pa niya ang malakas na pagtawa at pagpapaalam nito. "Farewell, ghost."

Tiningnan lang niya ang pagbagsak ni Kamatayan. Bago pa dumikit ang katawan nito sa kalsada, meron nang malaking itim na butas ang bumukan at lumamon dito. Pagkatapos, nagsara iyon at tuluyan nang nawala ang presensiya ng death reaper.

Pandora, just what the hell did you do to me? naguguluhang tanong ni N sa sarili habang nakatitig sa araw na unti-unti nang umaangat sa kalangitan. Ano ang alam niyo ni Kamatayan na hindi ko maintindihan?

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon