Secret Nights - 42

Start from the beginning
                                    




At habang palapit ako nang palapit ay may naririnig akong musika. At sa wakas ay narating ko rin ang gazebo. Literal na napanganga ako nang makita kong nakatayo si Zeke sa may bungad ng gazebo at matamang nakatitig sa 'kin habang bahagyang nakangiti.




Christmas lights na nakapalibot sa mga haligi ng gazebo ang tumatanglaw sa buong lugar na 'yon. Sa pinakagitna naman ay mayroong pabilog na mesa kung saan may nakapatong na vase na may iba't-ibang klase ng bulaklak. May mga pagkain din at wine na nakahanda.




The place was romantic. And my heart swelled just because of the thought of Zeke preparing all of this.




Lumapit siya sa 'kin dahil parang naipako na ako sa kinatatayuan ko. At doon ko lang napansin ang isang tangkay ng pulang rosas na nasa kamay niya.




"For you," sabi niya sabay abot ng bulaklak.




"Thanks," kiming ngumiti ako sa kanya.




Funny na ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang sa lalaking 'to gayong noong mas bata bata pa ako ay alam na niya ang kapilyahan ko. I guess, I just really changed.




Inalalayan niya akong maupo bago naman siya umupo sa isa pang upuan. This time ay nagbago na ang tugtog. The music started with an accompaniment hanggang sa magsimulang umawit ang isang malamyos na boses ng isang lalaki.



Sa hindi inaaasahang ♪♪♪

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito. ♪♪♪♪♪

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta. ♪♪♪♪♪



Napatingin ako kay Zeke nang maramdaman kong hinawakan niya ang isa kong kamay. "Kain na tayo? Puro mga paboritong pagkain mo ang niluto ko tonight."




Tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain habang patuloy pa rin na tumutugtog ang kantang Tadhana na kung hindi ako nagkakamali ay version ni Daniel Ombao.


Bakit di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'yo. ♪♪♪♪♪


Nang matapos ang kanta ay nag-request ako kay Zeke na i-play ulit 'yon. "It's actually one of my favourite OPM songs."




"Nice choice of song. It's actually my favorite too," nakangiting sabi ni Zeke habang inaayos niya ang settings ng phone niya na nakakabit naman sa isang speaker.




Ilang beses pang pumailanlang ang kantang Tadhana bago kami natapos kumain. Nang tapos na kaming kumain ay nagsalin si Zeke ng wine sa dalawang wineglass at inabot sa akin ang isa.




"I hope we can do this more often," ani Zeke na halos hindi na lubayan ang mukha ko.




"You seemed strange. Okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" paglilihis ko ng usapan.




"I'm fine. Stop worrying, Amber. I'm totally fine," nakangiting sagot niya habang pinipisil ang isa kong kamay.




Mayamaya ay tumayo si Zeke at hinila rin ako patayo. "Let's dance," aniya bago inilagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Ang mga kamay naman niya ay dumapo sa bewang ko.




Its strange na hindi na kapareho ang naramramdaman ko noong una kaming magsayaw ni Zeke. There were no butterflies in my stomach and I wasn't feeling ecstatic or excited anymore.




Pero hindi ko na lang iyon ipinahalata sa kanya. We danced and danced and danced into the rhythm of my favorite song.




Pero lingid sa kaalaman nina Amber at Zeke, may taong lihim na nagmamasid sa kanilang dalawa kanina pa.




At kung lilingon lang sana si Amber, makikita niyang may isang tao na lihim na nasasaktan habang nagsasayaw sila ni Zeke na para bang silang dalawa lang ang nag e-exist sa buong mundo.






THIS STORY IS NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM FOR ONLY 150 PESOS. PLEASE DO GRAB A COPY. THANK YOU.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now