25: Rich Ghost

1.9K 120 17
                                    

"FINALLY," relieved na sabi ni Siha nang isara niya ang workbook niya, saka siya pumikit at suminghot ng malakas. "I can smell our long-awaited weekend."

Narinig niyang natawa ng mahina si N na alam niyang nakatayo sa harapan niya at hinihintay siyang matapos sa pagliligpit ng gamit niya. "Wife, what are you doing?"

Nagmulat siya ng mga mata at sumalubong sa kanya ang multo na sobrang guwapo na naman. Nakasuot ito ng moss green sa ibabaw ng black T-shirt na naka-tuck in sa black chinos, at khaki chelsea boots. Mas lalo pa itong naging cool tingnan kasi nakapasok ang mga kamay nito sa mga bulsa ng pantalon nito.

And our clothes match.

Hindi niya 'to aaminin pero sinadya niyang ipares sa outfit nito ang sinuot niya ngayon.

For today, she wore an olive green off-the-shoulder skater dress paired with beige lace-up high heel ankle boots. Medyo wavy din ang dulo ng buhok niya ngayon dahil naisipan niyang mag-curl kanina. Pero siyempre, simple pa rin ang makeup niya kasi nasa university lang siya.

"Happy lang ako kasi wala tayong pasok sa school bukas," sagot ni Siha. "N, since we're both dressed up pretty nicely today, gusto mo bang sa labas tayo mag-dinner mamaya?"

Tumango si N. "Yep."

"Ohh... our new wife is aggressive, huh?" comment ni Lagoon. "Pero kunsabagay, kung si N lang ang aasahan natin, walang magiging progress ang relationship natin."

"N is cute but he is terrible in expressing himself in words," dagdag na sabi naman ni Twila. "Siha must really lead their relationship."

"What relationship?" reklamo naman ni Nightmare. "A human and a ghost can't have a romantic relationship."

"Yeah," pagsang-ayon ni Light sa pagkontra ng kapatid nito, saka ito tumingin sa girlfriend nito. "Twila, don't ship a ship that's bound to sink anytime."

Heartless brothers.

More importantly, since when did her classroom became one of their hang-out spots?

Dahil first week pa lang naman ng klase at first meeting din nila ngayong araw sa professor ng isa sa mga major subjects nila, maaga sila nitong na-i-dismiss. Pero no'ng umalis ang prof, hindi pa uwian nina Light at Nightmare kaya nag-decide sila ni Twila na mag-stay muna sa classroom habang hinihintay ang dalawa. Wala namang gagamit ng kuwartong iyon at malamig do'n dahil sa lakas ng AC kaya kesa lumabas pa sila, do'n na lang sila naghintay.

And while waiting, sinagutan ko na rin ang assignment namin for next week para wala na kong iisipin this weekend.

Pagkatapos ng ilang minuto, naunang dumating si Light. Pagkatapos, sabay namang dumating sina Nightmare at Lagoon. Hindi agad sila umalis ng classroom dahil nga hinihintay ng mga kaibigan niya na matapos siya sa sinasagutan niyang workbook.

Para sabay-sabay kaming makadalaw uli kay Never mamaya.

May ilang mga kaklase sila ni Twila na naiwan din sa classroom pero malayo ang mga ito sa kanila. Saka ang sabi ni Lagoon kanina, okay lang daw na mag-usap sila ng tungkol sa "sekreto" nila kasi sapat na raw ang presensiya nito at ni N para gawing "barrier" sa pandinig ng mga mortal. Ang ibig sabihin daw niyon, hindi maririnig ng ibang tao ang pagbanggit nila sa mga bagay na may kinalaman sa buhay o mundo ng mga ito bilang mga kakaibang nilalang.

How convenient.

"Children, you're too naïve," natatawang sabi ni Lagoon na pumutol sa pag-re-reminisce niya sa mga nangyari kanina. "A relationship like that between a human and a different kind of entity is possible. That's why Hybrids like me exist." Tinuro nito ang mukha nito. "I'm a living proof, remember?"

Ghost HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon