13: Enchantment

2.1K 123 3
                                    

HE'S like a child, iiling-iling na sabi ni Siha sa sarili habang nakatingin kay N na kasabay niyang maglakad. Yakap-yakap nito ang tote bag na naglalaman ng Tupperware kung sa'n nakalagay ang niluto niyang carbonara. Kahit no'ng nakasakay sila sa taxi kanina, ingat na ingat ito sa tote bag na kinandong pa nito. He'll do anything for his favorite food.

Lumingon sa kanya si N na gaya ng madalas, blangko lang ang mukha. "Yep?"

"Nandito na tayo sa classroom ko," sabi ni Siha, saka siya huminto sa hallway sa tapat ng classroom nila. Tumingin muna siya sa paligid at nang masiguro niyang walang tao na malapit sa kanila, saka siya tumingala at bumulong dito. "N, alam mo ba kung saan ang class ni Never?"

"Nope."

"Huh?"

"Siha!"

Nawala kay N ang atensiyon ni Siha nang bigla siyang yakapin ni Lami pagkatapos siya nitong tawagin. Pagkatapos, kumalas ito sa kanya at kumapit sa braso niya. "Lami," nakangiting bati niya sa pinsan niya. "Good morning."

"Good morning, Siha," nakangiting bati sa kanya ni Lami, saka ito tumingin kay N. "Good morning, Never."

N just stared blankly at Lami.

"Ang sweet mo naman kasi hinatid mo pa si Siha rito," pagpapatuloy ng pinsan niya na para bang hindi affected ng hindi pagpansin dito ni N. Pagkatapos, siya naman ang tiningnan ng babae. "Siha, should we go inside? Hindi kita ma-contact kagabi kasi you're not picking up my call. Marami kang dapat i-explain."

She smiled apologetically at her cousin. Sinadya niyang hindi sagutin ang mga tawag at text nito kagabi kasi ang dami niyang ganap simula kahapon. "Okay." Tumingin siya kay N na nakatingin na pababa sa kanya. "Go to your class."

"Nope," sagot ni N sa flat na boses. Pagkatapos, tumingin ito kay Lami na tumingala rin sa lalaki. "We're in the same class."

"What are you saying?" sita niya sa multo pero hindi siya nito pinansin. Nilingon niya si Lami at nag-alala siya nang mapansing para itong biglang nawala sa sarili. Her cousin's eyes suddenly looked empty. "Lami?"

All of a sudden, the air became chilly and everything became quiet.

Naramdaman din niyang maraming nakatingin sa direksyon nila. Nang tumingin siya sa paligid, nagulat pa siya nang makitang nakatingin sa kanila ang lahat ng tao na nasa floor na iyon at hindi rin kumikilos ang mga ito. May mga nakasilip sa bintana, nakatayo sa pintuan, o nakahinto sa hallway.

And everyone's eyes looked as lifeless as Lami's.

"Wherever the human Siha Seranilla is, there's Never Gray Fagestrom and it's completely normal," pagpapatuloy ni N na deretso lang ang tingin. "Tell it to everyone you know."

Napasinghap si Siha nang may ma-realize siya. "Are you using hypnosis on them?"

Himbis na sumagot, pumitik lang sa ere ang multo.

Then, the chilly air was gone the same time the people around them snapped out of the doppelgänger's hypnosis.

Parang bumalik na rin sa normal ang takbo ng oras dahil kumilos na uli ang mga tao na kanina ay nakatayo lang at nakatingin sa direksyon nila. Pagkatapos, bumalik ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa na para bang walang naaalala sa mga nangyari kani-kanina lang.

"Oh, Never, good morning," bati uli ni Lami kay Never. Pagkatapos, tumingin sa kanya ang pinsan niya. "Sabay ba kayong pumasok ni Never?"

"N-Nagkita lang kami sa gate kanina," pagsisinungaling niya, saka niya hinila ang pinsan niya papasok ng classroom. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Never. Magiging effective nga kaya ang hypnosis niya sa gano'n karaming tao?

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon