Secret Nights - 20

341K 3.7K 768
                                    


The next day ay naging busy kami pareho ni Zach sa school. Paano ay hanggang Thursday pa kami may exam. Buti na lang at wala na kaming exam sa ibang subject dahil nauna nang nagbigay ng test ang ibang teachers.


Palabas na ako ng gate nang makita ko ang kotseng nakaparada sa harap ng gate ng school namin. It was the same car na sinakyan namin ni Zach noong JS Prom. Nang tuluyan na akong makalabas ay nakita kong bumaba mula sa driver's seat si Zeke at saka kumaway sa 'kin.


Dahil nasa unahan ko sina Jade at Sapphire kasama ang pulutong ng mga kaibigan nila kaya nakita kong nagbulungan sila nang tuluyang lumapit sa 'kin si Zeke. Napansin kong medyo malungkot ang mga mata niya kahit na nakangiti naman siya.


"Hi," bati niya 'kin bago kinuha ang mga books na hawak-hawak ko.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Nakita kong tuluyan nang huminto sa paglalakad ang grupo nina Jade.


"Gusto sana kitang i-invite somewhere. Gusto ko lang ng makakausap. Nag-away na naman kasi kami ni Daddy." So it must be the reason of the sadness I'm seeing in his eyes right now. At hindi mahirap hulaang hindi iyon ang unang beses na nag-away sila ng daddy niya dahil na rin sa ginamit niyang phrase na 'na naman.' "Pwede mo ba akong samahan kahit saglit lang, Amber?" may himig ng pakikiusap sa boses niya.


"Sure, Zeke. Sasamahan kita," sabi ko at saka nagpatianod sa kanya nang alalayan niya ako papunta sa sasakyan niya. At bago ko pa man isara ang pinto ng pasenger's seat ay nilingon ko pa sina Jade at saka nakakalokong ngumiti.


Nang paandarin ni Zeke ang kotse ay hindi ko maiwasang mapangiti ng medyo pilit lalo na nang maalala kong pangalawang beses ko nang nakasakay sa kotse na 'to. Noong una ay si Zach ang kasama ko. Ngayon naman ay si Zeke ang nagda-drive sa harap ng manibela.


Minsan, nakakaloko rin talagang maglaro ang tadhana. Never did I imagine na magugulo ang puso pati na rin ang utak ko dahil sa dalawang lalaki—na magkapatid pa man din. Kung nagkataong hindi magkapatid si Zeke at Zach, mas madali sigurong mamili.


Nang lagpasan namin ni Zeke ang kasunod na barangay ay tinanong ko na siya kung saan kami pupunta.


"Sa Tacloban tayo pupunta. Huwag kang mag-alala mga nine uwi na rin agad tayo."


After almost an hour ay narating namin ang Tacloban City. Tuwang-tuwa pa ako nang makita ko ang City lights. Pero nang maalala ko ang malagim na trahedyang bumalot sa lugar na 'to mahigit isang taon na ang nakakalipas ay bigla ring nawala ang ngiti ko sa labi.


"Hey, are you okay?" tanong ni Zeke nang mapansin niyang bigla na lang akong naging matamlay.


Pilit na ngumiti ako sa kanya. "I'm okay. May naalala lang ako," maikling sagot ko. Nang tanungin ako ni Zeke kung saan ko gustong maghapunan ay mabilis kong isinagot ang Jollibee. Naalala ko noong nabubuhay pa si mama, kahit wala kaming kapera-pera. Kapag umuungot ako sa kanya na mag Jollibee kami ay lagi siyang gumagawa ng paraan para lang mapagbigyan ako. Favorite ko kasi ang chicken at spaghetti ng nasabing fast food restaurant.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon