S2 Chapter 1

2.3K 103 14
                                    

Chapters 1-3 are now posted in Booklat: https://www.booklat.com.ph/Story/Info/12859/Ghost-Husband-(To-Be-Published)

***

SAGE, naiintindihan ko na ngayon ang galit sa'kin ni Pandora.

Biglang naalala ni N ang usapan nilang iyon ng sage noon habang nakatingin siya sa daliri ni Siha at binubura ang "wedding ring tattoo" nito na unti-unti nang naglalaho. Itim na itim ang kulay ng marka pero ngayon, nagiging grayish na.

Awang-awa siya sa asawa niya ngayon. Kung hindi niya ito "pinakasalan", hindi sana ito dinamay ni Pandora sa plano nitong paghihiganti sa kanya. Nagdesisyon siyang i-"divorce" na ang mortal dahil naisip niyang titigilan na rin ito ng Queen kung wala na silang koneksyon.

To be sure, I'll hunt and kill that wretch before she tries to lay a hand on my wife again.

Ex-wife, rather.

"N, are you crazy?!"

Nag-angat si N ng tingin kay Siha dala ng gulat dahil dapat ay nasa ilalim ito ng hipnotismo niya at wala sa sarili. Pero pag-angat pa lang ng mukha niya, napapikit agad siya nang tumama ng malakas ang noo ng babae sa noo niya. Malakas iyon para sa isang purong mortal.

"Aw," mayamaya ay humihikbing sabi ni Siha. "It hurts, you stupid ghost."

Nang nagmulat si N ng mga mata, sumalubong sa kanya si Siha na nakahawak na ngayon sa namumula itong noo. "Nagkabukol ka sa kalokohan mo."

Tiningnan lang siya nito ng matalim. Pagkatapos, inangat nito ang kaliwang kamay sa tapat ng mukha nito. Halatang na-relieve ito nang makitang naroon pa rin ang wedding ring tattoo. "Buti hindi mo nabura."

Maging siya ay nagtaka nang makitang naging malinaw uli ang wedding ring tattoo sa daliri ng babae– hindi gaya kanina na para bang nanlabo na ang tinta ng marka. Bakit hindi ko nabura ang marka ko sa kanya?

"N, hindi ko alam na ganyan ka pala ka-selfish," sumbat sa kanya ni Siha habang binibigyan siya nito ng dismayadong tingin. "Saka hindi mo ba alam na walang divorce dito sa Pilipinas?"

"Alam mo rin na hindi natin kailangang dumaan sa legal na proseso para lang maghiwalay," paalala niya rito sa flat na boses. "Saka pa'no ko naging selfish kung ginagawa ko 'to para sa sarili mong kaligtasan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Pandora kanina? Pinaghahandaan niya ang pagpatay sa'yo bilang ganti sa pagpatay ko sa human husband niya noon. Binuhay ka lang niya ngayon kasi pinaghahandaan pa niya kung pa'no ka niya papatayin. Naiintindihan mo na ba? Hindi ka lang niya basta papatayin– plano ka niyang i-torture hanggang sa ikaw na mismo ang magmakaawang patayin ka na lang niya."

Nag-slow clap ang babae na para bang aliw na aliw sa kanya. "N, ngayon lang uli kita narinig na magsalita ng ganyan kahaba."

His wife's nonchalance frustrated the hell out of him. How could she act like this when it took him all the self-control he got to stop himself from going ballistic? "Wife, it seems like you're not taking this seriously."

"Seryoso rin ako," kontra ng asawa niya, saka ito nag-iwas ng tingin. No'n niya napansin na napalunok ito at pasimpleng niyakap ang sarili. "Ayoko lang isipin 'yong mga sinasabi mo ngayon. I was almost eaten by a ghoul, N. Kahit na-numb mo ang physical pain sa balikat ko, parang nararamdaman ko pa rin ang pagkagat sa'kin no'ng Amos kanina. The burning sensation of his acid-like saliva still lingers on my skin, you know. It was so painful that I'm amazed by myself for not passing out." Tumawa ito para halatang ginawa lang nito iyon para pagaangin ang mabigat na tensiyon sa pagitan nila. "Maybe my pain tolerance is higher than I thought?"

He knew what she was talking about. Ilang beses na rin siyang nakagat ng mga ghoul noon. Kung siya nga mismo na malakas na nilalang na ay nasasaktan, pa'no pa kaya ang puro at mahinang mortal na gaya ng asawa niya? He couldn't even imagine the pain that she definitely went through. "You have a strong mind, Wife," pagpuri niya rito. "Kung ibang mortal siguro ang nakaranas ng naranasan mo, baka nasira na ang ulo nila."

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon