Secret Nights - 07

384K 4K 218
                                    


Matapos ang dalawang ring ay sumagot sa tawag ko si Zach. Unang buka pa lang ng bibig ko ay alam na niyang umiiyak ako.



"Hey. What happened?" tanong niya sa 'kin mula sa kabilang linya. "Are you okay?"



Kahit hindi niya ako nakikita ay umiling ako. "Nope. Pinalayas ako ni tita. Nalaman kasi nilang umattend ako ng prom."



Narinig kong napasinghap si Zach sa kabilang linya. "Okay, where are you now? Pupuntahan kita."



Sinabi ko sa kanya na nakaupo ako sa isang waiting shed na malapit lang sa bahay ng tita ko. At kanina pa ako pinapapak ng lamok.



"I'm coming. Huwag ka nang umiyak. Everything will be fine."



After five minutes ay huminto sa harap ng waiting shed ang sasakyan na modern version yata ng karitela na sinakyan ni Cinderella.



Paglapit ni Zach ay hindi ko napigilang yumakap sa kanya. Sumubsob ako sa balikat niya at doon ay umiyak nang umiyak.



"Hey, tahan na. Wala na rin naman tayong magagawa kahit umiyak ka pa nang umiyak."



"Anong gagawin ko ngayon? Wala akong matitirhan. Wala na akong ibang kilalang kamag-anak."



Saglit na nag-isip si Zach pagkatapos ay ubod ng tamis na ngumiti sa 'kin. "Sa amin ka na lang muna. Tutal wala naman sina mommy. Iisip na lang ako ng magandang dahilan kapag nakauwi na sila ng bahay."



Hindi na ako tumutol nang ilagay ni Zach ang bag ko sa likod ng kotse. Binuhay na niya ang makina ng kotse at wala pang sampung minuto ay nasa harap na kami ng marangyang bahay nila.



Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang matandang babae na possibleng katulong nina Zach.



"Nana Adella, this is Amber. Amber, meet Nana Adella. Matagal na siyang naninilbihan dito sa amin. She's like a family to us," pagpapakilala sa amin ni Zach sa isa't isa. "Nana, pwede mo ba siyang samahan  sa isa sa mga guest room? Then after that pwede na po kayong matulog."



The old lady cleared her throat na para bang may nakabara na kung ano doon. "Dito siya matutulog?" tanong ng matanda na obvious na akong ang tinutukoy.



Parang wala lang kay Zach na tumango siya. "Yeah. Pinalayas kasi siya sa kanila. And by the way, where's kuya, Nana Adella?"

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon