Secret Nights - 10

378K 3.9K 196
                                    


Nang mahimasmasan ako ay mabilis na nagpunta ako ng banyo at naghilamos. Hindi pwedeng malaman ni Zach ang nararamdaman ko. After all, ginagamit ko lang naman siya at isang araw ay aalis din ako dito sa bahay. Ilang linggo na lang at matatapos na ang klase namin.



Lihim na ipinaalala ko sa sarili ang noon pa ay plano ko na kapag grumaduate ako. Aalis ka ng lugar na 'to, Amber. Magpapakalayo-layo ka at magsisikap para magbago ang buhay mo.



At hindi pwedeng mamagitan ang kung ano mang mayroon kami ni Zach sa dati ko nang plano. Kaya ngayon pa lang ay papatayin ko na sa puso ko ang kung ano mang emosyong nagsisismulang tumubo sa puso ko para kay Zach.



Saktong natapos akong magbihis ng pangbahay nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay si Zach ang bumungad sa akin. This time ay may suot na siyang itim na sando.



"Can we talk?" tanong niya sa 'kin.



Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto at hinayaan ko siyang makapasok. Umupo ako sa gilid ng kama at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.



"Hey, galit ka ba?" tanong niya sa 'kin habang hinahaplos ang pisngi ko. "'Wag mong isipin 'yong nakita mo. Wala 'yon, dinare lang nila ako. Saka wala naman talagang nangyari."



Kaya pala pawis na pawis kayong dalawa n'ong babaeng 'yon nang lumabas kayo sa kwarto! gusto kong isigaw sa kanya. Pero hindi ko ginawa.



"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Zach. Wala naman tayong relasyon, 'di ba?" Napatitig siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag kasi nakikitira lang naman ako sa inyo dito."



Hinawakan ni Zach ang mga kamay ko at saka marahang pinisil-pisil. "Hey, don't say that. Amber, hindi naman kita patitirahin dito sa bahay kung hindi ka mahalaga sa 'kin. I'm sorry, okay? Kung ano man 'yong nakita mo kanina, kalimutan mo na 'yon. I'll make it up to you, I promise." At hinalik-halikan ni Zach ang dalawa kong kamay.



Nang halikan niya ako sa labi ay hindi ako tumanggi pero hindi ko rin iyon sinuklian. At nang maramdaman kong bumababa ang labi niya papunta sa leeg ko ay itinulak ko siya at saka ako tumayo.



"I'm sorry, pagod ako. Besides, marami tayong gagawin ngayon. Finals na natin next week."



Nakita kong nagtagis ang bagang ni Zach dahil sa ginawa ko. "Fine," aniya at saka padabog na lumabas ng kwarto.



Napahawak ako sa labi ko at nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko dahil kahit wala na si Zach ay parang nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon