Secret Nights - 39

217K 3.4K 557
                                    

AMBER'S POV


"Amber, will you marry me?" tanong ni Zach. I saw the sincerity in his beautiful eyes. He was so adorable when he asked me that question. Gusto kong tawirin ang maliit na distansiyang nakapagitan sa amin para yakapin siya at sabihing, 'Yes. I'll marry you, Zach.' Pero sa halip na iyon ang isagot ko sa kanya ay iba ang nanulas sa bibig ko.




 "I'm sorry, Zach. I'm so sorry..." garalgal ang boses na sagot ko sa kanya bago ako tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng restaurant. Hindi ako lumingon kahit na nang tawagin ako ni Zach.




 I just can't leave Zeke especially now that he's sick. 




Nanlalabo ang mga mata ko habang binabaybay ko ang daan papunta sa paradahan ng mga nakapilang taxi. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay naramdaman kong nakasunod na sa akin si Zach.




 "Amber!" malakas na tawag niya sa pangalan ko. Hindi pa rin ako lumingon. Napasinghap ako nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa isang braso na siyang nagpatigil sa akin.

 Sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry if I freaked you out. But please, 'wag ka namang umalis nang hindi tayo nag-uusap. If you're not yet ready to settle down, it's okay. Willing naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka na. Just don't run away from me, Amber."




 Umiling-iling ako dahil sa sinabi niya. "No. You don't get it Zach."




 Mabilis na sinakop ni Zach ang labi ko kaya nabitin sa lalamunan ko ang iba ko pa sanang sasabihin.




 "No, no. I totally get it, Amber. You're not yet ready to commit yourself to me. Baka iniisip mong masyado akong nagmamadali. And maybe you still want to do something for yourself," aniyang ngayon ay nakangiti na. "Pero sabi ko nga sa 'yo kanina, handa akong maghintay hanggang sa maging handa ka na. Just don't push me away kasi hindi ko kayang lumayo sa 'yo. And I can't stand a day without you."




 Hinawakan ko siya sa mukha at saka malungkot na tumitig sa mga mata niya bago ko sinabi ang isa sa pinakamalaking kasinungalingan na hahabiin ko sa tanang buhay ko. "I don't love you, Zach."




 Malungkot na umiling-iling siya. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. "You're lying!"




"No I'm not," sagot ko pa.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon